Epilogue : THE FINAL CHAPTER

519 25 8
                                    

 Epilogue: THE FINAL CHAPTER

They said, love is powerful. Wala kang alam sa mga mangangyayari sa susunod. Kung magiging masaya ka pa ba dahil sa pag-ibig na iyon. Kung paano ka ulit muling sasaya na siya mismo ang magiging dahilan. Higit sa ano pa mang bagay iyon ang alam kong pinakamakapangyarihan sa lahat.

Love. Hindi nga talaga malalaman kong kailan yan tatama at kailan natin yan mararamdaman. Hindi natin alam kong kanino, o baka sa hindi pa natin inaasahang tao ang dumating na lang bigla.

Falling in love with my Best Friend, it wasn't a plan to begin with, parang nagising na lang ako isang araw hindi na lang pagmamahal ng isang kaibigan ang nararamdaman ko. Natakot ako, hindi dahil baka hindi parehas ang nararamdaman naming, natakot ako kasi baka pag-nalaman niya ang tungkol dito, hindi na kami maging kagaya ng dati.

I'm more afraid of consequences, mas takot ako sa mangyayari pagkatapos. Alam kong parang hindi tama, pero anong magagawa ko, kung matuturuan lang ang pusong wag siya ang mahalin ko, gagawin ko. Kasi, mas gusto kong maging magkaibigan na lang kami, kaysa mawala na lang lahat.

Natakot ako sa mga possibleng mangyari, kaysa sa kung anong mararamdaman ko pagkatapos. I waited for him, for god knows how long. Akala ko pag-uwi niya, di na kagaya ng dati ang nararamdaman ko, akala ko nawala na rin iyon, kasabay ng pag-alis niya, but damn! I fall deeper than I'd never expected.

"Hindi ba kayo masaya? I'm getting married!" my sister Makseane, really love to teased Kuya Max. I don't really know what's up to them, but Makseane, keep saying it. Kanina niya pa kasi ginagaya si Kuya. Wala din akong nalalaman sa kung anong kwento ang namamagitan sa Kuya ko at sa Ate ni Ryan, pero ang alam ko 'may ibang' hindi ko nalalaman.

Makseane, simula ng makauwi siya sa amin, hindi ko pa nakita ang mata niyang sumaya. She's smiling but, sadness is visible in her eyes. May kung anong kulang, sa mga mata niya. Habang nasa sasakyan kami. Her smile— faded. Bigla siyang nanahimik, at kagaya ng kalagayan ko kanina. Nakatingin na lamang siya sa labas ng bintana ng sasakyan. I want to confort her so bad, pero wala pa akong magagawa. Plano nila ito, hindi ko ako pwedeng maki-alam at ayaw ko ring maki-alam.

"It's okay, Makseane. Balang araw— makikita mo ulit siya." I comforted her. Dahil iyon lamang ang tanging magagawa ko ngayon. Sa ngayon..

Bumalik ulit ako sa labas ng bintana, pilit winawala ang munting sakit na namumuo sa aking buong pagkatao. Animo'y ayaw kong maniwala na nangyari lahat ng bagay na iyon. I felt I wasn't enough to be her twin. Wala man lang akong nagawang paraan para— makabawi man lang sa kanya.

Alam ko rin na ganoon ang nararamdaman nila ngayon. But I know— she will surpass it.

"Of course. One day. I can be with him again. And I will not get tired, waiting for that time." rinig kong sabi niya. I smiled. Ganyan nga. One day.

"Andito lang kami." paninigurado ko.

Pati ang kausap niya sa telepono, naki-sama rin.

"I'm always there for you!" sabat ng nasa kabilang linya. Kuya Max! Ayaw niya talagang patalo.

"Count me in, baby!" natawa ako sa sinabi ni Kuya Jake. Dati— ako lang tinatawag nilang baby. But now— dalawa na kami. Naiinis pa ako kapag tinatawag akong ganyan ni Kuya Max, pero ngayon, appreciating it big time.

Hindi ko alam kung naririnig ba kami nila Mommy at Daddy sa harap. Napagdesisyunan kasi nilang isahang sasakyan na lang. Pero iyong dalawa kanya kanyang dala ng sasakyan. Pasikat.

Nakatitig lamang ako sa labas ng bintana. Totoo na ito, nandito na ako ulit. I'm finally back. PERO, kailan ko kaya siya ulit makikita. Ang katanungan na iyon ay biglang nasagot ng matagpuan ko ang pamilyar na daanan papunta sa bahay nila.

I Fell Inlove With my Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon