Kabanata 4 - 'Kasalanan ko?'
Maximilliana P.O.V
Kagaya nang sinabi ko, ako na, ako nanaman gagawa nang paraan para bati daw kami! Ay wow? Bakit naging kasalanan ko? Malay ko bang hinihintay niya akong sakalin-este ang batiin siya. Hindi ko naman alam, na may ganun pala. Wala naman akong magawa kung hindi ang makipagbati na lang.
Habang nasa labas ako ng classroom namin at hinihintay siyang lumabas, bigla akong napaisip, kailangan bang sa lahat ng pagkakataon, ako lagi ang hihingi ng tawad? Kahit alam ko namang hindi ko kasalanan. Baka dumating na lang iyong araw na, kahit sobrang laki na ng kasalanan niya, ako padin hihingi ng tawad.
Naging matunog ang naging buntong hininga ko, hindi ko naman iyon sinasadya pero masyado ko atang napalalim ang pag-iisip.
Hindi ko nga din siya napansing lumabas, basta nakita ko na lang siyang nasa harap ko. Nakatitig sa akin, at parang sinusuri kung ano ba ang mali.
“Care to share your problem?” pang-uumpisa niya. Hindi ko naman siya sinagot at nanatili ako sa kanyang nakatitig.
Masyado na siyang nag-iba, ano-ano pa nga bang natira sa dating siya? O meron pa nga bang natira.
"Bakit?" nagtataka niyang tanong.
“Hindi ko naman sinasadya iyon.” sabi ko, sapat lang para umpisahan ang gusto kong sabihin.
“Ahh. E, bakit naiinis ka?” natatawa niyang sabi.
“Hindi ako naiinis!” giit ko. Hanggan sa wala din lang akong magawa, at aakuin ang kasalanan kong, ewan ko kung ako nga ba talaga ang may kasalanan. “Uhm, Sorry. Akala ko kasi, hindi mo na ako kakausapin o papansinin. Kasi, diba? Bagong uwi ka, after so many years staying in abroad, syempre hindi ako mag-eexpect. Maraming nagbago. I mean changes is a part of growth. You'd change a lot, your looks, style and even your face. Akala ko pati ugali mo nagbago” pati yung nararamdaman mo din sana nagbago. Yung akin kasi, hindi padin nagbabago, ikaw padin tinitibok ng puso ko. Sa totoo lang, gustong gusto ko idagdag ang mga salitang iyan, kaso pinigilan ko, kasi alam kong hindi niya din naman kayang intindihin, hinding hindi niya maiintindihan.
“I don't have any plans to change. Ganito ako lumaki, ganito din ako tatanda. Kung ano mang ugali ang nakikita mo noon, ganun padin ako. Walang nagbago.” seryoso niyang sambit. Nagulat ako sa naging sagot niya, nalungkot ako at nakaramdam ng sakit. Bakit? Lumaki siyang walang nararamdaman sakin, ganun din siya tatanda.
Anong laban ko don? Wala.
“Pinapatawad mo na ba ako?” tanong ko na lang ulit. Wala lang, para lang maiba ang usapan.
“Sige na, sige na. Apology accepted. Ikaw pa! Malakas ka sakin.” napangiti naman ako sa sinabi niya. Ewan ko kung anong nangyari, basta niyakap ko na lang siya nang napakahigpit.
Sus, miss mo beh? Miss mo? Miss ka ba?
Bakit ba epal itong isip ko? Lagi na lang! Hindi ba pwedeng gusto ko lang siyang yakapin, kasi ang tagal niya ding nawala. Matagal siyang nawala. Mabilis din akong bumitaw sa yakap, at tumingin sa kanya ng diretso. Maya-maya pan, ay may naisip akong itanong.
"Pero bakit hindi mo ako pinapansin nong Sabado? Diba sa bahay?" may halong lungkot sa bawat tanong ko. “Tas nung linggo, pumunta si Ate mo? Pero wala ka? Dati naman nagsisimba ka.” dagdag ko pa.
"Umh, nung Sabado po, hinihintay kong batiin mo ako, katulad po nung dati, pero wala naman. Kinausap nga kita. Nong Sunday naman po, wala po ako, kasi, hinatid ko sa airport yung pinsan ko, kaya po wala ako" pagpapaliwanag niya sakin. Kaso, para akong batang napahiya, kasi masyado siyang magalang sumagot.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With my Best Friend
Teen FictionMaximilianna Alegre, a 17-year-old high-school girl fell in love with his long-time best friend Alexander Ryan Valdez, since when they were in Elementary. Unfortunately, when the 10th grade comes, Ryan's family must migrate abroad because of person...