CHAPTER 30

8K 104 10
                                    

Chapter 30: NIGHTMARE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 30: NIGHTMARE

"AM..."

Sumunod ang mga mata ko sa kamay ni Mama nang hawakan niya ang kanang kamay ko. 

"Po?" malambing na tanong ko. I tilted my head to have a better view of her. 

Kakatapos lang kahapon ng unang chemo-radiation ni Mama matapos ang huli niyang surgery. Hindi pa man halata ngayon but she's now suffering from hair loss. It's one of the common side effects of chemotherapy.

"Okay ka lang ba, anak? Pansin kong kanina ka pa tahimik, hindi ako sanay," she asked with her soft voice. 

Kahit na naranasan na ito ni Mama and she already know that the side effects will go away after the treatment finished, ramdam ko ang panghihinayang niya. I witnessed how she took care of and treasure her hair right after she healed from her first cancer diagnosis. At ngayong bumalik ang cancer niya at kailangan ulit sumailalim parehong therapy, it's like she's back in to zero.

I felt my chest tightening at the thought of a few days from now, I'm going to see how she suffers to a lot of side effects because of her therapies.

It took every bit of me to lift up my lips for a genuine smile. "Okay lang po ako, 'Ma. Iniisip ko lang na kapag naging successful lahat ng therapy niyo sa loob ng ilang linggo, ibig sabihin babalik na ulit sa normal ang lahat. Puwede ka na po ulit bumalik sa Aisha's at hindi na natin kailangan mag-alala na baka bukas wala na tayong pambayad sa kuryente," I tried to joke. 

I sighed when she laughed and gave my hand a squeeze. Inayos ko ang kumot sa katawan niya, binuksan ang bintana at itinaas ang kurtina upang makapasok ang hangin at sikat ng araw sa kuwarto niya. I walked back to her bed and kiss her forehead.

"Pahinga ka muna, 'Ma. Kami na munang bahala ngayon," I softly whispered. 

Kinuha ko and breakfast tray sa side table ni Mama at iniwan siya sa kuwarto upang maayos siyang makapagpahinga.

Mabuti na lang dahil linggo ngayon at wala akong pasok dahil hindi ko na kailangang mag-alala kung sino ang puwedeng mag-alaga at magbantay kay Mama. 

Nang makababa ako sa kusina ay tapos na din sina Nichol kumain. Napangiti ako nang maabutan silang dalawa na nag-aasaran habang naghuhugas ng pinggan si Mark at nagpupunas naman si Nichol ng lamesa.

"Ano na naman ba 'yang pinagtatalunan niyo, ha?" tanong ko matapos ipatong ang tray sa lababo. 

"Pagsabihan mo nga 'yang kapatid mo. Kung kani-kanino bumabarkada," Nichol answered as she pointed at her brother. 

Not A StripperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon