Kabanata 9

360 24 2
                                    

Kabanata 9 : "The Game of Truth"

Maximilliana P.O.V

We spent the night with them. Oo, kasama iyong iba. Iyong hindi kamag-anak umuwi na. Nagsukat lang naman sila. Iyong bride at groom lang ang hindi.

Iyong Iris, pinauwi ko na. Joke, hindi ako. Si Ate Ella. Mukhang hindi din sila ganun ka close, pansin ko lang. Kasi gabing gabi na, pero hindi niya man lang pinahatid. Hindi naman nagsalita iyong isa kung may sasakyan siya o wala. Si Bespren, umuwi na rin, siya na iyong nagpresintang maghatid kay Iris. Pssht!

Hindi ko naman alam kong bakit pati si Jake? Umalis din. So, talagang ganun na lang. May pa walk out walk out pa akong nalalaman, hindi niya din naman pala iyon mapapansin. Akala ko pa naman, maawa siya kasi kapatid niya ako. Hindi naman pala.

Sila Miya, at Angel ang nagpa-iwan. Syempre dito nakatira si Kellay, kaya hindi siya aalis. Nahuli lang dumating kasi nagmall nanaman. Si Mae, hinatid ni Kuya. Hidi ko sure kong anong meron, pero nitong nakaraan lang, inaasar-asar lang namin si Mae kay Kuya, tas ngayon close na sila.

Ang bilis naman. Ganon ka-agad iyong growth.

Lumipas ang ilang oras, hanggang sa nabagot na siguro itong mga kasama ko, at napagdesisyunan nilang maglaro. Parang mga bata.

"Anong lalaruin natin?" masayang tanong ni Kellay. Wala siya lang talaga masaya. Ako, mukhang makikijoin lang.

"We were, uhm. Tama. We were playing this game. Actually, I watch it from YouTube." hindi ko naman alam anong tawag sa larong yan. Pero, napapanood ko. Kung bakit kasi ganyan sinuggest ni Angel na lalaruin.

Ayaw ko iyan! Siyam siyam aabutin namin. Iyong laro kasi na iyon, ay iyong ishoshoot iyong lapis, sa isang lalagyan. And then, you will say something about what you want. Basta ganun.

"No!" giit ko.

"Yeah, we don't like your idea." mabuti na lang talaga may kasama ako. Ang galing mo talaga Kellay.

Ending, napagpasyahan din lang namin na maglaro ng Spin the Bottle. Truth or Dare Edition. Kapag naturo ka ng bottle, yung bunganga niya lahat kami magtatanong or mag-uutos.

May mga title pa silang nalalaman, palibasa hindi sila mga antukin. Hindi naman ako ganun kaweak sa pagpupuyat, pero kasi eyebags naman ang abot mo kinabukasan.

"Okay, ganito ang mechanics" sabi sa amin ni Miya  kasi siya naman naka-isip ng laro na ito. Nakinig na lang kami. Hanggang sa matapos siyang magsalita, biglang umungot nanaman itong si Kellay.

Aba't may nalalaman pang ganyan.

"May twist para masaya, kapag hindi ka sumagot at kapag hindi mo nagawa ang dare, may parusa, okay! start na tayo"  pina-ikot ni Miya yung bote, at si Angel ang buwena mano. Iksakto namang ako ang katapat niya kaya sa akin mag-uumpisa. Ako magtatanong ng Truth or Dare.

"Ako mag bibigay ng tanong" nanlaki naman ang mata niya nang nakitang niyang ako.

"Truth or Dare" nakangisi kong tanong sa kanya.

"Truth" aba't palaban na siya ah. Nakakatuwa, buti pa siya palaban.

"Ako muna! Ako nag-paikot, e." singit ni Miya. Di bali, may point naman siya.

"Sige na nga! Ikaw muna! Makalimutan ko lang itatanong ko! Makikita mo!" sabi ko, kaso hindi man lang siya natakot. Aba't dumila pa siya. Talagang! Maputol sana dila mo!

"Truth di ba?" tanong niya ulit. Tumango naman iyong isa. "Paano kung magkaroon ng ibang mahal si Michael?" halah, pwede ba yan?

"Palalayain ko. Hindi ba? Ganun naman talaga kapag nagmamahal di ba? Be mature enough, kapag ayaw na sa iyo yung tao, palayain mo, kasi parang ibon ding yang nakakulong sa hawla, kahit ilang taon mo nang pinakain at inaruga, hindi ka dapat makaramdam nang panghihinayang kasi hindi na iyon pagmamahal, hindi na. Pero, kapag ganito ang nangyari, kapag ang ibon na iyon, pinakawalan mo, lilipad at bigla mong maiisip na hindi na iyon babalik, subukan mong isipin ulit. Kung minahal mo siya, at inalagaan mo, kahit saan man siya mapadpad at ikaw lang ang naging laman nang isip niya, babalik siya. Babalik siya sa taong minsan nang nag-alaga na sa kanya." ay grabi. Hindi ko enexpect na ganyan magiging sagot niya. Pero, true. Tama siya. Bigla na lang kasi kaming nanahimik, at mukhang hindi na alam kong anong magiging reaksiyon namin. Sobrang lalim nang naging sagot niya. Masyadong malalim, hindi ko masisid, masyadong nakakalunod.

I Fell Inlove With my Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon