Kabanata 42 : 'Move On? Or Not?
Alexander Ryan P. O. V
MAY mga araw sa buhay natin kung kailan ka makakaramdan ng saya at pagkabigo. Minsan, hindi mo pa nalalaman ang dahilan, may hinala ka na kung anong magiging kalalabasan.
Ganoon kagaling ang mga tao. Judging— in the sense of— sa perception lang nila nakikita ang mga possibility outcomes, pero how about us naman, na umaasang ang taong ito ay makakasurvive sa isang operasyon kahit 50/50 ang chances ng life rate niya.
Ako? I don't care— Sa lahat ng sinasabi nila, the important is she's alive. Iyon ang importante, wala na akong hihilingin pang iba. Ang mahalaga, siya— buhay siya.
I still want to be with her. Gusto ko pang bumawi, hindi pa ito sapat para sa lahat ng ginawa ko.
Ganito talaga siguro ang bugso ng damdamin ng bawat tao. Bigla kang magigising isang araw— malalaman mong bakit parang may bagay na hinahanap tayo, pero hindi natin malaman kung ano?
Ang akala ng ibang tao, ang kaibigan— andyaan lang pagkailangan mo, pero wala siya noong panahon na kinailangan mo rin siya.
Ang kaibigan— hanggang doon lang. They set a boundaries. Iyong guhit na para lang doon talaga, kung baga tuldok. Wala nang dapat kasunod. Ngunit, hindi sa lahat ng bagay nasusunod ang tuldok. Alam mo iyong baguhan ka palang sa pagbabasa, at hindi mo alam tumigil kahit may tuldok na.
Sa patuloy na pagtatanong niya ng mga bagay-bagay unti-unti kong naiintindihan ang pinupunto niya. Kagaya niya, may mga katanungan rin ako, na nagiging sanhi ng pagkatakot ko.
What if, biglang magbago? Tapos maramdaman ko rin lahat ng naramdaman niya noon. Hindi nawawala sa isipan ko ang posibilidad na baka mangyari ang bagay na iyon. Kaya't hindi ko napigilan at umalis ako sa loob ng silid na iyon.
Alam kong iba ang nasa isip niya. Hindi ko naman iyon maiiwasan. Lalo na't sa mga nagdaang buwan at araw puro sakit na lang nararamdaman naming lahat. Hindi pa ako tuluyang nakakahingi ng tawad sa kapatid niya. I know, I already admit that it was my fault. Hindi ko man lang tiningnan na baka may mali. Hindi ko man lang napuna.
Doon pumasok sa isip ko na, kilala ko ba talaga ang kaibigan ko? O baka hindi ko iyon napagtuunan nang pansin, dahil sa kakahanap ko ng isang tao, hindi ko nagawang pansinin ang pagkakaiba nilang dalawa.
Doon pumapasok iyong mga salitang— baka nga kinailangan ko lang siya noong panahon gusto ko ng kausap. Kasi, iyong inakala kong tao ang layo ng loob sa akin. Ang mali ko— kaya pala malapit sa akin si Lianna kasi siya pala iyong hinahanap kong tao.
She treat me, the way I want. I never expected she would. She admire me the way, I never think she would be. She love me even if she know I can't love her back— but the truth is— I'm already in love with her, but I don't know how, because I believe that she wasn't the girl I met when I'm still a child.
Until one day— bumalik ako ulit sa hospital para dalawin siya. Hindi ko inalala kong babagsak ba ako, makakapasa pa ba ako? Kung makakasama pa ako sa mga gragraduate. Kasi, sa ngayon— ang mahalaga sa akin ay maibalik ang mga oras na kinailangan niya ako, pero wala ako roon...
Pero ang bumungad sa akin ay kwartong wala ng laman. Akala ko noong una maling silid ang napasukan ko, pero noong inulit kong tiningnan ang numero na kwartong lagi kong binibisita ay tama naman.
Dito nga, pero sadyang wala na talaga akong naabutan...
“Nurse Reign, right?” tawag pansin ko sa isang pamilyar na tao. Hindi naman ako nabigo at agad siyang ngumiti sa akin, at tumango.
“Pwede bang magtanong? Iyong pasyente dito—”
“Sir, kagabi pa po sila umalis. Ang sabi po nila ay lumala daw po bigla ang sakit sa puso ng pasyente kaya hindi na sila nagdalawang isip na ilipad agad siya sa ibang bansa para doon eperform ang operation.” paliwanag niya. Hindi ko pa tuluyang naitanong ang dapat kong tatanungin pero mukhang nasagot na agad.
Pagkatapos non ay nagpaalam na rin siyang aalis dahil marami pa siyang kailangang gawin. Naiwan akong mag-isa sa kwartong ito. Napuno ng katanungan ang isip ko, sa pangalawang pagkakataon.
Huli na ba ako?
—
5 years later...
Hindi ko na mabilang ang taon na lumipas. Tila parang kahapon lang nangyari ang mga bagay na iyon. Nagkakaroon ako ng balita sa kanya pero hindi ko alam kung nagkakaroon rin siya ng balita sa akin.
I'm an Engineer now, pero napagisip-isip kong kumuha ulit ng kurso— at balak kong mag doctor.
Lumago ang kompanya ni Mommy, na dati ay paglubog na. Nagkaroon ng pagkakataon na magbago si Mommy, at si Ate? Masaya na siya.
Limang taon na rin halos ang lumipas, ngunit hito parin ako umaasang balang araw, bumalik na ang kaibigang inakala kong hindi ako iiwan.
“Anak? May bisita tayo mamaya. Wag kang aalis hah” ang boses ni Mommy ang pumukaw sa malalim kong pag-iisip. Ilang taon na rin akong ganito.
“Okay, Mom” Nag-iisa kapag nasa bahay. Kagaya ng araw na ito nasa loob lang ako ng bahay, at hindi ko pa alam kong sino ang bisita mamaya at bawal akong umalis. Of course, I'm going to help them. Kapag nasa labas naman ay halos sila Angel, Lee Yhun, Miya, Kellay, at Mae. Sila lang halos ang kasama ko.
Kagaya ko, nagtapos na rin sila sa kurso na nais nila. Alam ko rin na nagtapos na sa kursong gusto niya si Lianna. The operation was successful, but unfortunately wala ako roon noong panahon na inoperahan siya.
Si Miya lang naman ang nagbabalita sa akin tungkol sa mga nangyayari. Si Makseane ang pinadala sa school na dapat raw pupuntahan ni Lianna sana, dala ng hindi pwede si Lianna noong panahon na iyon.
Lianna— Or should I say, Architect Maximilliana Alegre. Yes, she was a licensed Architect now. I'm proud of her.
At sana pagbigyan ang kahilingan kong kahit sa muling pagkakataon, makita ko ulit siya at makasama. Masabi man lang ang katagang— Congratulations, I'm very proud of you..
To be Continued..
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With my Best Friend
Teen FictionMaximilianna Alegre, a 17-year-old high-school girl fell in love with his long-time best friend Alexander Ryan Valdez, since when they were in Elementary. Unfortunately, when the 10th grade comes, Ryan's family must migrate abroad because of person...