Kabanata 5 - "She or Her?"
(Maximillianna Point Of View)
Ewan ko ba kung narinig niya iyong huli kong sinabi sa kanya kahapon. Basta na lang kasi, dumating iyong hapon kahapon na hindi nanaman kami nag-uusap.
Akala ko kung ano nangyari sa kanya. Hindi naman na kasi siya nagsalita pagkatapos nun. Hindi ko alam kong anong naging mukha ko kahapon, I mean iyong dapat kong maramdaman kahapon. Kasi naman, hinihintay ko siyang magreact pagkatapos niyang dumating sa tambayan namin pero, hindi.
Iba! Ibang-iba. Ngumingiti siyang ewan. Sabi ko nga sa isip ko kahapon, "Baka nakahithit ng usok kahapon kaya ganun"
Dumating ang uwian na ganun padin ang reaksiyon niya. Ngiting-ngiti kahit nasa klase, hanggang sa pag-uwi.
Hindi ko nga makalimutan kahapon, na muntik pa siyang masobrahan ng lakad pauwi. Malapit lang naman kasi ang bahay nila sa iskol. Doon pala sila nakatira.
Paano ko nalaman? Ako pa. Naka sabay ang sasakyan namin sa kanya. Ayaw niya sumabay, e. Edi yung kotse namin ang nakisabay.
Laughtrip siya kahapon, nung masobrahan siya nang lakad, agad kong sininyasan iyong driver namin na bumusina. Si Xander naman, mukhang palakang napatalon sa sobrang gulat.
Dinuro, duro niya pa iyong kotse namin kahapon. Mukhang hindi niya din namukhaan kaya tawang tawa ako. But, there's one question bothering yesterday? Why is he so happy? He always smile, like a damn dog.
I sighed, as i continue, what I'm doing. I wake up, early in the morning, just to get ready for school. Panibago nanamang araw, ganun padin ang routine ko, tulad kahapon.
Pagkagising, mag-uunat, tapos maliligo, mag-papalit nang damit pangpasok, mag-aayos ng gamit. Kakain at aalis.
Ganun naman lagi ang routine ko. At nararamdaman kong may magandang mangyayari ngayon.
Sana nga tama ang kutob ko, dahil kong hindi, basta!
-__-
Matapos ang ilang oras na paghahanda, okay na ako. Time check? 6:30 am in the morning. Masaya akong umalis sa bahay, sana ganun din ako pag-uwi.
"Ang aga mo namang pumasok?" nagulat pa ako sa nagtanong galing sa likod ko.
"Maaga ako nagising eh, ikaw bro bakit maaga ka ding pumasok?" Tama, si Xander yung nagtanong galing sa likod ko.
"Maaga din akong nagising eh" pang-gagaya niya sa sinagot ko kanina. Kita mo toh, gaya-gaya. Mabuti sana kung feelings ko, yung ginagaya niya, edi mas okay kami.
"Ahh" sabi ko na lang, at pumunta na ako sa upuan ko, para ibaba ang bag ko. Sumunod naman siya sakin, at gaya ng ginawa ko, linapag niya din ang bag niya.
Akala ko wala na siyang sasabihin, kaya kukunin ko sana iyung pitaka ko, para bumili ng sopas sa canteen kong meron, kaya lang bigla siyang nagsalita.
"Bro, pasyal tayo, bukas" nagtaka naman ako, kasi wednesday palang bukas.
"May pasok po bukas " kunot noong tanong ko. Ano ba bukas?
"Walang pasok bukas, Holiday" nakangiti niya namang sagot.
"Sige, game ako, saan ba tayo papasyal bukas?" pagtatanong ko sa kanya.
"Basta" paano ako maghahanda ng susuotin ko, kong hindi ko alam kong saang lugar.
Paano kong beach pala yun! Tapos nag-maong ako. Paano kong sa park pala yun! Tapos sasakay kami sa ferris wheel, eh nakapalda pala ako.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With my Best Friend
JugendliteraturMaximilianna Alegre, a 17-year-old high-school girl fell in love with his long-time best friend Alexander Ryan Valdez, since when they were in Elementary. Unfortunately, when the 10th grade comes, Ryan's family must migrate abroad because of person...