Kabanata 17 : ' His most painful words'
MAXIMILIANNA P.O.V
Isang linggo na ang lumipas, pero hindi ko man lang siyang nagawang makita dito sa school. Hindi na din siya pumapasok sa klase namin. Kapag nagpapa-attendance si Ma'am, hindi nadin tinatawag ang pangalan niya.
Sa susunod na buwan, Acquaintance Party na, pero hindi pa kami nagbabati, mukhang matutuloy iyong balak ko. Kahit hindi pa namin na pag-uusapan, sa bahay, mukhang may matutuloy.
Kasi di ba? Why not? Kung hindi niya lang din naman ako papansinin, linalagpasan, Iniiwasan, at hindi man lang ako magawang maka-usap, edi mas maganda din na sundin ko iyong gusto niya22. Is he really serious?! Ako ba? Madali ba para sa akin ito? Kung ayaw niya? Edi don't? As if naman ipagpipilitan ko itong sarili ko. Sapat na sa akin na umamin ako, para saan pa't mawawala din ito. Pero kung seryoso siya? Mukhang wala siyang balak bawiin.
Malamang Lianna, sino bang tao ang mag bibitaw ng ganung mga klaseng salita tapos babawiin din lang kinabukasan. Tanga talaga?! Peste peste.
Mabuti na lang talaga, nandiyan sila Miya, Angel, Kellay, at Mae. Sa totoo lang, sila lang iyong nakakaintindi sakin ngayon. Mabuti na lang talaga andyan sila. Mabuti na lang kahit papano, naiintindihan na ni Kellay.
"Nothing feels as good as being loved by my best friend" pero hindi masarap kapag iyong kaibigan mo, sasabihan ka na parang sinungaling? Masama bang umamin lang, masama bang sinabi mo lang iyong gusto mo. Masama bang, iyon ang ginusto ng puso mo.
“A-a-ano! a-a-ano bang nangyayari sa mundo, parang hindi na tama kasi parang ang gulo, gusto kang alagaan, nang taong di mo gusto habang sinasaktan ka lang naman ng taong gusto mo.” biglang may malakas na nagpatugtog ng speaker, nanaman! Naiwan nanaman sa ere lahat nang naisip ko. Nasa tapat pala ako ng Music Club. Pero, ang lakas nila makakanta, eksakto pa sa nararamdaman ko.
Grabi namang pagpaparinig Iyan? Sana sinigaw na lang sa mismong mukha ko, di ba?
“WAG KASING MAHALIN, ANG DAPAT SANANG KAIBIGAN MO LANG!” Aba't talagang tinupad agad ang wish ko, sana palang iyon, tas biglang sumigaw agad.
Tanginang utak yan. Kelan pa ako nagkaroon ng ganyang mga klaseng iniisip?!. Ampota, nangyayari tuloy!
Masakit na nga eh?! Sobra?!
“Hoy! GAGO! ang lakas ng boses mo! Iyong speaker paki-patay! Kundi sisirain ko iyan!” pangalawang beses nang nangyari ito! Lagi na lang bumabackground music itong mga ito.
--__--
“Narinig namin lahat nang napag-usapan niyo kahapon sa detention office. Hindi namin sinasadya. Gusto lang naman namin marinig kong anong sasabihin niya.” mukhang kabado pang magsabi ni Mae. Kaya pala! Parang nakarinig ako ng tunog nang nagulat sa malapit.
“Ayos lang, mabuti narin at narinig niyo.” nakangiti kong sabi.
“Ano nang plano mo? Balita ko nagpalipat narin siya ng section. Sabi din nang iba, mukhang ano.. ano..” kaya pala hindi na siya pumapasok sa klase kasi iba na pala section niya.
Ganito ba iyong makukuha ko, pagkatapos ng ilang taon kong paghihintay. Lagi akong miserable, lagi akong walang ganang makipag-usap noon, kasi hindi ako sanay na iba ang kasama. Hindi ko naman alam na ganito pala ang mangyayari, oras na umuwi siya.
“Hayaan muna iyon, andito naman kami. Hindi ka namin iiwan. Magkakapatid na turingan natin. Wag mo nang masyadong dibdibin.” hindi ko magawang makinig sa sinasabi ni Angel. Pakiramdam ko, kailangan ko siyang kausap. Hindi ko kayang! Hindi ako papayag na, hindi ko ito masabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With my Best Friend
Teen FictionMaximilianna Alegre, a 17-year-old high-school girl fell in love with his long-time best friend Alexander Ryan Valdez, since when they were in Elementary. Unfortunately, when the 10th grade comes, Ryan's family must migrate abroad because of person...