Chapter 4: SOMETHING HAPPENED
"Please stop crying, AM. Kanina ka pa umiiyak, tumahan ka na. Magiging maayos din ang lahat," Sydney said, worry was visible on her voice.
I nodded my head but I didn't stop from crying. Sydney is one of my bestfriends and she was working part-time in Aisha's Café to support herself on her study. Pero ngayong nasa hospital si Mama ay siya na muna ang namamahala sa café dahil siya ang pinaka-pinagkakatiwalaan ni Mama pagdating sa shop. Sydney has a clear almond-shaped eyes and her face was vibrant. Baby face siya kaya kahit na mas matanda siya sa akin ng anim na taon ay aakalain mong magkasing-edad lamang kami.
Tatlong linggo na ang nakalipas simula nang malaman naming bumalik na ang cancer ni Mama. Dalawang linggo na din ang lumipas simula ng lumipat si Nichol ng school, hindi ko talaga kayang kontrolin o pigilan pa ang batang iyon. Tatlong linggo na din akong abala sa pag ta-trabaho at halos di na ako makahanap ng oras para makakatulog sapagkat halos lahat ng kaya kong trabaho ay pinasukan ko na.
Hindi na muna namin inuwi si Mama sa bahay ng magkaroon siya ng malay. Napag-desisyonan naming magkakapatid na sa ospital na lang muna si Mama para mas mabantayan siya ng maaayos at kung magka-problema man ay maagapan.
"You look like you really need to rest na. Tingnan mo ang self mo, namamaga na nga iyang mga eyes mo, puro eyebags pa!" Mia exclaimed while she's staring at me like I am a creature from another planet.
Mia is a kind of person na magulo talaga ang lahi dahil madaming dugong banyaga ang na nanalaytay sa katawan niya mula sa kanyang grandparents hanggang sa magulang. She has a light natural brown hair, a pair of expressive amber eyes, and her body was in its perfect figure. Her father, Mr. Liu, owns the NeoBar so that makes her also my boss.
"T'saka nangangayayat ka na, oh," dagdag ni Sydney at bahagya pang kinurot ang braso ko.
"I don't know what to do anymore. Ang laki ng kailangan ko para sa surgery ni Mama. Magbabayad pa ako ng tubig, kuryente, at hulugan kay Mr.Chua sa lupa." I sobbed harder. Ibinaon ko ang mukha ko sa dalawang palad ko habang ang mga siko ko ay nakatukod sa dalawang tuhod ko. "Tapos... tapos sumabay pa din 'yong kailangang bayaran sa school ni Mark." Pilit kong pinunasan ang mga luha sa mata ko. "Ang tigas pa ng ulo ni Nichol, hindi ko maintindihan ang batang iyon. Hindi na umuuwi ng bahay. Ang sabi niya ay may trabaho na daw siya pero parang wala akong tiwala,"
Naramdaman ko ang paghagod ni Mia sa aking likod. "Nichol is malaki na, and she's smart, too. Hindi mo na need na mag-worry sa kaniya, you just need to trust her," saad niya pero agad akong umiling.
Hindi naman na kasi niya kailangang mag-trabaho pa dahil mas lalo lang akong nag-aalala sa kanya. Dapat ay manatili na lang siya sa bahay at mag-aral ng mabuti. I should be the one who's working for us, hindi nila obligasyon iyon.
Naramdaman ko ang unti-unting pagbagal ng paghagod ng kamay ni Mia sa likuran ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya na sakto namang pag-ngisi niya.
"You know, AM, if you're really that desperate, why kaya hindi mo na lang i-try mag-sell ng lamang loob? O kaya why don't sell drugs? I know someone who can help you," tumaas-baba ang kilay ni Mia na parang kinukumbinsi ako.