Kabanata 36 : 'Waking Up?'
Maximilliana P.O.V
Para akong nasa isang alapaap. Puro puti lang ang nakikita at puro Ulap ang buong paligid. Hindi kapani-paniwala, pero pakiramdam ko nasa langit na ako. Oras ko na ba? Ito na ba iyong— time ko?
Iiwan ko na ba sila sa baba? Aalis na ba ako? Pero, hindi pa ako nakapag-paalam ng maayos sa kanila, marami pa akong gustong sabihin— kahit lang sana bigyan pa ako ng kunting panahon, para masabi ang mga bagay na iyon.
“Anong pakiramdam ng mapunta sa walang hanggang kapayapaan, Lianna?” bigla akong napatingin sa lugag kung saan banda iyong boses.
“Hindi ba't napakasaya sa pakiramdam, apo. Alam mo bang ilang ulit kong hiniling sa mundo, kung kailan ko makakamtan ang kaginhawaan— katulad nito.” hindi ko malaman kung anong klaseng panaginip ito, o kung panaginip nga ba? Ang alam ko lang ay ang kasiyahan na nararamdaman ko, pero hindi ko maintindihan kung bakit lumuluha ako, gayong nasa harap ko ang— taong matagal ko nang gustong makita at makasama.
Si Lolo— the one and only.
“Nais mo na bang sumama sa piling ko— apo?” sa hindi ko ulit malaman na dahilan, bigla akong umiling—
“Hindi ka po ba magagalit, Lolo— Kung sasabihin kong ayaw ko pa?” nagtataka man ang mga mata niya, maging ang ekspresyon ng mukha niya— pinilit ko pading ngumiti.
“Anong dahilan ng pagtanggi mo ngayon, apo? Hindi ba't sabi mo handa kana?” ang mga mata niyang nangungusap at boses niyang mahinahon. Mga bagay na— gusto ko sanang hilingin na araw-araw ko pang marinig, pero hindi pa pwede.
“May mga bagay pala Lolo na kapag minamadali— mas mahirap iyong magiging epekto. Gusto ko noon, lolo— pero ngayon gusto ko nang lumaban” sagot ko. Ngumiti naman siya sa akin, at lumapit upang yakapin ako.
“Hindi mo pa naman oras, apo. Dumalaw lamang ako sa panaginip mo, upang sabihin sa iyo na— tama ang naging sagot mo, hindi kagaya ng mga nasa isip mo nitong nakaraan. Ang kamatayan, hindi iyan hinihiling o libre na basta-basta mo na lang sinasabi at mangyayari— marami ang magiging kapalit, kasali na doon ang pagsisisi, paano kung hindi ka pala sa langit mapupunta? Hindi ba? Kaya hanggat may panahon ka pang baguhin ang mga nais mo, makuha ang mga gusto mo— lumaba ka. Kasi sa oras na kailangan mo nang mawala— Wala na tayong magagawa.” sabi niya, na siyang naging dahilan ng pagtititig ko sa kanya.
“Do you have any regrets, Lolo?” tanong ko sa kanya habang nakatitig parin sa kanya. Punong-puno ng emosyon ang mga mata niya.
“I have a lots of regrets, apo. Hindi naman iyong maiiwasan. Sa sobrang rami— dumating sa punto na hiniling kong hindi sana danasin ng apo ko.” sagot niya. Muntik akong hindi makaimik sa sinabi niya.
PERO, totoo ang sinabi ni Lolo.
“Ikaw apo, do you have any regrets?” balik niyang tanong sa akin.
“Kagaya mo lolo, mayroon din. Pero nabibilang ko pa sa mga daliri ko. Pero may isang bagay na kailanman hindi ko pinagsisihan— iyon ang umamin sa taong gusto ko. Alam niyo po ba iyong kasabihan na, 'if you love someone, tell them— because hearts are often broken by words left Unspoken.' familiar ka po ba sa ganyang kasabihan Lolo?” I didn't expect na tatango siya, at ngingiti sa akin.
“Oo naman— iyon din ang naririnig ko sa labas ng panaginip na ito. Gusto mo na bang magising at marinig ang nangyayari sa labas?” hindi iyon tanong, kundi isang alok na, hindi ko matatanggihan.
“Sino po ang pamilya dito ng pasyente?” bigla na lamang akong nakarinig ng upuan na nausog, na nangangahulugang may taong nakatulog malapit sa tabi ko. Pero, sino iyon? Nasa panaginip parin ba ako?
“A-Uhm. Wala po kasi sila. Ako lang po ang ban-bantay ng— kai-kaibigan ko.” ito lang iyong panaginip na— pati dito naririnig ko boses niya.
Hindi naman kaya, pinaglalaruan lang ako ng imahenasyon ko?
“Ah, okay lang po iyon Sir. Ako nga po pala si Zara Reign— Iyong personal nurse / private nurse ng pasyente.” pero parang totoo na iyong mga taong nag-uusap. Ramdam ko din ang mga apparatus na nakatarak sa kamay ko, tas— amoy hospital talaga.
“Alam niyo po, Sir. Sabi nang mga bituin ngayong gabi— may bagay na mangyayari, pero hindi naman masama— Hindi naman masama ang mahulog sa kaibigan lalo na kung— lalo na ang umamin. Alam niyo ba po iyong kasabihin. “If you love someone tell them. Because hearts are often broken by words left Unspoken.” ito pa ang isang nakakagulat— bakit parehas sila ng sinabi ni Lolo? Ito na ba iyong sinasabi niyang— naririnig niya sa labas.
“Sige po, Sir. Cheneck ko lang po iyong, pasyente.” mukhang nagpaalam na iyong Nurse. Ibig sabihin kung hindi ito panaginip at naririnig ko ang boses niya— ibig sabihin totoo ito. Hindi ako— linoloko lang ng panaginip ko.
“Mahal naman kita, e. Sadyang hindi ko lang alam kung bilang kaibigan ba, o bilang— alam mo na. Pero— dapat naman sana sinabi mong may ganito ka pang nararamdaman hindi ba? Hindi iyong— nararamdaman mo lang para sa akin ang pinagtutuunan mo ng pansin.” malungkot niyang aniya.
“Sige, ako naman ang mag-aalaga sa iyo.” sa oras na ito ko lang nalaman— na kung hindi niya nalaman ang karamdaman ko, hindi niya ako bibigyan ng pansin.
Masama ba kung minsan hiniling ko nanaman na mabuti na lang may ganito akong nararamdaman, kasi kahit papano— sa ganitong paraan niya lang pala ako matutunang alagaan at pahalagahan?
Hanggang sa unti-unting— bumabalik na ang pakiramdam ko. Nararamdaman ko na ang malamig na temperatura galing sa aircon sa loob ng kwarto na ito.
Nararamdaman ko na ang mga haplos niya sa buhok ko— nagiging malinaw narin ang mga naririnig ko.
Hanggang sa unti-unti ng gumalaw ang talukap ng mata ko, at sa wakas— nakabalik na ako sa mundong gusto ko pang makita araw-araw.
Hindi pa ako susuko, hangga't kaya ko pa.
Hangga't pwede pa— hangga't hindi ko pa siya— sila nakikitang masaya
“Lianna?!— Dok! Gising na po siya!”
TO BE CONTINUE.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With my Best Friend
Teen FictionMaximilianna Alegre, a 17-year-old high-school girl fell in love with his long-time best friend Alexander Ryan Valdez, since when they were in Elementary. Unfortunately, when the 10th grade comes, Ryan's family must migrate abroad because of person...