Chapter 28: PROMISE
"AM, are you listening?"
Tatlong beses akong napakurap. Tila hinila ng isang malumanay na tinig pabalik sa reyalidad.
"H-huh? Ano po?" wala sa sariling tanong ko matapos mapalingon kay Mommy.
"Hindi ka nga talaga nakikinig," Mom took in a deep sigh. "Tell me, 'nak, may problema ka ba? Nag-away ba kayo ni David?"
"Naku, hindi po Mommy! T'saka wala din po akong problema, at lalong hindi po kami nag-away ni David!" paglilinaw ko at kiming napangiti because it's kinda sound a little defensive.
I actually don't feel well today. Pakiramdam ko lumulutang ako. Maybe because of my period, I don't know. And I also feel this overwhelming tiredness this past few days even though wala pa naman akong ginagawa sobrang mabibigat na trabaho.
"Ano nga po ulit 'yong sinasabi niyo kanina?" I tried to change the topic and leaned on the kitchen counter to focus more on what Mom was going to say.
"I said, do you know that David is not just in love with you?" She tauntingly smiled at me.
My forehead suddenly creased because of what I heard. Ano ba'ng ibig sabihin ni Mommy?
"P- po?" utal kong tanong.
Nahalata siguro ni Mommy ang pangamba sa mukha ko kaya bigla siyang natawa at umiling-iling bilang pagtutol."No-I mean, yes!" she exclaimed. "Because he's also in love with my Adobo." The side of her lips lifted up into a wide smile as she winks at me.
"Pork adobo is David's favorite Dish. Even when we were in Canada, he would always prefer to have an adobo on the table. He also taught our head chef how to cook that because our cooks in Canada only know how to cook Canadian, German and Haitian cuisines."
Sumunod ang tingin ko sa mga pinatong ni Mommy sa counter na mga rekado. Mayroon sa tapat ko na pork belly that is cut into cubes, soy sauce sa tabi nito, onions and cloves garlic at marami pang iba.
Dumating din naman agad kanina ang cook ni David matapos magluto ni Mommy nang umagahan. Ngayon ay abala na sa dirty kitchen ng mansyon ang cook upang magluto ng pagkain para sa aming tanghalian.
Noong una ay nagtataka ako kung bakit ako niyaya ni Mommy sa kusina habang nagkukuwentuhan sa pool side ng mansyon kanina. Sinabi niya sa akin na gusto niya ulit magluto at masaya naman akong tumulong kay Mommy kahit taga-abot lang ng mga ingredients ang maaring maitulong ko.
"Gusto mo bang turuan kita ng pinaka gusto niyang recipe ng Pork Adobo?" Mom asked with a hint of excitement.
Tatlong beses akong napalunok at hindi na napigilang napangiwi ako. Wala sa sariling napakamot ako sa gilid ng aking ulo. "Gustuhin ko man po pero huwag na lang po. Siguradong masasayang lang po ang oras niyo sa pagtuturo sa akin."