Kabanata 32

319 21 4
                                    

(PS. MABABASA PO ITO UNDER THIRD PERSON POINT OF VIEW.)

MATAPOS tumawag ni Miya sa mga taong binanggit niya kanina ay halos magkakasabay din silang dumating. Puro seryoso, at pulos nag-aalala ang mga nakuhang reaksyon ni Miya.

Bagama't si Miya ang sumalubong sa kanila kaya naman siya ang tanging sumagot sa mga una nilang naging katanungan. Ang ilan ay hindi makapaniwala, at ang iba naman ay halos sumugod kay Jake ngayon upang bigyan ng isang malakas na suntok.

Ngunit, dala ng pagpipigil kaya naman naupo na lamang sila sa malapit na upuan at doon na lamang maghintay gaya ng ginagawa ni Jake, kani-kanina lang.

Ang mga magulang ni Lianna ang siyang lumapit kay Jake upang magtanong. At mabuti naman dahil hindi ito kagaya ng dati na may halong angas kong sumagot.

Mahinahon niya itong sinagot at may bahid sa boses niya ang pag-aalala.

“Mom, I'm sorry. Hindi ko naman po alam na ganito po ang mangyayari. Mom, sorry po.” gulat at pagtataka ang rumehistro sa mga mukha ng kanyang mga magulang.

Bigla na lamang kasi yumakap si Jake sa kanyang mga magulang at doon humagolgol...Dahan dahan namang hinaplos ng kanyang Ina ang kanyang likod. At animo'y pinapatahan.

“Alam ko, anak. Matagal nang iniinda ni Lianna ang sakit niyang ito, anak. Hindi mo kasalanan. Hindi mo kasalanan, anak. Naiintindihan kita.” totoo nga ang sabi ni—Shel Silverstein

And she loved a little boy very, very much, even more than she loved herself..

Walang papantay sa pagmamahal ng isang Ina, gaano man kalaki ang nagawa mong kasalanan o pagkakamali, handang ka niyang patawarin, kahit hindi mo masabi ang buong katotohanan. Ang pagmamahal ng Mommy nila Lianna sa kanila ay pantay-pantay, bagama't mas matutuon ang pansin ni Jake sa kung sino ang laging inaalalayan at natutukan.

Sa kabilang banda naman, si Makseane na hindi pamilyar sa mga taong nakikita. Ang tanging kilala niya lang ay si Miya, dahil lagi niya itong nakikita. Si Jake na minsan niya ng nakita at nagpakilala agad na kapatid niya. Ang iba? Ay hindi niya na maalala o kilala.

Tahimik siyang nagmamasid. Hanggang sa makarinig siya ng pamilyar na pangalan. Lianna.

“Pwede ko po bang makita iyong Lianna na sinasabi niyo?” naging agaw pansin ang katangunan niyang iyon. Halos lahat ng mga mata at atensyon ay napunta sa kanya.

Bakas sa mukha nila ang pagkabigla at pagkagulat maliban sa mga nakakaalam kung anong nangyayari.

Tumahimik ang lahat, nakikiramdam sa kung anong susunod na mangyayari. Ang kanyang Ina na halos humagulgol ngunit nagpipigil lamang. Ang kanyang Ama na halos lumapit na dito at nais nang mayakap ang kanyang anak. Si Max at Jake na halos hindi makapaniwala sa nangyayari.

For almost 10 fvcking years. Damn! Mayayakap ko na ang kapatid ko! Iyan ang nasa isip-isip ni Jake ngayon. Sa kanilang magkapapatid, siya lang ang hindi nakalimot, iyon ang akala niya.

PERO, lingid sa kaalaman niya, mayroong Max Alegre, na laging humahanap din ng solusyon, at paulit-ulit na bumabalik sa lugar kong saan siya unang nawala.

Kung ang akala niya ni Jake siya lang ang ang nagdudusa, doon siya nagkakamali.

Mula ng malaman ng magkapatid na buhay ang kapatid nila, at simula ng malaman ni Lianna na mayroon siyang kakambal, ginawa niya ang lahat. Ginawa ang niya ang lahat para matanggap siya ng kapatid niya.

“I-ikaw na-na b-ba i-iyan, anak?” nagkanda-utal utal ang boses nang kanilang Ina.

The famous Doctor Clementina Piñablanca Alegre. Lahat ng mga dumadaan na tao sa buong hallway na kinalalagyan nila ay parang gulat. Sa bagay? Kailan ba nautal ang Matapang at nakaka-intimidate na aura ng isang Doktora Clementina Piñablanca Alegre.

Sikat sa buong Pilipinas, bukod sa isa siyang magaling na doktor, mayroon siyang ginagawang medical mission, kada katapusan ng buwan.

PERO, hito siya ngayon. Kulang na lamang ay lumuhod sa harap ng tinatawag niyang anak.

Sa buong buhay niya, ito ang hindi niya kailanman inaasahan. Ang dumating ang araw na pagkatapos niyang mahanap ang nawawala niyang anak, iyong isa naman ang mawawala.

Kunting-kunti na lang talaga at bibigay na ang katawan niya. Bibigay na ang mga inipon niyang luha. Gustong gusto na nitong bumuhos. Dahil, sa samu't saring emosyon. Masaya siya na may halong lungkot.

Makseane always believed in saying The only love between a mother and a daughter can’t be changed and only this love has no limits. It grows with every single day and never fades. 

Kay tagal niyang hinintay ang araw, kung kailan darating ang bagay na inaasam-asam niya. Hindi niya lubos akalain na darating pa pala ang araw na iyon.

Laking pasasalamat niya sa kapatid niyang si Lianna at sa Kuya niyang si Max. Sila ang tumulong sa kanya nitong nakaraang araw.

Hinanap siya ni Miya at agad binigay ang tulong na kailangan niya. Binayaran ang lahat ng pinagkakauntangan niya. Hindi daw kasi pwedeng lumabas si Lianna noong mga panahon na iyon.

Hindi niya lubos akalain na may biglang tutulong sa kanya. Sa gaanong kaaaga.

Bukod doon kaya siya pinatawag dito ay dahil may sasabihin daw na importante si Miya sa kanya.

At bukod doon ang babaeng nasa harapan niya ngayon ay tinawag siyang anak. Kung ganoon, siya nga ang kaniyang Ina. Pero, ang gusto niyang malaman ay kung nasaan ang kapatid niya. Nalaman niyang kakambal niya ito, nasasabik na siyang malaman kong magkahawig nga ba sila.

“Ikaw po ba ang Mama ko? Kung ganoon po? Asan po ang kakambal ko? Gusto ko po kasi siyang makita?” magalang niyang paki-usap sa kanyang Ina.

Kunot noo niya ding pinagmasdan ang paligid. Kilala niya ang lugar na ito. Bakit nandito sila sa hospital? Sino ang nanganak? Hah?

“Pasensya na Tita. Hindi mo po kasi siya pamilyar sa mga nakikita niya ngayon. Saka na lang po namin ipapaliwanag. Sa ngayon po, hintayin na lang natin ang doctor na lumabas, Tita.” singit ni Miya sa kanila.

Gulong gulo ang mga emosyon na nararamdaman ng mga tao na kasama pa nila. Bukod doon ang hindi nila inaasahan na bisita.

Si Ryan......

TO BE CONTINUE.

I Fell Inlove With my Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon