CHAPTER 23

4K 92 4
                                    

Chapter 23: SCAMMED 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 23: SCAMMED 

I was rushing out of the room when I escaped from my blockmates. Narinig ko pa ang pagtawag nila sa akin ngunit hindi ko na sila nilingon. 

Next week na kasi ang foundation day namin at ako ang kinukuha nilang muse para mag-represent ng Education Department. Hindi ko nga alam kung bakit nila ako kinukuha palagi para sa mga ganyan. Last year din ay ako ang intinuro ng mga kaklase ko ngunit tinanggihan ko din dahil bukod sa wala akong pera, wala talaga akong interes sa mga ganyan. 

Pagpunta ko sa cafeteria ay naabutan ko sina Sydney at Mia na nagsisimula nang kumain doon. Kahit nasa malayo ako ay rinig na rinig ko na agad ang boses ni Mia, kahit kasi maliit na babae siya ay napakatinis naman ng boses.

Bumaling ako kay Sydney na nakangisi kay Mia. Mukhang may ikinikuwento ang isa dahilan para maaliw siya. Her grin grew wider when our eyes met. Tumaas ang kamay niya upang kumaway sa akin dahilan para maagaw ang atensyon ni Mia. 

Takang tumingin ako sa kanila nang makitang tatlo na ang pinggan na nakalagay sa ibabaw ng lamesa, ngunit ang isa ay hindi pa nagagalaw.

"May kasama kayo?" litong tanong ko.

"Ah. That's for you!" Mia pointed out.

I almost palm my face when I realized something. Hindi nga pala dapat si Mia ang mauna sa aming pumunta sa kainan dahil paniguradong manlilibre lang siya. Ilang beses na naming sinabi sa kanya ni Sydney na hindi na iyon kailangan ngunit talagang mapilit siya. Mabuti na nga din talaga at hindi kamahalan ang mga pagkain dito sa cafeteria kaya kahit papaano ay nakakahinga ako nang maluwag. 

"Mia, alam mo namang hindi na kailangan. May pera naman ako—"

"Never ko namang sinabi na you don't have money, eh. Look at Sydney, may pera din naman siya pero in-enjoy niya libre ko." She pouted. Napapikit siya bigla nang batuhin siya ni Sydney ng tissue sa mukha. 

"Hoy, don't make me sound na parang gustong-gusto ko 'to, ha. Medyo slight lang!" Sydney defended herself.

"Anong medyo slight lang?! You're so plastic talaga!" ganti ni Mia sa kanya at binato din siya nang binilog na tissue. 

Napailing na lang ako dahil mukhang magbabangayan na naman ang dalawa. Umupo na ako sa libreng upuan na katabi ni Mia at nagsimula na ding kumain. Napapayuko na lang ako tuwing may tumitingin sa deriksyon namin dahil sa ingay ng dalawa. 

Maliit akong napangiti dahil sa wakas ay nakumpleto na din kaming tatlo. Hindi sa amin sinabi ni Mia kung saan siya nagpunta at kung ano'ng ginawa niya sa mga nakalipas na araw. We also did not force her to speak because we respect her decision. Alam naming magsasabi siya sa amin kung gusto niya talagang magkuwento. 

And speaking of Sydney, ang sabi niya ay hindi na ulit nagparamdam ang tatay ni Aldriech sa kanilang mag-ina. Hindi nga daw niya alam kung mas dapat siyang kabahan o ano sa hindi nito pagpaparamdam. Sana lang talaga ay tigilan na sila ng lalaking iyon para makampante na nang tuluyan si Sydney.

Not A StripperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon