CHAPTER 21

9.3K 143 34
                                    

WARNING!Mature Content

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

WARNING!
Mature Content.

Chapter 21: YOUR PLACE

I immediately searched for Dom when I entered the Neobar pra maka-usap siya tungkol sa nangyari at napag-usapan namin sa Coffee shop kahapon pero hindi ko siya makita kahit saan.

Tinanong ko si Jimuel kung alam niya kung nasaaan si Dom ngunit ang sabi niya ay umalis daw si Dom at nagtungo sa kanilang probinsya. Namatay kasi ang pinsan nito dahil sa dengue at nitong umaga lang daw nalaman kaya nagmamadali ring umalis. Hindi na nga daw ito nakapagpaalam sa Manager dahil sa sobrang taranta. Jimuel also didn't know when Dom would return because the latter didn't mention it before leaving.

Nakaramdam ako ng lungkot sa nalaman ko. Dom must be very sad because of what happened, and he needs someone to lean on now, but sad to say that I am no longer that person.

Kaming dalawa lang ni Jimuel ang pinaka-malapit kay Dom na katrabaho niya dahil nga may pagka-suplado siya minsan kaya't nag-aalala ako na dahil sa nangyari sa amin ay kikimkimin na lang niya sa sarili ang kanyang problema. I want to comfort him again like before because I know he needs it now, but I can't force myself to help him, especially since he's not ready to talk to me right now.

Mapait akong napangiti ng maalala na dati'y sa akin niya sinasabi ang lahat ng problema niya. And I will be always there to comfort him. Takbuhan namin ang isa't isa noon pero iba na sitwasyon ngayon.

Bumalik sa aking alaala ang nangyaring tagpo kanina sa bahay. It was so stressing. Namamanhid na ang mukha ko noon at parang kaunti na lang ay tutulo na ang luha ko. Nasasaktan akong makita si Mama'ng makipagsagutan kay Doña Luisa para lang ipagtanggol kami.

Alam ko kung gaano kahirap iyon para kay Mama dahil kung ako man ay hindi ko kayang gawin iyon. Kahit naging malupit sa amin si Doña Luisa ay hindi parin maiaalis ang katotohanan na magkakadugo kami. Isang pamilya dapat kami.

Alam nilang kagagaling lang ni Mama sa sakit at imbes na maging sinsero ang pagbisita nila ay ginamit pa nila itong dahilan upang kumbinsihin si Mama na bumalik na sa kanila. 

Mabuti na lang at bago pa tuluyang maging mainit ang sagutan nila Mama at Doña Luisa ay napilit na ni Tita Lauren na umuwi ang Doña. Ang sabi daw ay dumating ang mga amiga nito mula sa Espanya at dumaan lang upang kamustahin siya. 

Itinuon ko na lang ang buong atensyon ko sa pagtatrabaho buong gabi. Okay naman sana ang lahat kahit na parang naninibago ang katawan ko. Pakiramdam ko'y sobrang napagod ako at inaantok na kahit na mas matindi pa naman dito ang ginagawa ko noon.






Not A StripperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon