CHAPTER 17

10.7K 218 6
                                    

WARNING!Mature Content

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

WARNING!
Mature Content.

Chapter 17: RESPONSIBILITY

"Good Morning, Ma!" masiglang bati ko kay Mama nang maabutan ko siyang marahang naglalakad sa sala.  

It's been 5 days since nakabalik si Mama sa bahay from the hospital. Masaya akong maabutang gising si Mama ngayong umaga sapagkat ilang araw ko na siyang hindi nakakausap tuwing umaga. Ngunit normal lang naman sa kalagayan niya ngayon ang matulog during the day. Her doctor said that it is a good idea to take a nap every day because getting enough sleep will help her  recover. I also remembered that her Doctor said that she should try to walk each day and walk a little more than she did the day before because walking boosts blood flow and helps prevent prevent pneumonia.

"Good morning din, anak," Mama greeted as she turned to face me. "May luto na sa kusina. Kumain ka na."

"Nagluto ka po?" I worriedly asked. Imbes na sumilip sa kusina ay naglakad ako papalapit sa kanya.

"Hindi, ano ka ba. Sina Nichol ang nagluto kanina. Itinuro ko lang sa kanila kung ano ang dapat na gawin," she explained.

"Talaga po?" I gasped and glance sideways. "Nasan po sila?

"Maagang umalis ang dalawang iyon. Sinabi ko nga kanina na hintayin ka na ngunit mukhang nagmamadali na naman sila," she inhaled.

Panandaliang bumagsak ang ekspresyon sa mukha ko dahil sa narinig. Ilang araw na silang ganito. Ayaw kong mag-isip ng kung ano tungkol sa mga kapatid ko ngunit nitong mga nakaraang araw ay pakiramdam ko talagang iniiwasan nila ako. Pero kahit anong isip ang gawin ko ay wala naman akong maisip na magandang dahilan para gawin nila iyon. Maybe totoong busy nga lang talaga sila.

Napatango na lang ako sa aking sarili.

"Magpahinga na po kayo kapag napagod kayong maglakad, okay? And avoid lifting heavy things. Huwag niyo pong pilitin ang sarili niyo sa kakagawa dahil baka po makasama lalo sa inyo," I reminded her.

A warm smile appeared on her lips. "Oo, anak, hindi ko kakalimutan. Kahapon at noong isang araw mo pa sa akin sinasabi iyan." She lowly chuckled.

I sighed. "Sorry. Gusto ko lang po talaga na maging okay na kayo."

"Okay na ako, anak. Kaunting araw na lang at pahinga ay babalik na din ako sa normal," she smiled. Her lips formed a circle as if she remembered something. "Si David nga pala, hindi ba siya paparito sa atin? Gusto ko ulit siyang makita at pasalamatan sa pagtulong sa atin, anak."

I blinked for a couple of times and my lips parted as I can't even utter a single word to answer her question. Paano ko nga ba ito sasagutin kung maging ako ay hindi ko din alam?
  

Not A StripperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon