CHAPTER 32

8.2K 132 33
                                        

Chapter 32: THE REVELATION

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 32: THE REVELATION

I took in a sharp breath and stared in front of Schiavon Restaurant. Lumingon ako kay David nang maramdaman ang kamay niya sa aking balikat.

Yesterday, Mark and Nichol went to David's house. Humingi ng tawad sa akin si Mark dahil sa nangyari. At kahit na ano pa ang mangyari, alam ko namang hindi ko kayang tiisin na makitang umiyak ang kapatid ko sa aking harapan kaya pinatawad ko na agad siya. Na-realize ko ang mga sinabi niya at inalala ang aking pagkabata kaya't naintindihan ko na ulit ang pangungulila niya sa isang ama.

"Are you ready?"

Muli akong humugot ng malalim na hinga sa tanong na iyon. Ramdam ko ang pamumuo ng pawis sa sa noo ko kaya't pinunasan ko agad iyon.

"Ewan ko. Hindi talaga ako sigurado dito," I mumbled. Umangat ng bahagya ang labi ni David at pinisil ang balikat ko.

"I know you are," he said and looked at the restaurant's entrance.
Kahapon din ay sinabi sa akin ni Mark na gusto akong makausap ni Papa. Wala naman talaga akong balak pa na magpakita sa ama ko pero ang sabi ni David ay kailangan kong harapin si Papa. I need to forgive him and give him a chance, not for me but for my mother and siblings.

Naisip ko naman kalaunan na tama si David. Kailangan ko din malinawan sa mga pangyayari sa nakaraan ko. Kung bakit kami iniwan ni Papa at kung bakit niya kami napiling iwan at muling magpakita sa amin. Dahil kung may balak talaga siyng maging ama sa aming mga anak niya, bakit ngayon pa? Bakit hindi noon? Bakit ng hanap pa siya ng iba?

Sa totoo lang, kaya ko naman tanggapin na may iba siyang pamilya. Oo, magagalit ako, magtatampo, pero papatawarin ko din naman siya at tatanggapin kasi ama ko siya, mahal ko siya. Pero ang hindi magpakita sa amin sa loob ng maraming taon? Hindi iyon okay. Nag-iwan siya ng malaking sugat sa pagkatao ko na puwedeng gumaling ngunit hinding-hindi mabubura. And even though I don't want to hear anything from him, I still need to hear his explanations. 

I was about to open my mouth to speak when I heard David's phone rings. Agad na napunta doon ang atensyon ni David. And by just looking at his serious face while he's looking at his phone's screen, I already know it's work.

"Ahm..."

Alanganing bumaling sa akin si David habang nanatili ang pagtunog ng kanyang cellphone. He's like asking for my permission to answer his own phone. Bago pa niya ituloy ang kanyang sasabihin ay inunahan ko na siyang magsalita.

"Answer the call. Baka importante. Sumunod ka na lang sa akin after, mauuna na ako sa loob."

He bit his lower lip and hold my hand. "Baby, I promised you. Nangako ako sa'yong kasama mo akong haharapin sila." He glanced on his phone. "This is just work, and I am the boss. I can just text Clarissa to call again later. But this... I can't just..."

Not A StripperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon