Chapter 12: NO REGRETS
"Hindi po ba tayo sasamahan ngayon ni Kuya David?"
Napalingon ako kay Mark ng sa tanong niyang iyon. Napansin ko ang pagbaling din sa akin ni Mama na parang iyon din ang nais niyang itanong sa akin.
"H-hindi ko alam, Mark. W-Wala siyang nabanggit sa a-akin," hindi siguradong sagot ko.
Bumagsak ang balikat ni Mark at muling bumalik sa pagkakaupo sa tabi ng natutulog na si Nichol, na nakanganga at bakas ang pagod sa mukha. I really don't know what went through her mind that she even thought of looking for a part-time job. Puwede naman siyang humingi sa akin kung kinukulang siya. Bahagya akong umiling bago tuluyang lumapit kay Mama upang ibigay ang baso ng tubig at gamot na kailangan niya.
"Kaunting inom lang po mg tubig, ha," paalala ko. Hindi kasi siya puwedeng kumain o uminom kung maari for 8-12 hours befor her surgery.
Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na kilala na nila si David. Noong nakaraan ay labis-labis ang kaba ko ng tanungin sa akin ni Mama kung nasaan si Mr. Radcliffe at kung bakit hindi ko siya sinasama sa pagdalaw sa kanya. Napaawang lang ang mga labi ko sa kawalan ng sasabihin nang oras na iyon. Hindi ko manlang alam na nagpakilala pala si Mr. Radcliffe bilang boyfriend ko sa kanila at palihim na binibisita sina Mama. Kung hindi pa nadulas sa akin si Mark ay hindi ko pa malalaman ang totoo.
Hindi ko lang talaga maintindihan ang dahilan kung bakit kailangan pa ni Mr. Radcliffe na gawin iyon sapagkat wala naman iyon sa aming kasunduan. Nagkaroon tuloy ng matinding pangamba sa aking dibdib dahil alam na din ni Mama na siya ang tumutulong sa amin at baka unti-unti ay maghinala siya at mapagtanto niya kung ano nga ba ang tunay na relasyon namin ni Mr. Radcliffe sa isa't isa.
Nang matapos si Mama sa pag-inom ng kanyang gamot ay ipinatong niya ang baso sa bedside table at sumandal sa headboard.
"Anak, hindi mo na naman kailangang itago sa amin ang kasintahan mo. Huwag ka ng magtampo kay David dahil sa ginawa niyang patagong pagbisita sa amin," she said in a soft voice. Napalunok ako ng kuhanin niya ang kanang kamay ko at marahang pisilin ito. "Ayos lang sa akin na hindi mo matupad ang pangako mong magtatapos muna ng pag-aaral bago makipag-relasyon dahil sa iilang beses na pagbisita niya dito ay nakikita ko namang mabuting tao si David. Tingnan mo nga at napalapit agad ang loob ng kapatid mong si Mark sa kanya."
Muli akong napalunok at sinikap na ngumiti ng totoo. Ramdam ko ang pamumutil ng pawis sa aking noo. "Salamat po, Mama, sa pag-intindi ng relasyon namin ni... ni David. Pasensya na po at itinago ko ang bagay na ito sa inyo."
Her lips curved into a smile. "Ayos lang iyon, anak. Ang mahalaga ay inamin mo ang pagkakamali mo at naging tapat ka sa akin."
Muntik na akong masamid sa sarili kong laway at mapangiwi ng tuluyan. Mabuti na lamang at bumukas ang pinto ng silid ni Mama bago pa ito nangyari. Hindi ko kakayaning magsinungaling ng matagal kay Mama.