Kabanata Isa - 'Childhood Friend is Back'
Maximilliana P.O.V
Nandito ako ngayon sa bahay, naka-upo, kasi walang magawa. Weekend kasi ngayon kaya nandito lang ako sa bahay, hindi din naman ako makalabas ng bahay dahil pinagbawalan ako ni Mommy.
Hindi daw ako pwedeng lumabas ng bahay dahil may bisita daw kaming dadating mamaya. Aba! mala'y ko kung sino yun. Panira nang weekend, imbis na nasa mall ako ngayon kasama yung mga tropa ko. Ayun nandito lang ako sa bahay, nag-momokmok.
At dahil wala na talaga akong magawa, bumaba na ako galing sa kwarto ko, napag-isip isip ko na mag-bake na lang, tutal, nabobore na ako.
Pagbaba ko, nakita ko silang aligaga sa mga maraming bagay, may nag-aayus ng mga upuan at curtains, even in the kitchen, maraming niluluto, paano na yung plano ko?. Pero kahit ganun I decided na bumaba parin, magtatanong na lang ako kung ano ba talaga ang ganap.
"Manang, what are you doing po? Nag clean kayo nang house? Sino po ba kasi yung mga bisita mamaya? " tanong ko sa kanila, hindi naman ako rude sa mga kasambahay namin, dahil tatlo lang sila. At tsaka magalang ako magtanong.
"Hija hindi pa ba nasasabi ng mommy mo, dadating ang kababata mo, si Xander.” sagot ni Manang, tumatango tango lang ako sa kanya, kasi sino ba naman yang Xander na yan? Hindi ko naman knows~~~
“Sinong Xander, Manang?” habol kong tanong nang may mapagtanto akong kapangalan niya.
“Alexander Ryan Valdez, your Bestfriend.” may papitik pa sa hangin yan, si Manang talaga. Mahilig mag joke.
"Weh, baka joke lang yan manang. Kasi, diba? nasa ibang bansa yun! Don't tell me, uuwi siya dito? Tas magtratransfer? Ay wag mo akong pinagloloko manang isusumbong kita kay mommy.” agad namang nanlaki ang mata ni manang at parang may nasabi akong nakakapanlaki nang mata.
“Ikaw na bata ka! Anong don't tell me, don't tell me, e. Sinabi ko na nga! Aba't hindi ka pa maniwala. May pasumbong ka pang nalalaman. Halika dito, at tumulong ka na lang maglinis, wala ka namang ginagawa.” ganyan din kasi siya sakin. Pwede niya akong utusan dito sa bahay, gawa nga nang sabi ni Mommy. Para naman daw matuto ako, hindi lang iyong puro pasarap lang ako dito sa bahay. Lumapit naman ako sa kanya, at kinuha ang basahan na hawak-hawak niya at ako na ang magpupunas nang bintana. Kumuha naman siya nang dustpan at walis tambo.
Balik tayo sa, kanina. So? Hindi nagsisinungaling si Manang, uuwi si Xander. Si Alexander Ryan Valdez.
Ay nagagawa na tuloy ako kay manang. Pa-whole name din.
Uuwi siya, after so many years naisipan niya ding umuwi, sa wakas. Mabuti naman at napag-isip isip niya ding umuwi, akala ko nakalimot na iyon.
“Manang, kasama si Ate Rhianne?” tanong ko ulit.
“Aba't malamang, Hija. Buong pamilya nga raw.” sagot niya.
Napaisip naman ako, sa tagal niyang namalagi sa ibang bansa, bakit ngayon niya lang naisipan na umuwi?
Ano naman kaya ang dahilan nila ng pag-uwi nila dito? Sa pag-iisip ko nang kung ano-ano, hindi ko na namalayan na paulit-ulit na lang pala ang mga direksiyon na pinupunasan ko.
Mukhang napansin narin ni Manang kaya't sinabihan niya na lang akong tama na, at tumaas na lang ako sa kwarto ko.
Nang makapasok ako sa kwarto ko, mukhang wala din naman akong balak matulog kaya't naghalungkat na lang ako nang pwede kong suotin mamaya.
Tumangkad na kaya yun? Dati kasi pandak yun. Pumuti kaya siya, kasi sa pagkakatanda ko maitim yun. Medyo, gumanda na kaya yung ugali niya, dati kasing bully yun. Ano na kayang itsura niya ngayon? Namiss niya kaya ako? O baka naman may Girlfriend na yun. Tas, kinalimutan na ako.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With my Best Friend
Teen FictionMaximilianna Alegre, a 17-year-old high-school girl fell in love with his long-time best friend Alexander Ryan Valdez, since when they were in Elementary. Unfortunately, when the 10th grade comes, Ryan's family must migrate abroad because of person...