CHAPTER 34

7.2K 136 34
                                    

Chapter 34: PAPERS

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 34: PAPERS

Maaga akong nagising ngayong araw. And honestly, I can barely understand myself these past few days. Hindi ko alam kung may kinalaman ba ang mga nangyari noong nakaraan linggo pero napapansin ko na palagi na lang akong nagugutom, at kung ano-ano na ding mga pagkain ang hinahanap ko. Kahit may pagdadalawang isip ako ay ipinagpalagay ko na lang na maaring nakakaranas ako ngayon ng stress eating dahil hindi naman talaga ako mahilig kumain at mapili sa pagkain, puwera ngayon.

Hindi ko din maikakaila na may bahagi sa akin ang nagsisimula nang mag-alala dahil baka matanggal na ako sa trabaho, or worse, bumagsak at umulit ng isang taon sa dami nang naging absent ko. Kaya kahit gusto ko na lang humilata sa kama buong araw dahil sa pakiramdam na mabigat ang katawan, pinipilit ko pa din ang sarili kong bumangon.

Bumalik din ako sa bahay matapos ang pagtatago ng apat na araw. Bukod kasi sa ayaw kong istorbohin si Sydney dahil alam kong may problema din siyang kinakaharap, ay ayaw ko din naman takbuhan ang responsibilidad ko bilang anak at kapatid sa aking pamilya. Hindi ko matagalan ang kaisipang maaring hindi na kumakain at umiinom ng gamot si Mama sa tamang oras, at sisihin ng mga kapatid ko ang sarili nila dahil sa mga masasamang nangyayari ngayon sa buhay namin. Ayaw kong dalhin nila ang bigat nang nararamdaman ko sapagkat wala naman talaga silang kasalanan, lalo na sa nangyari sa relasyon namin ni David. Ako ang nagdesisyong papasukin si David sa buhay ko, sa buhay namin, at hindi sila.

I came back from my deep thoughts when I felt two lean arms carefully wrapped around my waist. Nahinto sa ere ang kamay kong puno ng bula mula sa paghuhugas ng mga pinggan.

"Sorry, Ate," unti-unti akong napangiti nang marinig ang mababang boses ni Mark mula sa aking likuran. "Pasensya na kung nagsinungaling ako sa 'yo."

Pinili kong manahimik at maghintay hanggang sa magsalita siya ulit. Gusto kong marinig kong ano ang nasa isip niya ngayon, kung ano ang tingin niya sa mga nangyayari at itama siya kung pinagkamali niya ang mga naging aksyon ko sa ibang dahilan.

"Sorry kung hindi ko sinabi sa'yong nakikipagkita ako kay Papa at sa bago niyang pamilya. Sapat na naman kayo sa akin, e. Mahal na mahal ko kayo nina Mama. Pasensya na kung hindi ko maalis sa sarili kong isipin kung ano kaya ang pakiramdam nang may ama na kumakausap sa'yo, gumagabay sa'yo at nagmamahal sa'yo," narinig ko ang pigil na pagsinghot niya, hudyat na umiiyak siya. I felt him shook his head, and with his quivering voice, he said, "Pero kung alam ko lang na ganito ang mangyayari... kung alam ko lang masasaktan ka ng ganito... kung alam ko lang, Ate, sana nakuntento na lang ako sa inyo. Pinagsisihan ko na, Ate. Ayaw kong malungkot ka... ayaw ko na ganito ka..."

I took in a deep sigh when I felt a strong kick of emotion. Ayaw ko ng umiyak. Sapat na ang ilang araw na pagluha ko, kailangan ko na ngayong maging matibay. Kinuha ko ang kamay ni Mark na nakapulupot sa baywang ko bago marahang umikot paharap sa kanya.

Not A StripperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon