Kabanata 12 : 'The preparation for the Weeding'
Maximilliana P.O.V
Saturday! Ang bilis nang araw pero opo linggo na. Natapos narin ang weekdays. Tapos, bukas na ang big event, at linggo iyon.
Iniimagine ko na nga iyong vow ni Kuya kay Ate. Jusko, kailangan kong makuhanan iyon ng picture para may remembrance ako.
Sa ngayon, gagawin ko muna ay maghanap nang kantang pwede para sa event na sinasabi ni Ma'am Montasilyo. Para naman prepared di ba?
Nagsesearch lang naman ako sa Spotify or sa YouTube nang madadaling makanta. Nagtatanong na nga din ako sa kanila Mae, Miya, Angel at Kellay kaso marami silang suggestion, wala akong mapili.
Senearch ko kasi lahat puro magaganda. Bukod naman kasi sa akin, my tutugtog din daw na banda, galing mismong school.
Iyong galing sa Music Club. May banda din pala ang school, first time nilang kakanta at panonoorin nang tao.
Scroll, scroll lang! Hanggang sa may lumabas na! Argh! Bakit kasi ang hina nang internet ngayon! Takang taka ako, marami pala kaming nandito ngayon, malamang sa malamang kanya kanyang connect sa wifi ang mga cellphone nila! Kaya pala mahina iyong sagap sa akin.
Minsan talaga, pangit mag share ng password! Hindi lang nang password ang masamang eshare. Pati tao!
May napili naman na ako, pero medjo alanganin pa, kaya kailangan pang maghanap. Pero, sa ngayon yung sa kanila Kuya at Ate muna ang iprapractice ko. Sa venue naman ako kakanta, which is dito sa house nila Tita din lang, kaya medjo walang hiyaan.
Mahiyain ako! Pero hindi nga lang halata, kasi minsan walang preno ang bibig ko, minsan din kasi mapang-asar ako, pero hindi naman sumusobra na makakasakit ka nang damdamin.
Maiba nga muna! Ang kinaganda nang bahay nila Tita Belle, may garden at punong puno nang magagandang bulaklak. May duyan din na malapit, iyong parang crib ang style. Iyong ilinaga na Duyan.
Medjo malaki ang size niya, at hindi mainit ang kinalalagyan. Ang saya magpractice dito. Umupo ako doon, at kinuha ang sarili kong gitara na kanina ko pa hawak hawak, pero hindi naman ginagamit.
Dala dala ka pa!
Nagtry akong magstrum, medjo ano, kaya inayos ko muna. Nang mapirmi na sa tuno ay sinubukan ko ulit.
I'd never gone with the wind
Just let it flow
Let it take me where it wants to go
'Til you opened the door
And there's so much moreAng ganda talagang pakinggan iyong mga kanta ni Taylor Swift. Ang mga kanta niya ang nagiging escape ko sa lahat ng problema at lungkot. Bukod sa Chocolate kong nakastock, isa din iyan.
Music is like my sanctuary. The lyrics of all the music I heard is sometimes, it's like a message that they want to say, but they can't because they have no courage to tell this to anyone or to someone because they are afraid of rejection.
Minsan talaga dinadaan natin sa kanta ang mga bagay na gusto nating iparating. Hindi lang kasi iyon basta kanta, na kakantahin mo, parang mensahe kasi iyon na gusto mong iparating pero hindi mo kaya, kaya kakantahin mo na lang.
I watched from a distance as you
Made life your own
Every sky was your own kind of blue and I wanted to know
How that would feel and you made it so realParang itong kantang ito. Pakiramdam ko, sa akin lang, ah. Pakiramdam ko, kapag narinig ito ng taong gusto mo, medjo kakalma kana, kasi kahit papano medjo aware na siya sa existence mo. But unfortunately, kapag kasi ganyan minsan, para ka ng aasa.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With my Best Friend
Teen FictionMaximilianna Alegre, a 17-year-old high-school girl fell in love with his long-time best friend Alexander Ryan Valdez, since when they were in Elementary. Unfortunately, when the 10th grade comes, Ryan's family must migrate abroad because of person...