CHAPTER 31

8.3K 115 14
                                    

WARNING! Mature Content

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

WARNING!
Mature Content.

Chapter 31: I TRUST YOU

Napaungol ako nang dumiin ang pagmamasahe ni David sa likod ko. Ang sarap sa pakiramdam ng mainit at malaking palad ni David na maingat ngunit mariing humahaplos sa balat ko. Pumikit ako mula sa matagal na pagkakatitig sa tubig na umabot lamang sa ibabaw ng dibdib ko.

David said that I needed this. Mahigpit ang yakap niya sa akin habang ikinukuwento ko ang nangyari kanina sa bahay. Paulit-ulit niyang hinahagod ang likod ko, and that's all I need to calm down. 

Pagkadating namin dito sa mansyon niya, he offered me a massage. Noong una ay ayaw ko dahil bukod sa wala na akong gana at gusto ko na lang matulog habang yakap siya ay alam kong pagod din siya, but he insisted to massage me.

Ang sabi niya kailangan kong ma-relax kaya tumalima na lamang ako. Masyado akong pagod para makipagtalo pa. At hindi ako nagsisi sa desisyong iyon dahil effective ang ginagawa ni David na pagmamasahe sa akin. Napasandal ako sa gilid ng tub at muling napa-ungol.  

"Baby, stop moaning like that."

Napamulat ako ako at lumingon kay David nang marinig ko siyang magsalita.

"Why?" litong tanong ko at umayos ng pagkakasandal. Tikom ang bibig ni David at seryusong nakatuon lamang ang mga mata sa kilos ko.

"Nothing," he stuttered and shook his head. Nagtaka naman ako nang makita ang bahagyang pamumula ng leeg niya. His jaw clenched when he noticed what I'm doing.

Bumaba ang tingin ko sa katawan niya. He is wearing nothing but a towel that is lazily wrapped around his waist. Napalunok ako nang dumabo ang mga mata ko sa v-line niya, at hindi ko na napigilan pa ang mga mata ko nang bumaba pa lalo ang tingin ko. 

Sunod-sunod akong napakurap nang makita ang pamumukol ng bagay na nasa pagitan ng mga hita ni David. Walang epekto ang lamig ng tubig sa nararamdaman kong pag-iinit ng iba't ibang parte ng katawan ko.

"Eyes up here, baby," namamaos na saad ni David.

"P-pagod ako..."

Ang salitang iyon ay hindi ata para kay David ngunit para sa akin. Para ipaalala sa sarili kong pagod ako. Baka kasi hindi ko na mapigilan ang sarili ko't sunggaban na lang si David.

He took in a deep sighed. "I know, so you better stop staring that monster before I lose my control."

Muli akong napalunok at tumango-tango. He licked his lower lips and lazily twitched. Paulit-ulit kong binubulong  sa aking isipan na pagod ako upang patayin ang init na namumuo sa aking katawan. Hindi ko na sinubukan pang salubungin ang mata ni David at deritso na lang akong tumingin sa harapan. 

Panandaliang tumahimik ang paligid hanggang sa muling magsalita si David. 

"Do you feel bad?" panimula niya. "Do you feel bad about what you did back there?"

Not A StripperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon