CHAPTER 37

6.4K 107 36
                                    

Chapter 37: GONE

Nagising ako nang makaramdam nang magagaang haplos sa aking ulo. Pakiramdam ko ay isa akong mamahaling bagay na hindi puwedeng magasgasan sa paraan ng paghaplos nito sa akin.

I keep my eyes close because I don't want to ruin this contentment and peace that I am feeling right now. For the reason that I know, the moment that I open my eyes, I will have to face the cruel reality of life. 

Pinakikiramdaman ko lang ang payapang tibok ng puso ko. Sinubukan kong alalahanin ang nangyari kanina bago ako makatulog ngunit tila may pumipigil sa akin. Pinilit ko ang sariling bumalik sa mahimbing na pagkakatulog pero mas lalo lang naging aktibo ang pandama ko. Hanggang sa may maramdaman akong malambot at tila basang bagay na mabilis lang na lumapat sa noo ko. My nose crinkled as a familiar scent suddenly lingers around.

"I love you..." I heard him whispered.

Bigla namang nagharumentado sa bilis ang kaninang payapang tibok nang puso ko sa narinig. Pilitin ko man ay hindi ko na pigilan ang sarili kong marahang buksan ang mga mata. Bumungad sa akin ang napakapamilyar na mukha nang taong dahilan ng abnormal na pagbilis ng tibok nang puso ko.

Hindi tulad nang huli ko siyang makita, iba na ang damit niya ngayon at mukhang bagong ligo. But still, the dark circles under his eyes and beard are still present. Mukha pa din siyang hindi nagkakaroon ng maayos na tulog. 

"How are you feeling?" he muttered gravely. Umiwas ako ng tingin nang basain nito ang paligid ng labi. 

"S-si Mama?" Nag-aalalang tanong ko at napabalikwas ng bangon. Lumingon-lingon ako sa paligid na para bang makikita ko siya doon.

Nakaramdam ako nang bahagyang pagkainis kay David nang hindi niya ako sagutin, sa halip ay hinawakan niya ang mga kamay ko. 

"A-ano ba?" Inilayo ko sa kanya ang mga kamay ko. "Tinatanong kita— a-asan si Mama? Kamusta siya? Okay na ba ang pakiramdam niya?" Sinikap kong hindi mautal sa sunod-sunod na pagtatanong. Akmang pa lang tatayo ako mula sa kama nang agad akong pinigilan ni David. 

"Please, j-just... just lie down and take a rest for a while" he gently said while s,taring at me. Napalunok ako sa pagkailang dahil parang may ibang sinasabi ang mga mata niya. It was full of sorry.

"Ba... bakit ba hindi mo masagot ang tanong ko? Ha!?" Tinabig ko ang kamay ni David nag-aayos ng kumot sa aking tiyan at sinamaan siya ng tingin. 

Napahinga siya ng malalim at bahagyang sinabunutan ang sarili. Parang hindi niya alam ang gagawin. "Aisha, Tita Lories'..." Rinig kong bumigat ang paghinga niya. "S-she's... she's gone."

My brows immediately furrowed and my stomach hardened. Ayaw tanggapin ng utak ko ang sagot niya sa tanong ko. Ang katutuhanang pilit na itinatanggi ko sa sarili ko. 

"Gone? Anong gone, ha!? Hindi totoo 'yan. Nasa'n si Mama?!"

Napahikbi ako kasabay nang biglaang pagtataas ng boses. Du'n ay hindi ko na napigilan ang pagbugso ng aking damdamin. I leaned back as I balled my hands into fist, traping the sheets between my fingers.

Sunod-sunod akong napailing. Alam ko naman. Nakita ko naman... Pero ang hirap at ang sakit-sakit lang tanggapin na wala na si Mama.

Si Mama na kasama ko buong buhay ko...

Si Mama na nagpapalakas nang loob ko tuwing gusto ko ng sumuko...

Si Mama na itatama ako tuwing nagkakamali ako...

Si Mama na kukurutin ako tuwing sinasaway ko ang mga utos niya...

Si Mama na ipagluluto ako nang paborito kong pagkain tuwing nalulungkot ako...

Not A StripperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon