WARNING
Mature Content.Chapter 9: ROUGH
I was quiet inside the car the whole time we are traveling. I keep looking outside and watching other cars and street lights to keep myself distracted.
Napatuwid ako sa aking pagkakaupo ng pumasok ang sasakyan ni Mr. Radcliffe sa isang malaki at mataas na gate. Isang malawak na garden ang sumalubong sa amin at umawang ang labi ko sa pagkamangha nang may madaanan kaming isang Spouting fountain na napapalibutan ng iba't ibang uri ng mga bulaklak. Ilang segundo pa ang lumipas nang tuluyan ko ng matanaw ang napakalaking kulay puting mansyon.
Huminto na ang sasakyan ngunit nanatili lang akong nakatulala. Naunang lumabas si Mr. Radcliffe at umikot sa aking puwesto upang pagbuksan ako ng pinto. Kinuha ko ang nakalahad niyang kamay at lumabas na.
Nagtatakang tumingin ako sa katabi ko nang hawakan niya ako sa baba.
"You're drolling," he said.
Agad akong napahawak sa aking labi at bahagyang nanlaki ang mga mata nang makumpirma kong totoo nga ang sinasabi niya.
I looked away because of the embarrassment. "S-sorry..."
He nodded his head. "Let's go inside."
Ibinaba na niya ang kanyang kamay mula sa aking baba upang kuhanin ang kamay ko. I bit my lower lip because of that. Hindi ko alam kung para saan ang paninikip ng dibdib ko.
Mabuti na lang at agad ding nabaling ang atensyon ko sa ibang bagay. My lips parted even more ng tuluyan kaming makapasok sa malaking pintuan. Kung nakakakamangha na sa labas, what more kapag nakapasok ka na dito sa loob. The interior design is decorated in an electric yet glamorous style. Halos mag-laway akong muli ng makita ang Black Crystal by Philippe Stark Chandelier sa gitna ng living room. Halatang mula sa labas at sa kasuluksulukan ng mansyon na ito pinagkagastusan at gawa sa mga mamahaling materyales.
"Do you want to eat first?"
"H-huh?" tanong ko ng hindi marinig ang sinabi niya dahil sa pagmangha sa buong paligid. Hindi ako makapaniwala kahit na nakikita ko na ito mismo. Ang akala ko ay sa pelikula ko lamang makikita ang ganitong klase at karangyang bahay.
"Are you hungry?" he asked again. I tensed when his other hand started playing with my hand that he's holding.
"H-hindi pa naman," I answered shaking my head.
Walang pagbabago sa kanyang ekspresyon at nanatili lang ang mga mata niyang nakamasid sa akin. Nang pumasok kami kanina ay wala akong nakitang kahit isang taong sumalubong sa aming dalawa. Kahit kasambahay manlang ay wala. Bigla tuloy akong napaisip na... ang laki ng bahay niya tapos siya lang mag-isa?
"Sinong kasama mo dito?" I gasped at my own question.
I covered my mouth with my hands. Hindi ko sinasadyang maisatinig ang katanungan ko sa aking isip. Kinabahan naman ako bigla nang bahagyang tumagilid ang kanyang ulo. Nanginig ang labi ko nang pakawalan niya ang kamay ko.