CHAPTER 36

8.1K 126 54
                                    

Chapter 36: FORGIVE

Tahimik lang kami ni Papa na nakaupo sa loob nang mini church ng hospital, hindi kalayuan mula sa kuwarto ni Mama. Ramdam ko ang titig sa akin ni Papa ngunit nanatili lang akong nakatingin sa unahan.

Earlier, when I saw him outside the hospital room, my first thought the hatred I feel for him. But all of my enrage disappeared instantly when he called my name and asked me what happened. I felt like I had given up completely and my heart suddenly softened.

Even until now, I can't believe of how I actually ran towards him and hugged him tight. Tears welled within my eyes the moment he patted my back. Hindi ko magawang itanggi ang katotohanang nangulila din ako sa yakap niya matapos ang napakahabang panahon.

Doon ko lang tuluyang napagtanto na masyado nga akong naging makasarili sa mga kapatid ko nang pigilan ko silang makipagkitang muli kay Papa. Tama si Mark nang sabihin niyang kahit gaano pa namin siya kamahal ni Mama, iba pa din ang pakiramdam na may amang sumusuporta at nag-aalala para sa'yo.

Muli kong pinunasan ang aking mga pisngi sa pakiramdam na basa pa din ito. Marahan akong humugot ng malalim na buntong-hininga, umaasang kahit papaano ay mababawasan ang bigat na maramdaman ko sa aking dibdib. 

"Sorry po, P-papa," napalunok ako nang lumabas ang mga salitang iyon mula sa akin. 

He stilled. Hudyat na nagulat siya sa narinig mula sa akin. He cleared his throat and moved from his seat. "A-ako ang dapat na humingi ng t-tawad sa 'yo, anak..."

Bumaba ang tingin ko sa aking mga kamay na nakapatong sa ibabaw ng aking hita.

"Alam kong madami akong mga kasalanan at pagkukulang sa 'yo bilang ama, kaya nakikiusap ako sa 'yong hayaan mo sana akong bumawi sa inyo ng mga kapatid mo. Handa kong tanggapin lahat ng galit mo sa akin, because I know that I deserve it, pero hayaan mo sana akong manatili at maging ama sa inyo... gaya ng matagal ko na dapat ginawa."

"B-bakit po ba ang t-tagal niyong bumalik?" I asked, still refusing to look at him. 

Napansin kong bahagya siyang natigilan. Lagi kong inaaalala noon ang mga bagay na sinasabi niya sa akin simula bata pa lang ako. We were very close. Kaya sobrang nasaktan ako nang iwan niya kami at hindi na muling bumalik. At nag-iwan iyon ng malaking peklat sa puso ko. 

"Promise to love Papa even if he became the greatest jerk?"

That particular question stayed in my mind the most. Maybe because that was the question he asked me the day before he walked away from us. Pero dahil bata pa ako at walang idea sa ibig niyang sabihin, I answered it with my full enthusiasm, "Of course! I will forever love you, Papa. I promise!"

"Mawawala lang pansamantala si Papa, ha. Shh. 'Wag kang umiyak, tahan na, 'nak... Ipangako mo sa akin na aalagaan mo ng mabuti ang Mama at mga kapatid mo, ha? Babalik din naman ako agad, pangako. Shh. Tahan na anak, mahal na mahal ka ni Papa."

Nang umalis siya, umiyak ako ng umiyak. But I always keep in my mind na babalik siya agad gaya ng pangako niya sa akin. Noong unang mga linggo, palagi akong nakaabang malapit sa bintana namin at umaasang makikita ko siyang at may dalang pasalubong para sa aming magkakapatid. But years have come... pero hindi na siya bumalik.

At kahit masakit, alam kong deep down inside me, sa loob ng mga taong wala siya at napupuno ng hinanakit ang buong pagkatao ko para sa kanya, umaasa pa din akong babalik siya. Kahit ilang beses ko pang sabihin na hindi ko na siya kailangan, nangungulila pa din ako sa kanya.

Not A StripperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon