CHAPTER 29

7.5K 132 15
                                    

Chapter 29: SHE'S NOT YOU

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 29: SHE'S NOT YOU

"What do you think?" Sabay na itinaas ni Aksana sa harapan ko ang isang salmon stylish skirt and a comfortable wide-leg pants. "Which do you think is better?" 

Ipinaglipat-lipat ko ang mga mata ko sa hawak niya at maayos na sinuri ang mga napili niya. 

"Saan mo ba ito isusuot?" I asked dahil mahirap pumili kung walang konteksto sa kung saan niya ba ito balak suotin. 

"Most likely, I will wear it for a date,," she responded. 

The corners of my lips turned up. Naalala ko kasi bigla na isa din pala sa dahilan nang pagparito ni Aksana ay para sa second honeymoon nila ng kanyang asawa. Siguro ay naghahanda na siya ng kanyang susuotin para doon. 

"I think you'll look better in that skirt," I pointed out with a hint of smile.

I noticed that Aksana's lips pouted like she's thinking if she likes my suggestion or not. Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapabuntong-hininga sa harapan niya nang marinig ang sunod na sinabi niya.

"I changed my mind. Let's just shop at another store," she decided and turned her back at me. Pinanood ko siyang ibalik niya sa rack ang skirt at pants na napili niya. 

Pang-walong na shop na namin ito pero hanggang ngayon ay wala pa din siyang napipili. Hindi ko alam kung para saan pa ang pagtatanong niya sa akin kung hindi din naman niya bibilhin ang mga napipili ko. At kung sinasadya niya ba iyon o hindi. 

Pagkalabas namin ay agad na sumunod ang dalawang bodyguards ni Aksana na naghihintay sa labas ng shop.

Matapos namin kaninang kumain ng lunch ay niyaya na ako ni Aksana na pumunta ng mall upang samahan siyang mag-shopping. Nagpasama si Mommy ng dalawang bodyguards sa amin sapagkat nangangamba siya na baka mayroong mangyaring masama sa aming dalawa dahil Politician ang bagong asawa ni Mommy at paparating na ang election. 

Akmang papasok na muli si Aksana sa panibagong Shop nang tawagin ko siya upang pigilan. Medyo nauuna siya sa akin kaya't kinailangan niya akong lingunin. 

"Yes?" Agad umangat ang isang kilay niya sa akin. 

"P-Puwede bang hindi na ako sumama sa loob? Puwede bang intayin na lang k-kita dito? I think I need to use the restroom," maingat na saad ko. 

Ilang minuto ko ng pinipigilan ang sarili ko kaya't siguradong hindi ko na kayang tiisin ng matagal ang pantog ko dahil maglalakad lang kami gaya ng ginawa namin kanina. At isa pa, medyo nangangalay na din ako sa pagtayo. Simula kasi nang dumating kami dito ay hindi pa kami nagpapahinga mula sa paglalakad at pagtayo. I'm sure na lilibutin niya na naman ang buong shop at baka wala na naman siyang bilhin at mapili. Hindi ko maiwasang hindi bumilib sa kanya dahil kahit na nakasuot siya ng stiletto ay tila hindi sumasakit ang mga paa niya.

Not A StripperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon