Kabanata 13 : 'The Sunday Wedding'
Maximilliana P.O.V
Mga ala-una pa lang nang madaling araw gising na ako. Matutulog pa sana ako ulit kaso hindi na ako makaidlip kaya naligo na lang ako. Ano pa nga bang gagawin ko? Kaysa naman ipilit kong matulog, di ba?
Siguro dahil maaga din akong natulog kaya maaga din akong nagising, sapat na siguro iyong naitulog ko.
This is the day, I will witness, how Kuya Jolo and Ate Ella enter their next journey as a husband and wife. I will witness, their vows to each other, and how I will hear those words of entirety. How I will saw their reactions.
Bumaba na ako parang tignan kong may gising na. Pagkababang pagkababa ko bumungad sa akin si Kuya Max, na nakatulog sa sofa.
Siguro tumulong kagabi sa kanila Mommy and Tita wala eh, hindi kasi ako ganun kabait tulad niya, o baka naman lasing iyan. Makalapit nga!
Maingat akong lumapit, tsaka siya inamoy. Hindi naman siya amoy alak, ang bango nga ni Kuya, e. Amoy alcohol, joke. Amoy mamahalin, joke lang iyan ulit. Amoy niya iyong axe na pabango. Men's perfume.
Akala ko lasing, e. Hindi pala, Pero ganyan talaga, akala mo sa sarili mo masaya ka, pero akala lang pala. O, di ba? Naisingit ko pa iyan, kahit wala naman sa eksena.
Sunod naman akong pumunta sa kusina para kumuha ng tubig.
Pagbukas ko ng refrigerator, kinuha ko agad iyong pitsel na naglalaman nang tubig, maingat ko iyong linapag sa lamesa. Nang makasalin na ako ng tubig sa baso, agad ko din iyong binalik sa refrigerator, haharap na sana ako ulit sa lamesa kaya lang - -nangi-angat ko ang tingin ko sa bandang kanan ko, naibuga ko iyong tubig.
Nagulat ako!
"What the! Bakit ba nagugulat ko hah?" singhal niya. Aba't malay ko naman! Sa nagulat ako e. Pero imbis na sagutin siya, tumalikod na ako at nagsimula nang maglakad pabalik sa kwarto ko.
Pero hindi pa ako nakakalayo sa kanya ng hablutin niya ang kamay ko.
"Iniiwasan mo ba ako bro?" talagang diniinan niya pa yung 'iniiwasan'.
"Bakit naman kita iiwasan?" balik kong tanong sa kanya.
"Bakit galit ka huh?" sabi niya ulit.
"Anong galit?" kunot noo kong tanong na sa kanya.
"E, anong ginagawa mo ngayon, nagtanong lang ako, tumaas na yung boses mo, tapos pagalit pa yung pananalita mo" sabi niya pa, habang nakatingin sa akin ng diretso.
"Hindi ako galit at hindi din kita iniiwasan, sadyang lumalayo lang ako para sa distansiya, alam muna. In a relationship ka tapos babae pa yong kasama mo, and then single ako" pagpapaliwanag ko, siya naman ngayon ang kumunot ang noo.
"E, ano naman ngayon?" hindi niya ba talaga nagets ang sinabi ko. Bobo! Malamang!
"Malay ko, basta sinabi ko ma yung dahilan kong bakit ako dumidistansiya okay, end of conversation tapos" pagkasabi ko non, umalis na talaga ako, wala ng hawak hawal, pigil pigil. Oh ano mang bagay na pwede pang humarang sa dadaanan ko.
Eksaktong pagtaas ko sana pababa din si Ate Ella.
"Stay put ka na lang dyan sa baba, darating na yung mga mag-aayos sa atin" sabi niya kaya wala na akong nagawa kundi sumunod na lang.
Mabuti na lang nakaligo na ako kanina, kaya ang kulang na lang yong pag-aayos sakin.
Mga ilang minuto fin ang nagdaan baho dumating yung mga mag-aayos. May sariling taga-ayos si Ate Ella, dahil siya ang Bride, yung mga abay naman, dito sa salas, pero dahil special ako. Sasamahan ko daw si Ate Ella, sa taas para may kasama siya.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With my Best Friend
Novela JuvenilMaximilianna Alegre, a 17-year-old high-school girl fell in love with his long-time best friend Alexander Ryan Valdez, since when they were in Elementary. Unfortunately, when the 10th grade comes, Ryan's family must migrate abroad because of person...