CHAPTER 3

17.3K 306 19
                                    

Chapter 3: PROBLEM

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 3: PROBLEM

Nagpasalamat ako sa taxi driver ng makarating kami sa tapat ng bahay. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay ang bagal ng naging biyahe namin. Mabuti na lang at may mga 24/7 na fast food kaming nadaanan kaya doon na lang ako um-order ng pagkain kaysa magluto pa pag-uwi ng bahay. Ayaw pa nga akong payagan ni Manong driver na bumili dahil ang sabi daw ni Mr. Ford David Radcliffe ay deritso sa bahay pero sa huli ay ako pa din ang nanalo kay Manong.

Our house was a two-storey house and it was painted in baby pink because Mom is kinda obsessed with pink. It was okay to me 'cause all my life I was surrounded by that color and growing up I had learned to like the color too. There was a small rose garden in front that make our house looks homey.

"Nandito na ako! I brought food for our lunch!" sigaw ko habang pumapasok sa loob ng bahay.

Walang taong sumalubong sa akin sa living room kaya dumeritso na ako sa kitchen. I saw my Mom there washing the utensils she used for baking the cupcakes we ate for breakfast.

"Mama," I said, calling her attention. "Bakit kayo ang naghuhugas ng mga iyan? Nasaan sina Mark at Nichol?"

Lumingon sa akin si Mama pagkatapos niyang patayin ang gripo. "Hayaan mo na ang mga kapatid mo, anak. Mukhang mga pagod talaga sila dahil bagsak agad ang mga kapatid mo pagkauwi mula sa school."

Ipinunas niya ang mga bula sa kanyang kamay sa suot niyang pink na apron. She's skinny and her hair was in shoulder-length and was starting to turn gray. Her eyes really resembles mine. I am happy that I got most of my features from her than my father who has no balls.

"Bakit nga pala sobrang sobrang ginabi ka na? Alas-nuwebe na, ah? Nakatulog na ata ang mga kapatid mo ng hindi pa kumakain."

"Pasensya na, 'Ma, alam mo namang madaming tao sa bar tuwing Friday night." Ipinatong ko ang mga paper bag na dala ko sa counter na may tatak ng fast food na pinagbilihan ko ng pagkain.

"Paniguradong magpupuyat ka na naman dahil gagawa ka pa ng lesson plan mo. Baka magkakasakit ka niyan sa mga ginagawa mo," nag-aalalang saad ni Mama sa akin.

"Okay lang po ako, 'Ma. Kayang-kaya," Tila nagyayabang kong saad na ikinailing niya. Tumingin siya sa paper bag na nasa ibabaw ng counter.

"Ano ba iyang dala mong ulam?" tanong ni Mama at lumakad papalapit sa akin.

"Manok lang po iyan—MA!" I screamed, panic and fear occupied my whole system when she almost fell down. Mabuti na lamang at agad siyang napakapit sa counter at doon kumuha ng suporta.

"Ma, okay ka po ba?" Agad ko siyang dinaluhan at inalalayang makaupo sa stool.

"Okay lang ako, anak. Medyo sumakit lang ang ulo ko." Tipid na ngumiti sa akin si Mama habang nakahawak sa pagitan ng mga mata niya. Umahon ang kaba sa dibdib ko ng makita ang bahagyang pangi-nginig ng mga tuhod niya "Baka napagod lang ako."

Not A StripperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon