CHAPTER 8

15.5K 287 9
                                        

Chapter 8: THE PAYMENT

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 8: THE PAYMENT

Naalimpungatan ako ng maramdaman ang marahang tapik sa aking braso. Pupungas-pungas akong umangat sa pagkakayuko mula sa tabi ng kama ni Mama. Kinusot ko ang mga mata ko at mahinang humigab.

"Hija, pasensya na at ginising kita. Kanina pa kasi tumatawag sa'kin ang Tito mo, eh. Kailangan ko na talagang umuwi sa'min," pagpapaalam niya sa akin.

"Okay lang po, Tita, mamaya pa naman po ulit ang alis ko. Hihintayin ko na din po munang dumating sina Mark para may magbantay kay Mama," saad ko at sumulyap kay Mama na natutulog pa din. Magaan ang kamay na inayos ko ang nagulong kumot kung saan ako yumuko at nakatulog kanina. "Salamat po sa pagbabantay kay Mama ngayong araw."

"Alam mo na ba kung bakit inilipat ng kuwarto ang Mama mo?" Tita Lauren asked that made me stop.

Biglang bumalik sa aking alaala ang biglaang pagtawag sa akin ni Mark habang umiiyak noong nakaraang araw. Sobrang takot ko nang araw na iyon dahil akala ko ay kung ano na'ng nangyaring masama kay Mama. Sobra ang pagdadasal ko noon habang nasa biyahe at halos umiyak na ako habang nagmamadaling pumasok sa loob ng hospital. Mabuti na lamang talaga at walang anumang masama ang nangyari at inilipat lang si Mama sa private wing ng hospital. Halos bumagsak ako noon nang makahinga ako ng maluwag dahil sa sobrang kaba. Natakot lang talaga siguro si Mark noon at nag-panic sa nangyayari kaya't agad niya akong tinawagan.

Malaki ang bagong kuwarto ni Mama na halos triple sa dati niyang silid. It has its own bathroom, flat screen TV, refrigerator, couch and another extra bed. May nurse call system, radio and direct dial telephone at may free wifi din. Noong una ay naisip kong baka nagkamali lang sila ng inilipat na pasyente ngunit matapos ang tatlong araw ay wala paring kumakausap sa amin at nagpapaliwanag kung bakit inilipat dito si Mama.

"H-Hindi pa po, Tita. Balak ko nga pong magtanong mamaya dahil baka po namali lang sila," I answered. Napakapit ako sa pantalon ko upang ihanda ang sarili ng makita ang malalim ng paghugot ng hininga ni Tita. Inilibot niya ang tingin sa paligid ng buong silid.

"This room is too big, Aisha. I also talked to your mother's doctor and I found out that she really needs to undergo a surgery as soon as possible. But in the current state of your life, I know you can't afford everything you have to pay for here in the hospital. Huwag niyo nang hintayin pang mahuli ang lahat dahil habang tumatagal ay lalo lang manghihina si Ate," Tita Lauren tried to touch my hand ngunit agad ko iyong iniwas sa kanya. "I am here, Aisha. Handa akong tumulong sa inyo bilang kapatid ni ate Lories."

"Salamat na lang po sa pag-aalok niyo ng tulong pero hindi ko po matatanggap iyan, Tita Lauren." Hirap akong napalunok dahil sa pakiramdam na may nakabara sa aking lalamunan. I took a deep breath before I continued, "Sapat na po ang pagbabantay niyo kay Mama bilang tulong sa sitwasyon namin ngayon. Lubos na po ang naitulong niyo at sobrang nagpapasalamat po ako lalo na at... ipinangako niyo sa aming hindi niyo babanggitin ang kalagayan ni Mama kay Doña Luisa."

Not A StripperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon