Chapter 25: FINE, BRAT
Naalimpungatan ako nang maramdaman ang matigas na brasong yumakap sa akin mula sa aking likuran. Ipagpapatuloy ko na sana ang aking pagtulog nang sunod-sunod niyang patakan ng magagaang halik ang kaliwang parte ng mukha ko.
"Baby..." he softly whispered near my ear. "Wake up."
I groaned as my brows knitted. "A-anong oras na ba?"
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi nang pilit sumiksik si David sa aking leeg at amoy-amoyin ako doon.
"It's five-thirty in the morning," he anwered using his husky voice. I moved my head to the side to give him access when he suddenly started kissing the side of my neck.
Maliit na binuksan ko ang aking mga mata at bumaling paharap sa lalaking nangungulit sa akin. Umungot siya bilang pagtutol, mukhang natutuwa na sa paghalik-halik sa leeg ko. My eyes immediately fell on his lips when he suddenly ran his tongue over it.
"Maya na, Baby. Maaga pa naman." Namumungay ang mga matang umiwas ako ng tingin. Hinila ko ang kumot mula sa aking dibdib upang itago ang aking sarili sa kanya.
"Aisha, I'm so damn In love with you."
Mariin akong napapikit at napakagat sa aking pang-ibabang labi ng marinig muli ang tinig na iyon mula sa aking isipan. Bahagyang napahawak pa ako sa aking dibdib ng maramdaman ang malakas na pagtibok doon.
That's not true! I keep on telling that to my self. Maari kasing gawa lamang iyon ng aking imahenasyon dahil sa sobrang saya na naramdaman ko kagabi. He granted my dream date so maybe I just assumed that he really said that because it would be perfect to hear that from him last night.
I sighed nang manariwa sa aking alaala ang nangyari. Nang tanungin ko si David kung ano'ng sinabi niya upang kumpirmahin kung totoo nga ba o hindi ang aking narinig ay ngumiti lang siya sa akin at ginawaran ako ng isang mabilis na halik sa labi. Imbes na malinawan ay lalo lamang akong naguluhan.
"Baby, get up. We are going somewhere," hinila ni David paalis ang makapal na kumot na nagtatago sa aking katawan.
"Ano ba? Puwede bang patulugin mo muna ako?" waring naiinis kong saad.
Ayaw kong mahalata niya ang pamumula ng aking mukha dahil sa pagka-frustrated sa kakaisip kung totoo nga ba ang narinig kong sinabi niya kagabi o gawa-gawa lang ng aking imahenasyon. Sa ngayon ay kinakagat ko na lang ang labi ko upang mapigilan ang sariling tanungin siya dahil baka mapahiya lang ako kung sakaling hindi iyon totoo.
"Get up, Baby. As far as I can remember, I didn't make you too tired last night," his voice was soothing but the teasing is still visible.
I lazily rolled my eyes to David. Hindi mahanap ang ganang sabayan ang kanyang sinabi. Yes, hindi niya ako pinagod physically, but mentally? Pagod na ako sa kakaisip, and I think I'm going crazy!