CHAPTER 16

12.2K 192 4
                                        

Chapter 16: GUILT

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 16: GUILT

Nagising ako sa liwanag na tumatama sa mga mata ko. Marahang bumangon ako sa aking pagkakahiga at nagulat nang makitang nasa loob ako ng aking silid.

Dumako ang tingin ko sa puting polo shirt ni David na suot ko at sa cotton shorts na pangbaba ko. A smile immediately formed on my lips as I smelled the perfume he was using from his shirt. The perfume that David uses is truly addictive. David had dresses and women's clothing for me but I really insisted on wearing this for unknown reason.

Paniguradong hindi na ako ginising ni David ng makatulog ako mula sa mahabang biyahe pauwi. I got out of bed and went to the bathroom to take a shower. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako. Naabutan ko ang dalawa kong kapatid na naghahanda na para pumasok.

Napatigil sa paglalakad si Nichol nang makita ako. Siguro ay napansin din iyon ni Mark kaya napatingin din siya sa aking deriksyon. Biglang sumama ang mukha ni Mark at sinimangutan ako.

Yumuko ako upang tingnan kung may mali ba sa suot ko ngunit wala naman. I was wearing faded ripped jeans, a loose white shirt and a white rubber shoes. Nagtatakang tiningnan ko si Nichol na nakatitig lang sa akin.

She rolled her eyes. "Don't ask me." Umikot siya patalikod sa akin bago niya tapikin ang balikat nang kakambal. "Mauuna na ako."

Nang tuluyan nang makaalis si Nichol ay t'saka ako lumapit kay Mark. Tangkang aalis na din siya nang hawakan ko ang braso niya upang pigilan siya.

"Mark, okay ka lang ba?" marahang tanong ko.

"Opo, Ate," nakayukong tugon niya. "Sige na po, aalis na din ako dahil baka ma-late na ako sa school. Kumain na din po si Mama at nagpapahinga na po ulit siya. May tinira na din kaming pagkain ni Nichol sa 'yo para hindi ka na magluto. Alam kasi naming pagod ka."

My lips parted at his unexpected response. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay pumihit na siya patalikod upang umalis Akmang pipigilan ko sana siyang umalis muli ngunit naisip ko na baka totoong male-late na siya kaya't hiyaan ko na lang. Sa susunod ko na lang ulit siguro siya kakausapin.

Pumunta muna ako sa silid ni Mama upang silipin siya at kamustahin kung sakaling gising pa siya ngunit gaya ng sabi ni Mark ay naabutan ko si Mama na mahimbing na natutulog. Nakaramdam ako ng guilt dahil hindi ko siya nasamahan at naalalayan nang lumabas siya ng hospital gaya ng palagi kong sinasabi sa kanya noon habang pinapaalalahanan siyang magpagaling. I bit my lower as I felt a big lump on my throat.

Sinubukan ko namang kumbinsihin si David na bumalik agad kami ngunit hindi siya pumayag. Nagkaroon pa nga kami ng kaunting pagtatalo dahil doon. But he insisted and promised that Mama would be able to get out of the hospital safely and that someone would help her. He even hired a professional to take care of Mama while we are still away to assure me that she'll be okay. Tuluyan lang akong napanatag nang hayaan din ako ni David na tawagan sina Mama at makipag-usap sa kanya habang nangyayari pagdi-discharge. Humingi ako ng tawad kay Mama because I wasn't there for her but she said na okay lang at mag-enjoy akong kasama si David.

Not A StripperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon