Kabanata 38

276 19 3
                                    

Kabanata 38 : 'How did this thing happen?'

Maximilliana P.O.V

Mula din noong oras na iyon, ang tanging bagay lamang na nagpagulat sa akin ay ang pag-iisa niya sa loob nang puting kwarto.

Ang pagdaan nang pag-aalala sa mga mata niya ay nagdulot nang kaunting kagalakan sa akin— masaya ako, dahil hindi mali ang pinili kong desisyon na manatili muna rito sa mundo.

Hanggang sa nagulat na lamang ako sa bigla niyang paglapit sa akin. Nagkaroon ng pag-asa ang mga mata niya. Nawala lahat nang pag-aaalala.

Para bang binura lahat nang naiisip niyang mangyayari ay nawala na lamang ng biglaan. Kumalma ang paligid, tanging ang paglapit niya lamang ang naririnig kong ingay.

Ang mabilis niyang paghinga at ang mga yapak niyang papalapit sa akin.

“Finally! You're awake! A-akala ko iiwan mo na ako— kami.” ang senaryong nangyayari ngayon, kailanman hindi pumasok sa isip ko simula noong araw na iyon. Akala ko tapos na ang lahat sa amin.

Kahit ang ilang taon na pagkakaibigan namin, matatapos na. I do believe that everything happens with a reason. At ito iyong rason na iyon, kung bakit siya nasa harap ko ngayon.

Ito lang iyong rason.... Ibig sabihin nag-aalala parin siya sa akin. Hindi parin nagbago. Ganito parin siya hanggang ngayon. And I'm thankful with that.

“May masakit ba sa iyo? Ayos ka lang ba?” iyon ang sunod-sunod na katanungan ang bumungad sa akin. Alam ko sa sarili kong hindi ko pa oras. Hindi ko pa oras na mamaalam. May misyon pa ako.

“Doc! Doc! Bakit hindi po siya nagsasalita?” aligaga siya. Hindi niya maipaliwanag ang nangyayari. Habang ako'y mariin lamang na nakatitig sa kanya.

Pakiramdam ko, ang tagal kong nawala. Ang tagal kong hindi nakabalik. Pakiramdam ko, hindi ito totoo, na baka panandalian lamang ito, at mabilis na babawiin.

“Please, stay outside Mr. Valdez. Ichecheck lang namin siya, lalo na't masyadong masilan ang sakit niya. And please inform the family. Thank you!” iyon ang mga katagang narinig ko sa bunganga nang Doctor. Hindi ako makapagsalita, ayaw ko siyang mawala sa paningin ko.

Ngunit gustuhin ko mang magsalita walang lumalabas na kahit ano sa bibig ko. Kahit ang bumuka man lang ay hindi ko magawa, para akong napipi. At sa tuwing gumagalaw ang katawan ko, naninikip ang dibdib ko.

Unti-unting sinuri ng Doctor magmula sa  mata ko, kung nakakakita pa ako. Hanggang sa puso ko. Ang mismong dahilan kung bakit ako naririto sa Hospital ngayon, at nakaconfine.

“Natatandaan mo pa ako? Tama ako ang pumunta sa bahay niyo noong nakaraan na mga buwan. I'm Dr. Fuentabella, a Cardiologist and a Surgeon. Ako ang naka-assign sa iyong Doctor, Ms. Alegre.” hindi ko talaga kayang magsalita pa, at pakiramdam ko ulit ay may kung anong nakabara sa lalamunan ko. Ngunit, nakaya kong tumango sa sinabi niya.

Hindi ko siya nakakalimutan. Ang Doctor na nagsabi sa akin at nag lakas nang loob sabihin sa akin na may sakit nga ako sa puso..

At kung hindi ako nagkakamali, ngayon lamang naging severe ang sakit ko. Kung dati pwede pa ang sobra, ngayon hindi na pwede. Hindi na ako pwedeng matuwa ng sobra, at hindi na rin ako pwedeng malungkot ng sobra.

Sa bawat araw na lumilipas, unti-unting humihina ang puso ko. It's getting worst. At wala na akong alam sa mga possible pang mangyayari. I'm aware that my life, isn't long. Kaya habang maaga pa, bakit hindi ko na lang sulitin.

Bago ako mapunta sa desisyon na magpapa-opera, alam kong paraan na lang iyon para kahit papano, madagdan pa ang buhay ko. Kahit alam kong maikli na lamang ang panahon.

“Napag-isipan na ba ng Mommy mo Lianna, ang sinasabi ko? Alam kong nag-aalangan ka pa— lalo na ang Mommy mo, but this is the only way to save you. Our life isn't for lifetime, but we can make extension. Sana napagdesisyunan niyo na, dahil hindi na maganda ang binibigay na response ng puso mo. Ang tanging magagawa na lang natin ay palakasin ang resistensiya mo maging ang katawan mo, para naman anytime pwede na nating gawin ang operation.” kung ganoon hindi pa rin sumasagot si Mommy. Hindi parin nila alam.

Kung ito na lang ang natatanging paraan para makasama ko sila, kahit sa maikli lang na panahon, bakit hindi? Gusto ko pang bumawi si Kuya Jake sa akin, sa mga taon na nasayang. Ang kakambal ko, hindi ko pa siya ganoong kakilala. Hindi ko pa nasasabi sa mga taong mahalaga sa akin kung gaano sila kahalaga, kaya paano ako mamaalam sa mundo?

“Pwede ko ba silang makausap, Doc? I just want to verify something, is it okay with you?” sa lahat nang mga sinabi niyang salita, tanging ito lang ang lumabas sa bibig ko.

Nakapagtataka, dahil nang sabihin ko ang mga salitang iyon, bigla na lamang bumukas ang pintuan, at iniluwa ang mga taong naging parte nang buhay ko, sa loob nang maraming taon.

My family..

Iyon narin ang naging hudyat upang umalis si Doc. Fuentabella. Ang unang lumapit sa akin ay si Mommy. Bagama't, lumapit siya ngunit wala naman siyang sinasabi, maski isang salita. Nanaig ang nakakabinging katahimikan sa pagitan naming lahat.

Si Mommy na nasa kaliwa ko, si Daddy na nasa likod niya, at si Kuya Max na nasa paanan ko. Si Kuya Jake na nasa kanan ko, at kasama niya ang kakambal ko na si Makseana. Ang mga pinsan ko. At kasama din nila si Mae.

Nasa loob din ng kwartong ito ang kaibigan ko. Lahat sila ay nanatiling tahimik, at animo'y nakikiramdam sa nangyayari.

“Anak malapit na ang kaarawan mo? Wala ka bang gustong matanggap na regalo?” mukhang si Mommy lang ang nagkaroon ng lakas upang magsalita. At ang nakakabinging katahimikan ay pinutol niya.

PERO, napaisip rin naman ako sa tanong niya. Tama siya, malapit narin ang kaarawan ko, at ang naiisip ko lamang na regalo ay— kahit papano madagdagan ang natitirang oras nang buhay ko, kahit hindi ako sigurado.

“Gusto kong magpa-opera Mom. Iyon lang po ang gusto kong mangyari ngayong Birthday ko.” nakangiti kong sabi. Hindi lang iyon isang kahilingan, kundi isa rin iyong kagustuhan na kahit hindi ako sigurado, nais kong sugalan.

“Anak, ibibigay naman namin lahat wag lang ganito. Weren't sure about that operation, anak. It's only what? 50% 60% 70% percent of chances, that you will survive with that operation! Hindi ako susugal para sa isang desisyon na hindi naman ako sigurado!” wala akong lakas na sumagot. Nanatili akong tahimik.

“Kagigising lang po niya, wag po sana nating biglain. Isa pa, masama sa kanya ang ganito.” at ang lumabas na salita mula sa bibig ni Ryan, ang nagpatigil sa lahat .

And when they all lef. Pinigalan kong umiyak, dahil kailangan kong maging kalmado. Hindi ako pwedeng sumobra sa emosyon. Dahil mas lalong ika kasama ko iyon.

To be Continue.

I Fell Inlove With my Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon