CHAPTER 26

8.4K 114 7
                                    

Chapter 26: PLAY INNOCENT

"So, ano nga'ng nangyari?"

Narinig kong tanong ni Sydney ngunit wala sa kanya ang atensyon ko kung hindi sa strawberry cake na inilapag niya sa harap ko. Bigla akong nakaramdam ng gutom.

Nandito kaming tatlo nina Sydney at Mia ngayon sa Aisha's Café. Nang matapos ang klase namin ay dito agad kami dumeritso. Naisipan kong bisitahin ang shop ni Mama dahil sa tagal na din na hindi ako nakakabisita dito. 

Hanggang ngayon ay hindi ko pa din makalumitan ang naging reaksyon nina Sydney at Mia nang sabihin ko sa kanilang ipinakilala ako ni David sa nanay at kapatid niya. Ilang beses pa akong paulit-ulit tinanong ni Mia na parang hindi niya agad na-process ang sinabi ko.

"Aisha..." Sydney called for my attention.

"Ha? Ahm, okay naman," sagot ko at inilapit sa akin ang strawberry cake at kumuha ng kapiraso. "Hindi ko lang talaga inaasahan na ngayon ang dating ng Mommy at kapatid ni David. Ang buong akala ko kasi ay next month pa." 

"How's his mom and sister? Are they treating you good naman?" tanong ni Mia at maliit na kumuha ng chocolate cake niya.

"Hindi ko naman sila nakausap talaga kanina dahil may pasok pa ako, tapos pagod din sila sa biyahe at kailangan ng pahinga. Pero sa kaunting interaksyon namin kanina, I can say that his mom is very sweet and welcoming. Ang gaan nga ng pagsalubong niya sa akin kanina." Napangiti ako ng maalala iyon.

"And his sister...?"  Mia trailed, brows slowly knitting.

I can't help but to gulp when I noticed her watching me keenly.

I sigh. "And about his sister... ahm, sa tingin ko naman ay mabait din siya."

"What's  with the 'sa tingin ko mabait din siya' description to his sister?" Sydney emphasized.

"Is your future sister in-law masungit?" Mia raised a brow.

"Sa ngayon ay hindi ko pa alam. Hindi ko naman siya puwedeng husgahan agad sa una naming pagkikita. Malay niyo kasi pagod lang 'yong tao sa mahabang biyahe kaya wala siyang ganang makipag-usap, 'di ba? Ikaw kayang umupo sa eroplano ng ilang oras tapos sasalubong sa'yo ang mainit na panahon, hindi ka ba naman maiinis?" I explained to them. 

"Sabagay..." Sydney shrugged her shoulder and nodded.

"I'm not sure 'bout that, ha! Ilang times na akong nag-travel from different countries in the middle of the freaking summer pero never naman akong nagsungit!" Mia clicked her tongue before continuing, "Basta tell us if nalaman mong evil sister in-law pala siya, ha. Subukan lang niyang gumawa ng kahit anong wrong move sa'yo, susugudin ko talaga 'yon ng sabunutan! Huwag kang papaapi sa kanya, ako ang bahala sa'yo! Fight lang ng fight!" Mia said while pointing me using her fork.

"You're crazy," I commented while chuckling. "Wala naman siyang ginagawang masama sa akin."

"Kaya nga subukan lang niya e," Mia cutely pouted. 

Ilang ulit pa akong pinangaralan ni Mia na huwag daw akong 'magpapaapi' na tinatawanan ko lang. Naniniwala kasi ako na gaya ng Mom nila ay magiging maganda din ang pakitungo niya sa akin. Siguro ay sadyang napagod lang siya sa biyahe kaya wala siya sa mood na makipag-usap sa akin.

Not A StripperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon