Chapter 14: HACIENDA DE LA CERDA
Nagising ako nang may maramdaman akong malambot at mainit na bagay na gumagalaw sa ibabaw ng labi ko. His lips move sensually, urging me to move mine against his.
"Uhmm.."
I moaned when his tongue asked for entrance, so I parted my lips to welcome him. His tongue explore my mouth that made my moan louder. Nang mahalata niya sigurong gising na ako ay t'saka lang siya lumayo sa akin.
"Glad you're finally awake, sleeping beauty," he whisperd, deeply staring at my lips.
Bumaling ako sa labas ng sasakyan nang maramdaman ang pag-iinit ng akong mga pisngi dahil sa kaniya. I stumbled upon what I saw, sobrang dilim ng paligid at napapalibutan ang lugar ng mga puno. Gabi na ba? Nasaan kami?
Ganoon na lamang din ang gulat ko nang unti-unting bumukas ang malaking gate na kulay tanso sa aming unahan. Tumingala ako at nakita ang arko nito na may nakalagay na malalaking letra na Hacienda de la Cerda. May mga matataas na pader ang humaharang sa lupaing sakop nito.
Narinig ko ang maligayang pagbati ng mga taong nagbukas ng gate at tinanguhan lamang sila ni David. Medyo malubak ang daan papasok kaya't napahawak ako sa seatbelt sa tapat ng aking dibdib.
Wala akong kahit isang ideya kung nasaan kami. Mabuti na lang at medyo naaninag ko ang paligid dahil sa liwanag na ibinibigay ng buwan. Nang sundan ko siya kanina palabas ng hospital ay dumeritso lang siya papasok ng sasakyan niya kaya ganoon na lang din ang ginawa ko. Tahimik lang kami sa buong biyahe hanggang sa nakatulog ako.
I was about to ask David where are we nang bigla siyang lumabas ng kotse. Hindi ko manlang namalayan na tumigil na pala ang sasakyan. He turned in my seat to open the door for me.
"Let's go." His voice is really cold. Bumaba ang tingin ko sa nakalahad niyang kamay.
Galit ba siya sa akin? Pero... bakit naman siya magagalit sa akin?
Napayuko ako at inabot na lamang ang kamay niyang nakalahad at lumabas ng kotse. Nang makalabas ako ay napa-tingin ako sa mga mata ni David. Sobrang lapit naming dalawa sa isat-isa. Nararamdaman ko nga ang bawat paghinga n'ya sa pisngi ko. Ang guwapo talaga ng lalaking ito. Kahit saan ka tumingin, lahat perpekto.
Bumaba ang tingin ko sa mga labi niya, and it seems like I got electrified. Bigla kong naramdaman ang bawat pagtibok ng puso ko. But... why? Ano'ng dahilan at bigla na lang lumakas ang pintig ng puso ko?
"Don't look at me like that." His expressionless eyes avoided my gaze.
Pumunta siya sa likod ng sasakyan at kinuha ang isang traveling bag mula doon.