CHAPTER 38

6K 125 13
                                    

Chapter 38: PAALAM

Walang permanenteng bagay sa mundo. 'Yan ang tumatak sa utak ko simula nang… mawala si Mama.

Hiram lang ang buhay natin kaya tiyak na babawiin din ito mula sa atin. Kaya kung gusto mong sulitin ang buhay mo habang nasa kamay mo pa ito— maging masaya ka, maging malaya ka, magmahal ka at matutong magpatawad.

Life is not unfair. Binabalanse ng Diyos ang mundo upang maging patas ang lahat ng kanyang nilikha. Siguro kaya lang natin nasasabing hindi patas ang buhay dahil hindi pa natin alam ang tunay na kahulugan nito.

Sa loob ng mga nakalipas na araw, pinag-isipan ko at inalala ang lahat nang mga nangyari sa buhay ko. Sa too lang, masakit pa din para sa akin ang pagkawala ni Mama. Sariwa pa din sa aking alaala ang huling beses na nakausap ko siya. Siguro ilang taon pa ang kailangan kong hintayin bago tuluyang maghilom ang sakit ng pagkawala niya. Pero dahil palagi akong sinasamahan nina Papa at ng mga kapatid ko, nababawasan kahit papaano ang lungkot sa  na nararamdaman ko. Dahil sa kabila nang kaalamang wala na si Mama, hinding-hindi ako mag-iisa. 

Napatunayan kong totoong maganda ang naging pagpapalaki sa aming magkakapatid ni Mama dahil sa kabila ng nangyari ay hindi ko naramdaman ang panghihina ng mga kapatid ko, bagkos ay pinatunayan nila sa akin kung gaano sila kalakas at katapang. Sigurado akong proud si Mama sa kanila because they'd handle the situation better than I did. Tila sina Mark at Nichol pa ang mas panganay kaysa sa akin dahil ako ang hindi nila maiwan na nag-iisa. 

Napagdesisyunan kong tumayo mula sa kinauupuan ko at panoorin ang mga taong unti-unting umaalis. Inayos ko ang nagusot na bistida at tumikhim nang makaramdam ng paninuyo ng lalalmunan.
Napalingon ako sa deriksyon nina Mia at Sydney nang marinig ang pagtawag nila sa pangalan ko. Napangiti ako nang sabay nila akong yakaping dalawa. I leaned towards Sydney when I felt her kissed the top of my head.

“Pauwi na kayo?” 

Mia nodded in response as she bit her lower lip. “I'm sorry, AM. I need to go. Babá just arrived and he's asking for me.” 

Bakas sa mukha ni Mia na ayaw niya pa talagang umalis. Napahinga ako at sumulyap sa cellphone na hawak niya. Madalang lang silang magkita ng Papa niya at nag-iisang anak lang siya kaya naiintindihan kong gusto nitong makasama ang anak tuwing nasa Pilipinas.

“You don't need to say sorry. Ano ka ba? Tsaka malapit na din naman kaming umuwi kaya okay lang.” Tumanngo ako at ngumiti upang kumbinsihin siya dahil bakas sa mukha nito ang pag-aalala para sa akin. 

Nabaling naman ako kay Sydney nang marahan niyang tapikin ang balikat ko. “I'm so proud of you, AM. You're not just an amazing friend but also a strong person. I hope you remember that time and obstacles will make you stronger. Alam kong proud na proud din si Tita Lories sa ’yo.”

I immediately  took in a deep sight when I felt myself tearing up. Tumango ako at muling lumapit sa kanya upang yakapin siya. Agad din na namang sumali si Mia sa amin, dahilan para mapangiti ako.

“I'm also proud of you, Sydney. Masaya ako para sa ’ting dalawa. Kung malakas ako, mas naging malakas ka. You've been through a lot and here you are, still fighting,” I mumbled against her shoulder.
 
We were just about to let go when Mia jump to join in the hug. Natawa kami nang bahagya kaming gumewang sa pagkakatayo dahil sa bigat niya. 

“And I'm so proud to the both of you!” 

Sydney complained while laughing as Mia squeezes us both.

It only has been two days since Sydney and I graduated from college. Kahit na wala si Mama sa tabi ko sa pagmartsa, alam kong pinapanood niya akong tangganpin ang diploma ko at ramadam ko ang matinding kasiyahan niya dahil nakapagtapos ako ng pag-aral. Iyon lang naman kasi ang gusto niya para sa aming magkakaptid— ang makapagtapos, magkaroon ng maayos na edukasyon at magandang trabaho.

Not A StripperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon