Kabanata 24 : 'Sickness'
Maximilliana P.O.V
Bigla akong kinabahan sa mga tingin nilang iyon, pagkatapos kung makaramdam ulit ng sakit. May dumating din na doctor. Kung hindi ako nagkakamali, kasamahan ni Mommy ito sa hospital.
Surgeon and Cardiologist
“How's my daughter, Dr. Fuentabella?” Si mommy na kanina pa nakaupo sa tabi ko. Mabilis naman kasi silang nakataas agad dito sa kwarto ko kanina. Mabuti na lang malakas ang boses ni Kuya, kahit papano?
“What symptoms are you experiencing?” hindi ko siya sinagot. “Did she already have a idea about her heart health condition?” seryoso ang pagkakatanong niyang iyon kay Mommy, na talagang tinignan niya pa. Hindi naman siguro ako nagkakamali ng dinig, di ba?
Tumingin ako kay Mommy, naghihintay sa maaari niyang isagot. Umiling siya sa doctor. Doon ko lang nalaman, kaya pala hindi niya sinabi sa akin noong araw na nawalan ako ng malay, kasi ayaw niyang maulit siguro ang nangyari. Baka magulat ako, at maulit iyon. Takot siya.
Bumuntong hininga ang Doctor sa naging sagot ng Mommy ko. Sa tingin ko, wala na silang choice kundi ang sabihin sa akin ang totoo. Muling bumaling sa akin ang tingin ng doctor na iyon.
“Nakapagdesisyon na ba kayo tungkol sa sinabi ko? Mas makakabuti kong susundin niyo iyon. Masyado na itong malala, at kung hindi pa aagapan, maaari niya iyong ikamatay. Her heart, it's not functioning properly, like what a heart should do!!” paliwanag niya. Hindi ko mapigilan na hindi tumingin sa kanila. Si Daddy na, kahit seryoso ang mukha ngayon, alam kong nagaalala. Si Kuya na, hindi nanaman maipinta ang mukha dahil sa sobra ding pagkunot ng kilay niya. Si Mommy, na kahit anong oras, pwedeng bumuhos ang kaniyang mga luha.
“Pero, okay naman ang treatment na ginagawa namin noon sa kaniya. Natigil lang, kaya siguro naging ganito.” sagot ni Mommy, iyong sagot niyang parang iyon na lang nakikita niyang paraan. Umiling lang ang doctor sa kaniya. Bigla na lang akong nagulat ng humagulgol na ito, “I've had done, a lot of operation before. I'm a surgeon Vin!” She said it. My mom, said it. Halos isigaw niya iyon sa mukha mismo ng Doctor, na Vin pala ang pangalan. “We're both surgeon for pete's sake Vin! At alam ko, kung anong pwedeng mangyari sa anak ko! Either successful iyon O hindi. Alam mong fifty-fifty lang ang chance niyang mabuhay!” sigaw niya dito. Sinabi niya iyon na para bang nakikita niya kung anong maaring kahahantungan ko. Kung anong maaaring mangyari sa akin, kung sakaling susundin namin ang sinabi ni Doctor.
“I know. Sa tingin ko, kailangan niyo talaga munang pag-usapan ang bagay na ito. I only want the best possible option for her.” sabi niya dito, saka siya muling bumaling sa akin
“For now, kailangan mong sundin lahat ng sasabihin ng Mommy mo, okay? And I suggest to visit you, twice a week for regular check-ups.”sabi niya sa akin. Tumango naman ako. Saka siya ulit humarap sa mga magulang ko at iginaya sila palabas. Si Kuya naman ang naiwan sa silid ko.
Nagpahinga lang ako ng buong araw, kagaya ng sabi ng doctor. Sinimulan na ding gawin ang lahat ng pwedeng gawin, para maibsan ang sintomas na mararamdaman ko. Once in a week lang din talaga ako kumakain ng karne. At, twice a week bumibisita nag doctor ko para sa regular check-ups.
Isang buong buwan na laging ganon ang routine ko. Hindi naman ako nagrereklamo na hindi ako nakaka-pasok, kasi lagi namang nagpapadala ng email sila Kellay para sa mga activities at mga take-notes niya sa mga discussion.
Araw-araw rin akong may bantay. Si Kuya na laging wala sa bahay, naging taong-bahay na. Hindi na siya lumalabas, para lang gumimik. Talagang, School at bahay na lang talaga siya.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With my Best Friend
Teen FictionMaximilianna Alegre, a 17-year-old high-school girl fell in love with his long-time best friend Alexander Ryan Valdez, since when they were in Elementary. Unfortunately, when the 10th grade comes, Ryan's family must migrate abroad because of person...