Kabanata 19 : 'Stay? Or Stay Away?'
Maximilliana P.O.V
Hindi ko inasahan kong anong nangyari. Dapat, tatanongin ko siya kung totoo bang buntis si Iris? Hindi iyong para kaming bumalik sa umpisa?
PERO di ba? Sa lahat nang nabasa kong Bestfriend stories, dalawa lang nagiging ending nila. Either, sila ang Endgame o hindi. I have one question? Ano bang mas masakit? Iyong girl to girl na magkaibigan, pero nainlove sa iisang lalaki, o iyong girl to boy na magkaibigan pero may lihim na pagtingin iyong babae sa kaibigan nitong lalaki, pero iyong lalaki may ibang gusto? Anong mas masakit doon? Para sa akin, parehas lang.
Pagkatapos din nang mga bagay na iyon, ang mas lalong hindi ko inaasahan, ang biglang pagiging malapit sa akin ni Iris. Pakiramdam ko, may gusto siyang ipamukha sa akin. Kung hindi naman ay parang gusto niyang mahalata kong buntis talaga siya. Nalaman niya siguro, panigurado na nakarating na sa akin ang balita. Paki-ko.
Ang akala niya ba! Once na malaman kong buntis na siya, wala na akong pag-asa, pwe! Sa kanya na, saksak niya sa baga niya, pero once na malaman kong niloloko siya nang babaeng ito, Isusumbong ko siya, kahit pa mawalan nang magulang ang bata. It was her mom's fault, in the first place anyway.
"Lianna, pwede bang pabantay kay Iris? May aasikasuhin lang ako?" gusto ko mang tumanggi pero, hindi ko iyon nasabi. Sasabihin ko sana? Paano naman ako? May gagawin din ako, may meeting kami ngayon, hindi ko pwedeng baliwalain, pero dahil siya ang humingi nang pabor, gagawin ko.
Isa pa pagkatapos nong araw na iyon. Akala ko babalik na kami sa dati. Sharing problems with each other. Makikipag-asaran. Sasamahan ako sa mga gala. Tas, bigla kong naisip pagkatapos kong gawin iyon, hindi na nga pala siya binata. Magkaka-anak na nga pala siya. Hindi na nga niya pala iyon priority.
May isa pa. Hindi na siya gaanong lumalapit sa akin. Parang, ang dating sa akin ay isa na lamang katulong. Ako na papakiusapan lang kapag may ipapagawa, pero hindi kami nagkwekwentohan.
At isa pa, itong babaeng ito. Kapag kami na lang ang naiiwan na magkasama, akala mo kung sinong close friend ko na kung makapag-utos ay akala mo may katulong siya. Sa totoo lang, gusto ko siyang barahin, every time na may inuutos siyang bibilhin, dahil nagcracrave daw siya. Wala namang kaso sa akin iyon, pero iyong paulit-ulit ka niyang uutusan, pero hindi naman niya pera at kinakain ang pagkaing binibili ko, ibang usapan na iyon.
I mean, money is still a money. Hindi iyong napupulot o napipitas. Kung mayaman siya, maiintindihan ko pa. Pero, iyong feeling rich siya, hindi! I was only doing this, because I want to help my bestfriend.
Sa bandang huli kasi siya at siya parin talaga, kahit nasaktan na ako.
"Lianna, bilihan mo nga ako ng French Fries!" utos sa akin nang babaeng ito. Ako? Utos-utosan lang nang babaeng ito. Jusko, Kalma ka lang Lianna.
"Pera mo?" sabi ko sa kanya. Sabay lahad nang kamay ko. Alam kong wala siyang maibigay, kaya naman umalis na ako sa harapan niya. Akala ko kung sinong mag-uutos! Pagod na ako, waldasin ang pera ko, para sa taong hindi marunong mag appreciate ng effort ng tao.
Cheneck ko lang naman siya. Hindi ko naman siya need na bantayan talaga. At saka isa pa, nagbago isip ko. Ayaw ko palang maburyo kasama siya. May meeting pa kami nila Miya ngayon, ilang araw narin akong hindi nakakasama sa meeting nila.
Palakad-lakad lang ako, hanggang sa makakita ako ng...... Bilihan nang Milk Tea? Sandali, kailan pa nagkaroon ng bilihan dito nang ganito. O baka naman, dahil hindi ako madalas magawi dito kaya ngayon ko lang napansin. Tutal, nandidito narin lang ako. Bibili muna ako nang inumin nang mga iyon, para mabawasan ang tampo sa akin. Alam ko namang may tampo ang mga iyon. Sila pa. Kailangan kong bumawi sa kanila.
Nagmadali akong pumunta roon, at saka marahang pumasok sa loob. Maganda ang loob, malinis at punong puno nang inspirasyon ang bawat ding-ding. May mga quote kasi doon, na naka frame.
Dumiretso ako sa mismong counter, pero nagulat ako noong makita ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon.
Siya iyong lalaking nakita ko, iyong dumaan daw para lang sa pancit. Iyong sasamahan ako sa bangin.
"What are you doing here?" agad kong sabi. Habang gulat pa ding nakatingin sa kanya.
"I obviously don't know. But, I guess, I'm the one, who will take your order, right?" hindi ko alam kong anong irereaksyon sa sinasabi niya.
"Your not the owner of this shop?" tanong ko sa kanya. Nakangisi naman itong tumingin sa akin at pilyong ngumiti.
"Kahit ako ang may-ari, hindi kita ililibre!"ay grabe! Advance siya mag-isip! Mukha ba akong magpapalibre lang. Excuse me? I have my own money.
"Kapal!" pagpaparinig ko. "Excuse me, hindi ako magpapalibre sayo. Bibili ako. Apat na classic, tas isang cookies and cream na flavor nang milk tea." sabay abot nang bayad sa kanya. Ngumingiti-ngiti padin itong tumingin sa akin. At parang natatawa sa inasal ko. Akala mo, hah!
"Take out?" tanong niya ulit, habang nasa notepad na nakatingin. "Paki-hintay na lang ho, Ma'am." magalang pero sarkasmo ang pagkakabigkas. Umirap! Ang lakas nang loob, akala mo kung sinong makairap! Tinalo pa ako!
Dahil alam ko namang matatagalan pa ito, kaya naman umupo muna ako sa malapit, habang hinihintay siya. Linabas ko ang phone ko, at nagmessage kay Bro na, kailangan kong umalis dahil may meeting pa akong pupuntahan. At wala pang ilang minuto nang magreply ito. But his reply confused me.
"Then, what the hell are you doing with that cafe, and you're happily talking with that boy!" sounds like jealous bestfriend right? Pero, gagi. Hindi dapat ako maniwala sa nakakahulog niyang reply.
"I'm buying some Milk Tea, do you want some too?" sagot ko. Muntik pa akong matawa dahil parang tanga ang tanong ko. Alam ko namang ayaw niya, kasi hindi naman mahilig sa ganyan.
But the first thing I expect, when he replies from the message, is that. Ayaw niya. Pero, iba!
"Buy me, then, let me taste it. Titikman ko kung mas masarap iyang binta nila, kaysa doon sa pinagbilhan ko noon!" what the hell! Pafall ang puta.
To be Continue
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With my Best Friend
Teen FictionMaximilianna Alegre, a 17-year-old high-school girl fell in love with his long-time best friend Alexander Ryan Valdez, since when they were in Elementary. Unfortunately, when the 10th grade comes, Ryan's family must migrate abroad because of person...