Kabanata 6 : “Hurt Holiday”
Maximilliana P.O.V
I slowly open my eyes, diba english, isang taon ko pinag-aralan yan charr.
Nagising ako na kumikirot at namumugto ang magkabilaan kong mata, mabuti na lang dahil walang pasok. Bakit kasi iyak iyak ako. Ano idadahilan ko.
Mommmy, Daddy, sorry ganito itong mata ko. Kasi, umiyak ako.
O
Mommy, Daddy, sorry nagpuyat ako. Nanood po kasi ako ng kdrama.
O
Nagwattpad po kasi ako Mommy.
Problema pero ito, kapag nakita nila Mommy at Daddy, hindi ko pa naman alam kong ano isasagot ko. E, nanood lang naman ako ng “Tailed of the Nine tailed”. Iniyakan ko yun! Ang sakit, pero ang astig nong bidang lalaki. Talagang gagawin niya lahat para sa babaeng mahal niya, at talagang naghintay siya ng maraming taon, para lang makita ulit yung babaeng iyon.
Pagkatapos ko iyon pinanood, narealize ko. Kahit pala pare-parehas kayo, katulad ng mukha, at ugali, kung hindi ikaw iyong taong hinihintay niya, useless din.
Alam mo yun. No one can replace the old one with the different one. Parang ganito, kunyari iyong short nasira, tas hinanapan mo nang ganun sa palengke. E, branded iyon. Wala, mahahalata yung pagkakaiba, at hindi pagkakapareho.
At iyon ang dahilan ng pag-iyak ko, hindi dahil iniisip ko kung bakit hindi ako kayang mahalin ng kaibigan ko! Pero, masakit iyong ano talaga. Nangako, tas hindi matutupad. Kaya pag sinabi mong babalik ka, babalik ka.
Kapag hinintay ko namang bumalik sa dati ang mga mata ko, hindi ako makakasama kay Bro, para mamasyal, eh nag-yaya pa naman siya.
Kung may make-up kit lang sana ako, para hindi mahalatang umiyak ako, tsaka contact lens narin. Ay hindi pala pwede yung contact lens.
Paano ba ito? Kung nandito lang sana sila Angel and friends, masosolve ang problem ko.
Ah! hah!
May bright idea na akong na-isip. What if, tawagin ko sila Miya dito. Ang tali-talino mo talaga Maximillianna.
Uso naman ang chat or GC, kaya madali ko lang silang makakausap. Hindi naman sila ganun kahirap emessage gawa nang parati nama silang Online. Iyang si Angel, sure yan. Ikaw ba naman magkaroon ng jowa diba? Updated yan.
Si Mae, Miya at Kellay, online para sa event na ginagawa nila. Balita ko, malapit na itong ACQUAINTANCE PARTY. Ikaw ba naman iyong officer in charge diba. Basta sabi nila babaguhin, e. With a twist daw.
Ako nga pakiramdam ko din may twist din iyong story ko. Parang may mangyayaring hindi ko aasahan. Parang ngayong araw.
Napabuntong hininga na lang ulit ako, at hinintay silang dumating. Wala naman akong magawa, kasi silang pag-asa ko sa parteng ganito.
--__--
Mga ilang minuto din ang lumipas, tsaka ko narinig ang sabay sabay na pagdating nang sasakyan nila. Ang galanti, nakaka-p***.
"Tita, Nasan po si Max/Lianna/Anna" nasa loob ako ng kwarto ko, nang marinig ko sila galing sa baba. Ang dami nilang tawag sakin, pero ang pinakahate ko sa narinig kong pangalan, yung Max. Kasi nagiging magkapangalan kami ni Kuya kong pinaglihi ata talaga sa sama ng loob.
Ang ganda ng mukha, pero ang pangit naman ng ugali, ewan ko ba dyan. Nag iba-iba hindi niya naman bagay. Dapat iyong nagbago kasi dapat, iyong nararamdaman lang, hindi pati iyong ugali.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With my Best Friend
Teen FictionMaximilianna Alegre, a 17-year-old high-school girl fell in love with his long-time best friend Alexander Ryan Valdez, since when they were in Elementary. Unfortunately, when the 10th grade comes, Ryan's family must migrate abroad because of person...