CHAPTER 33

7.4K 151 22
                                    

Chapter 33: THEN DON'T

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 33: THEN DON'T

I had shed tears nightly for almost a week, but as the days passed, I turned away from my grief and began to court anger.

Marahan kong binuksan ang aking  mga mata nang makarinig ng tatlong mahihinang katok sa pintuan. Tumihaya ako sa pagkakahiga at sandaling napatitig sa kisame.

Ang totoo ay kanina pa ako gising, wala lang akong lakas na bumangon mula sa kama. Kahit alas siyete na ng umaga ay madilim ang buong silid dahil sa nakababang kurtina. 

"Aalis na kami, AM, kainin mo 'tong niluto ko, ha! May pancake dito, may ulam na din para may pagkain ka ulit mamaya!"

Rinig kong sigaw ni Sydney mula sa kabilang bahagi ng pintuan bago muling kumakatok upang siguraduhing gising na ako. Kahapon din kasi ay nagluto siya ng pagkain bago ako iwan upang ihatid ang anak sa school at pumasok ngunit kaunti lang ang nabawas ko dahil sa kawalan ng gana.

Muli akong pumikit nang marinig ang papaalis na yabag ni Sydney. Hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya dahil sa pakiramdam na nagiging pabigat ako sa aking kaibigan. Halos dalawang araw na akong nagkukulong dito sa apartment ni Sydney at halos ako na ang alagaan niya kaysa sariling anak.

My bottom lip trembled as I try to remember the things that had happened for the past few days. Pagkatapos nang tagpong nangyari sa restaurant ay dumeritso agad ako sa bahay at kumuha ng ilang mga gamit ko. Wala akong ibang gustong gawin noong oras na iyon kung hindi ang tumakas mula sa bangungot na iyon.

Ayaw kong makita ulit ako ni Mama sa gaanong sitwasyon at pag-aalalahanin siya, or worse, makapagsalita ng mga bagay na hindi ko naman talaga gustong sabihin sa kanya. I just want some space. I want to run, to escape, from everything and be alone. But I don't know where to go.

My mind was too clouded with pain and the feeling of being betrayed. Masyadong mabigat para sa akin ang lahat ng mga nangyayari at tila araw-araw ay nadadagdagan ang mga bangungot na nangyayari sa akin. Natatakot na tuloy ako na baka kung may mangyayari pa ay hindi ko na kayanin. 

Si Sydney ang pinaka-unang tinawagan ko dahil alam kong maiintindihan niya ang sitwasyon ko without asking any questions. Naisip ko kasi na baka mag-aalala at mag-hysterical si Mia kung sakaling sa kanya ako unang tumawag. 

Walang nakakaalam na dito ako nanunuluyan ngayon. Kahit si Mama o sino man sa mga kapatid ko. Pinatay ko din muna ang cellphone ko para walang tumawag sa akin at magtanong.

Ayaw ko man ay alam kong nag-aalala na si Mama sa akin ngayon. Baka umiiyak siya ngayon, tumatawag sa mga kaibigan at kakilala ko, o nakakalimutan ng uminom ng gamot— hindi ko alam. Gusto ko mang tawagan siya, yakapin, at sabihing okay lang ako, pero kasi... hindi pa ako okay. Hindi ako puwedeng mag-alaga ng ibang tao kung mismong sarili ko ay hindi ko magawang alagaan ngayon. Ewan ko kung kailan, pero hndi ko pa sila kayang harapin ngayon. I just really felt so betrayed by everyone, by him, by them, by the people I trust and love the most.

Not A StripperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon