CHAPTER 24

9.3K 150 8
                                    

Chapter 24 RAPIDLY AND CRAZILY 

Pagkatapos ng klase ko ay dumeritso na ako NeoBar. And instead of worrying, some of my co-workers were upset because Dominic had not yet returned, and that they had to cover the job he left. Kahit si Ella na hindi naman apektado ay patuloy ang putak at pagsasabi ng kung ano-ano. Pansin ko ang pagpipigil ni Jimuel na magsalita at kontrahin sila, ngunit gaya ko ay mas pinili na lang niyang kumalma at huwag silang pagtuonan ng pansin.

Kababalik ko pa lang sa counter ng tawagin ako ng isa sa mga bouncer sa Bar. 

"May naghahanap sa'yo sa labas. Nandoon sa backdoor, iniintay ka," Kuya Robert informed. 

"Huh? Sino daw po?" tanong ko.  

Kuya Robert just shrugged his shoulders and left without answering my question. My brows knitted in confusion. Lalo pa akong nagtaka sapagkat wala naman akong inaasahang tao. 

Noong una ay nagdadalawang isip akong pumunta. Baka kasi isa lang 'yon sa mga customer na banned dito  dahil sa pang ha-harass sa akin at gusto lamang makaganti. Ngunit kilala ko naman si Kuya Robert at alam kong hindi siya basta nakakalimot ng mga mukha, lalo na kung may atraso o banned na dito sa bar. 

Tumulak na ako patungo sa backdoor matapos kong magpaalam sa aking mga kasamahan. 
 


 

"Baby..."

After hearing that single word voiced with gentleness, my heartbeats already gone crazy. Sunod-sunod akong napalunok upang kalmahin ang sarili habang unti-unting lumalapit sa lalaking naghahanap daw sa akin.

"David..." mahinang banggit ko sa pangalan niya matapos niya akong salubingin at patakan ng maagang halik sa labi.  

I blinked. I saw his lips twitched.

"A-Ano'ng... ginagawa mo dito?" puno ng pagtatakang tanong ko.

I scanned him from head to toe when I noticed that he's dressed in a wool blazer and gray dress pants with a subtle pop of his navy blue tie and leather belt. He looks extra dashing tonight with his neatly styled up and off of his forehead hair. 

"I want us to eat outside like normal couples do,," he casually answered. 

Normal couples do? Wala sa sariling napapangiti ako ngunit agad din namang nawala nang may biglang maalala.

"M-may trabaho pa ako. I can't just come with you. Baka mapagalitan ako—"

"I know the owner of this bar. You have nothing to worry about because I have already informed your boss," he said, cutting my words off.

"T-talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko. He nodded, which made me gasped. I really should not question his power and connection next time.

Bumaba ang tingin ko sa aking sarili, remembering that I am only wearing my uniform. At ang tanging dala kong extra'ng damit ay ang school uniform ko at susuotin sanang pamalit mamaya.

"Pero ripped jeans at blouse lang ang dala kong damit. Nakakahiyang..." I bit my lower lip as I scan him for the ninth time. I looked away from his direction when I felt a lump on my throat. "Puwede bang dumaan muna tayo sa bahay para makapagpalit ako?" 

Not A StripperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon