CHAPTER 15

12.7K 243 18
                                    

WARNING!Mature Content

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

WARNING!
Mature Content.

Chapter 15: MAD AND JEALOUS

He glanced at me before he continued to walk. He keeps on glancing at me from time to time, checking if I'm still following him. Nauuna siya sa akin ng ilang hakbang sa paglakad dahil pinapatag niya ang matataas na damo gamit ang kahoy na napulot niya kung saan. Iniwan namin si Thunder at itinali sa isang malaking puno upang hindi siya magpunta sa kung saan. Hindi ko alam ano'ng dahilan kasi hindi naman iyon ipinaliwanaga ni David nang tanungin ko siya.

Nakayuko lang ako habang naglalakad at sinusundan ang mga bawat hakbang ni David para hindi ako maligaw o matapilok. Hindi ko halos napansin na magkasabay na pala kaming maglakad ni David. Halatang matagal-tagal na din ng may huling tao ang pumunta dito. Mabuti na lang talaga at parehas kaming naka-jeans at long sleeve sapagkat may ilang matataas kaming damo na nadaan at may ibang magaspang at matinik na alam kong nakakasugat.

"Matagal pa ba?" Maya-maya ay tanong ko nang hindi binabalingan ng tingin ang lalaki at panay ang tingin sa paligid. I was worried about the possibility that we might encounter a snake or even any wild animals.

"We're already there," I heard him answered.

Gulat akong napatingin kay Mr. Radcliffe nang bigla niyang hawakan ang kanang kamay ko. Ngunit nanatiling nakatutok ang kanyang tingin sa aming dinadaanan. Napangiti na lang ako sa hindi ko malamang kadahilanan.

Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa aming destinasyon. My lips parted and my eyes widened as I gawked at the sight of the beautiful waterfalls. May magkakaibang hugis at laki ng mga bato nakakalat sa buong paligid. The water is clear and the hue's in between of green and blue. It has, I think, an impressive 120-foot cascades that makes for the perfect looping day hike excursion.

"Wow, ang ganda!" I let go of David's grip and ran closer to the falls. I carefully took off the boots I was wearing. Parang bata na idinikit ko muna ang dulo ng daliri ko ng paa bago tuluyang gumawa ng hakbang. Muntik na akong mapatili dahil hindi ko inaasahan na malamig ang tubig. Mataas kasi ang sikat ng araw kaya't akala ko ay magiging maligamgam ito.

"Ang ganda ng tubig, ang linaw at linis!" Natutuwang sambit ko bago tumapak sa mga malalaking bato sa ilalim ng tubig. Kahit na ano kasing hakbang ang gawin ko ay hindi lumalabo ang tubig. Ibinaba naman ni David ang maliit na dalang bag, na may lamang mga pagkain, tuwalya, at mga damit namin, sa damuhan habang tahimik akong pinapanood.

My forehead frowned slightly as I stared at the opposite direction of the falls. There seems to be a hole between the waters.

"Wait.. Is that a cave?" Namamanghang itinuro ko iyon bago nilingon si David.

"Yes." Tumango siya dahilan para mapapalakpak ako sa tuwa. "And if you want, we can go there."

"I would love to!" Masayang tugon ko ng mapansin ang mga hakbang niya palapit sa aking puwesto.

Not A StripperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon