Kabanata 22 : 'It was the truth!'
Maximilliana P.O.V
Hindi sila sumakay sa sasakyan ni Kuya. Mas pinili niyang buhatin pa si Iris, hanggang sa sasakyan niya, at doon niya sinakay. Wala naman kaming ginawa, kundi ang sundan na lang sila.
Pakiramdam ko kasi, kasalanan ko iyon! Kahit papano nakonsensya ako!
“Kailangan pa ba natin silang hintayin. Paimportante masyado!” nagrereklamo nanaman itong babaeng ito! Jusko, Miya and her mouth! Naiinis naman siyang umupo sa malapit, dito sa waiting area ng hospital!
“Bakit ba kasi sumama pa kayo?” hindi iyon galing sa mga kasama kundi sa taong nasa harap namin ngayon.
“Masama bang tignan kong okay lang siya?” galing sa akin iyan. It was a fact by the way! Hindi naman kami pupunta ditl kung hindi dahil guilt di ba?
“Galing sayo! Kapag may nangyaring masama kay Iris! Makalimutan na tayo. Gusto kong mawalan nang koneksyon na sa iyo kapag nangyari iyon!” sinabi niya iyon mismo sa harap ko! It wasn't my mistake! Hindi ko din ginusto ang nangyari kung sakali man! Bakit ba? Ako nanaman ang sinisisi niya! Para namang ang bigat?
Lahat ng mga pinagsamahan namin mawawala lang nang dahil sa kasalanan na hindi ko ginagawa! Kasalanan ko ba kung nauna siyang magsalita at sabihan ako ng masama!
“Kung makapagsalita ka naman, akala mo kasalanan na ng pinsan ko! Excuse me lang hah? Nauna iyang babae mo! Kaya wag mong isisi lahat sa pinsan ko hah” Miya. Iyon din ang nasa isip ko. Mukhang ganun din ang iniisip niya. Ano pa nga ba? Andoon din siya ng mangyari iyon!
“Sino po ang kasama ng pasyente?” napatigil kami dahil sa doktor! Tumingin naman agad si Xander doon, at agad na lumapit. Mukhang, okay naman na ang kalagayan niya kaya aalis na kami!
Tutal, gusto ko lang malaman kong okay lang ba talaga siya! Nauna akong umalis, at alam kong susunod sila.
-__-
Hindi na ako bumalik sa school, umuwi ako ng maaga sa bahay. At ang hindi ko inaasahan na tao ang nadatnan ko doon! Prente pa siyang nakaupo sa couch, sa sala!
It was Jake?
“What the hell are you doing here?” agad na bungad ko sa kanya. Walang hi, or hello? Ganyan agad. Total hindi naman siya welcome dito, kung sakali!
“Nabalitaan ko ang nangyari?” ngumisi siya pagkatapos. Tinaasan ko naman siya ng kilay, at dahan dahang lumapit sa kanya.
“Ano naman iyon sayo?” sabay baba ng bag ko sa couch malapit lang sa kanya. Dumiretso naman ako sa kusina pagkatapos at kumuha ng malamig na tubig sa ref. Kahit naman ano, bisita padin siya, kahit hindi masyadong halata.
“Hindi ka ba nagtataka kung bakit andon ang Kuya Max mo kanina?” sabi niya bigla, habang binababa ko ang pitsel at baso sa harap niya. “Thank you” para sa tubig.
“Hindi ko alam kung bakit? At saka, ano bang paki mo? Pumunta ka ba rito para maki-inom lang ng malamig na tubig, kasi kung Oo, pagkatapos niyang umalis kana!” hindi ko siya pinapaalis, sadyang ayaw ko lang nang topiko na sinimulan niya, masyadong halata na may alam siyang, hindi ko dapat malaman kong ano?
“Hindi ka ba nagtataka? Wala ka bang napapansin? Alam mo ba kung bakit kami magkaaway ngayon? You don't know right? My poor little sister. Wala ka nga palang alam sa mga nangyayari sa pamilyang ito.” wala sila manang ngayon, at hindi ko agad naisip kung paano siya nakapasok sa bahay! Natatakot na ako sa mga sinasabi at kinikilos niya.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With my Best Friend
Teen FictionMaximilianna Alegre, a 17-year-old high-school girl fell in love with his long-time best friend Alexander Ryan Valdez, since when they were in Elementary. Unfortunately, when the 10th grade comes, Ryan's family must migrate abroad because of person...