CHAPTER 6

13.8K 260 16
                                    

Chapter 6: BACK-UPS

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 6: BACK-UPS

Alam kong sa huli ay maaari kong pag-sisihan ang napili kong desisyon pero hindi ngayon. Hindi ngayon.

Ito na siguro ang pinaka-mahirap, at ang pinaka-hindi  ko pinag-isipang desisyon sa buong buhay ko pero ito ang pinaka-madaling paraan sa lahat.

Let's be real. Hindi ako agad makakapag-ipon ng thirty to thirty-five million pesos kahit na umutang pa ako kay Mia at Sydney.  Mom's illness can't wait for a lifetime. Hindi ko naman puwedeng sabihin na 'Brain Cancer, wait ka muna diyan, ha? Mag-iipon muna ako, kalma ka lang diyan sa utak ni Mama', di'ba?
  

Humugot ako ng malalim na hininga bago magbayad sa driver at tuluyang bumaba ng taxi.

Sobra ang pasasalamat ko kagabi ng dumating si Mr. Liu, ang ama ni Mia, dahil kung hindi ay baka nabuwal na ako sa aking pagkakatayo at tuluyang nawala sa sarili. Ang buong akala ko ay magagalit si Mr. Liu tungkol sa nangyari sa mga kaibigan niya ngunit kalmado itong humarap kay Mr. Radcliffe. Ngumiti pa siya dito at sinabing gusto niya itong makausap ng pribado.

Binigyan muna akong muli ni Mr. Radcliffe ng calling card bago siya lumabas ng silid kasama si Mr. Liu. Maybe they'll talk about Mr. Radcliffe's sudden entry into the private room without any permission.

'Don't lose it this time.'

I remember Mr. Radcliffe whispering those words with his husky voice and while his hot breath touches my neck. He let out a sexy smirk before he turns his back on me.

Hindi ako halos makagalaw noon sa aking kinatatayuan. Nanatili lang akong nakatitig sa pintong kaniyang pinaglisanan habang nanginginig ang kamay na may tangan ng calling card niya.
    

Pagkadating ko sa address ng kompanya na nakalagay sa calling card ni Mr. Radcliffe ay hindi ko mapigilan ang sarili kong mamangha sa nakikita. A large and very tall building was standing in front of me. Radcliffe Builders. Basa ko sa malalaking letra sa harapan ng building. Kumikinang ang asul na salamin na bumubuo sa gusali sa sinag ng araw at halos mabali na ang leeg ko sa pagtingala sa pinaka-tuktok nito. Sa hula ko ay aabot ito ng hanggang seventy to eighty floors.
  
Sa totoo lang, hindi ko naman talaga kailangan pang pumunta dito para sabihin sa lalaki ang naging desisyon ko. May personal number siya sa card na ibinigay niya sa akin at kung tutuusin ay puwede ko na lamang iyon tawagan, but I want to personally tell him about my decision and conditions para maayos namin itong mapag-usapan.

Huminga ako ng malalim at nagsimula na akong maglkad papuntang entrance ng building. Kinakabahang ngumiti ako sa dalawang guard sa pangambang baka hindi ako papasukin pero agad din naman silang ngumiti sa akin pabalik. Kinapkapan lang muna ako ng lady guard at hiningian ng I.D bago papasukin dahil hindi ako empleyado ng kompanya.
     

Not A StripperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon