CHAPTER 35

7.5K 134 27
                                    

DISCLAIMER:
Before you read this chapter, I just want to warn you first. I don't have any background experience about having a cancer. I don't know anyone na may cancer. Kaya pagpasensyahan niyo na kung may maling details or infos kayong makita dito. Ayaw ko pong makakabasa sa comment na "Ay, wala namang ganyan", "Hindi naman totoo yan", or etc. Alam kong normal na sa akin ang late update pero isa ito sa naging dahilan kung bakit lalo akong natagalan dahil sa pagdadalawang isip. If you are educated or aware about this topic and want to correct and help me improve, kindly leave a comment or direct message me. Thank you! 💙

Chapter 35: A MOTHER'S LOVE

Magaan ang ngiting ibinigay sa akin ni Mama nang magsimula akong magsalita. Kakatapos lang niyang magdilig ng mga halaman sa labas nang lapitan ko siya. Hinanap ko siya doon upang sabihin na handa na ang tanghalian ngunit iba ang lumabas sa bibig ko.

"Hindi na po natin ito napag-usapan... pero gusto ko lang po na malaman niyo na alam kong mali ang ginawa kong pagtalikod at pagsagot sa inyo noong unang beses na makita ko ulit si Papa. Dapat po ay nakinig muna ako sa paliwanag niyo bago ang lahat dahil alam kong wala kayong bagay na ginusto kung hindi ang makakabuti para sa aming magkakapatid." Napayuko ako at sinimulang laruanin ang kamay ko habang si Mama ay tahimik lang na nakikinig sa akin. 

"Mama, p-pasensya na po pero kung itutuloy niyo po ang pag-iimbita sa pamilya nina Papa dito sa atin para maghapunan mamaya, baka kina Sydney na lang po muna ako magpalipas ngayon ng gabi." I gulped when I felt a big lump on my throat. 

Kanina ko lang din kasing umaga nalaman ang plano nilang dinner nang banggitin iyon ni Mark sa aming umagahan at sabihing excited na ulit siyang makita sina Papa. Ang sabi ni Mama nang tanungin ko kung ano'ng mayroon ay maganda daw itong paraan upang magkaroon ng matibay na samahan ang mga pamilya namin at masanay kaming magkakasama at sa presensya ng isa't isa. 

Malalim akong humugot ng buntong-hininga. Sometimes, I just can't quite process how forgiving she is... to the point that I feel so evil and guilty for holding grudges at the person who abandoned and chose another family instead of us.

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nasaktan kahit kaunti sa aking nalaman. I don't know why but I suddenly felt left out. Or am I just being so dramatic? But knowing that they did not inform me immediately, or ask my opinion about this matter— ni hindi ko nga manlang alam na may ganoon pala silang plano, made me feel an ache in some part of my chest.

"Gusto ko din pong malaman niyo na hindi ko po kayo pinapapili. Tanggap ko na po na magiging parte na sila ng pamilya natin. Pero hindi pa lang po talaga ako handang makasama sila sa iisang lugar matapos ang lahat. Masyadong maraming nangyari nitong mga nakalipas na araw, at sa tingin ko—"

I stopped myself from babbling words when she reached for my hand.

"Alam ko ang nangyari, anak." May pagtatakang nag-angat ako ng tingin kay Mama. "Noong nag-dinner ka kasama sila, nagulat ako nang magkasamang pumunta dito sina David at Ate Thalia mo. Nag-alala sila nang malamang wala ka dito at ipinaliwanag nila sa akin ang sitwasyon. Humingi nang tawad sa akin si Thalia kahit malinaw naman na wala siyang kasalan." Naramdaman ko ang marahang pagpisil ni Mama sa aking kamay.  "Mabuti na lang at ina din si Sydney. Siguro alam niyang mag-aalala ako ng tudo sa iyo kapag nalaman kong nawawala ka kaya tinawagan niya ako upang sabihing sa kanila ka muna magpapalipas ng gabi. Pasensya na, anak, kung madalas wala ako sa tabi mo sa mga panahong pinaka nasasaktan ka."

"Hindi niyo po kailangang humingi ng tawad sa akin, 'Ma. Wala ka pong kasalanan. Sariling desisyon ko po ang lumayo."

"Sana lang ay huwag ka masanay na sinusolo ang problema. Tandaan mo sana, anak, na palagi lang akong nandito para sa'yo kung may problema ka. Handang makinig at umunawa sa'yo... kahit hindi mo pa ako nakikita," saad niya bago binitawan ang kamay ko.

Not A StripperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon