Kabanata 8 : Unforgettable Day
Maximilliana P.O.V
Mabuti na lang talaga, sanay na ako. Sanay na ako sa ganito. Kahit pa tanungin niya nang paulit-ulit yong mga tanong na iyon, sa harapan ko. Ayos lang.
Hindi na ako masasaktan, hindi na ako maasar. Ano naman ngayon kong tanongin niya sa akin, kung anong paboritong kulay nang lintek na babae na iyan? Ano naman ngayon ang paki-alam ko? Excuse me? May mga bagay na hindi pwedeng gayahin ng iba!
Atsaka dapat irelax ko na ang utak ko, para naman maka relate ako sa discussion ni Ma'am. Ayan tuloy kakaisip ko sa sinabi nila kanina, pakiramdam ko wala nang laman itong utak ko. Hindi ko na tuloy alam kong anong gagawin ko! Paano kong bigla akong tawagin ni Ma'am, tas hindi ko masagot.
*/Sighed
Ayan kasi, nagemot emot pa ako sa banyo, wala din namang kwenta. Nakakainis. Kulang na lang sabunutan ko sarili ko, dahil sa pagka-inis.
"Ms. Alegre? Are you listening?" ayan na nga ba ang sinasabi ko.
"Ma'am?" hindi ko tuloy alam isasagot ko.
"I see. Stand up. Let me know your thoughts about this topic." nakangiting sabi ni Ma'am. Bakit parang hindi ko gusto iyang ngiting iyan?
Ma'am naman. Itong si Ma'am Amistad talaga hindi man lang palagpasin, e. Minsan lang naman. Ano naman isasagot ko
"Answer this question. Example, Our country is now facing, a virus, which become a major source of problem in our country. This virus become a pandemic, and this is the cause of death of many people. So as, a student, If you were to advise the President of the Philippines on how to cope the crisis on pandemic we're facing today to solve and to improve the lives of people? With explanation ofcourse." sabi niya. Nakalimutan ko, English nga pala ito.
"Uhm. Ma'am. If I were to advise the President of the Philippines on how to cope the crisis on pandemic were facing today to solve and improve the lives of people. I will tell him that, In this time of pandemic or situation, he should knew to listen to the opinion of his people, so that he maybe can get a better plan for the crisis we are all facing." sagot ko. Mabuti na lang talaga nanonood ako ng documentaries kaya medyo may alam ako. Paano na lang kung hindi! Edi sabog ako.
"Great, Exact to the Point. Very well then." nagulat na lang ako nang bigla siyang pumalakpak. Akala ko mali iyong sagot ko.
Fact and Opinion pala topic namin. Ewan ko kung yan. Basta opinyon sabi, e.
"I thought you don't listen in my class. I don't expect you were that good. Pero, hija. Wag mong masyadong pinapalipad iyang utak mo, sa ibang mundo, hah. Hindi ka kasi nakikinig kanina, nung tinatawag ko iyang pangalan mo, kaya akala ko hindi ka nakikinig. Next time hah." Hindi galit si Ma'am, pero pinagsabihan ako. Pakiramdam ko tuloy, ang laki ng kasalanan ko, kahit nasagot ko naman ang tanong niya.
"Sorry Ma'am. Hindi na po mauulit." sabi ko habang nakayuko, at hindi na makatingin sa kanya nang diretso.
"It's fine. Just don't do it again." sabi niya pa. Gamit ang hintuturo niyang nakaturo sa akin. Hindi naman siya galit, pero parang nagbabanta lang.
Hindi naman siya ganun ka terror. Pero, kapag kasi napuno rin, hindi mo talaga mapigil at ipapahiya ka sa buong klase.
Tumango na lang ako sa kanya, kaysa naman sumagot ulit. Mamaya may idadagdag nanaman siya.
--__--
Uwian na pero ganito padin ang ekspresyon ng mukha ko. Kasi naman, hindi ko eneexpect na mapapansin ako kanina. Mabuti na lang talaga nasagot ko.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With my Best Friend
Teen FictionMaximilianna Alegre, a 17-year-old high-school girl fell in love with his long-time best friend Alexander Ryan Valdez, since when they were in Elementary. Unfortunately, when the 10th grade comes, Ryan's family must migrate abroad because of person...