SPECIAL CHAPTER

414 9 0
                                    

"Cedric?" Pagtawag ko kay Cedric naabutan ko kasi siyang naglalakad papasok sa ward.

Naisipan ko kasi na puntahan si Nate sa trabaho niya pagkagaling ko sa trabaho.

Agad naman siyang napatigil.

"Reizel." Medyo gulat na sabi ni Cedric. Nilapitan ko agad siya.

"Ano ginagawa mo dito sa hospital?" Tanong niya. "Ah oo nga pala andito pala si mister." Dagdag niya at tumawa ng malakas.

"Nag dala ako ng lunch para kay Nate." Nakangiting sabi ko at pinakita sakanya yung paper bag na dala ko.

"Wow." Sabi ni Cedric.

"Na saan pala siya, Cedric?" Tanong ko.

"Ayan na pala asawa mo, Architect. Garcia."Biglang sabi ni Cedric at Napatingin sa nasa likod ko. 

"Catelyn?" Pagtawag ni Nate sa akin kaya napatigil ang paguusap namin ni Cedric.

Naglakad siya palapit sa amin habang inaalis yung nakasabit sa leeg niyang stethoscope.

"Ano ginagawa mo dito? may trabaho ka ngayon diba?" Sunod sunod na tanong ni Nate, pagkabeso ko sakanya.

"Pinagluto kita ng food. Maaga kasi ako natapos sa office."

"Ano? Kilig ka Doctor loverboy?"Nakatawang sabi ni Cedric at siniko ng malakas si Nate.

"Patingin nga," Sabi ni Nate sa akin habang pinipigilan niya ang sariling mapangiti at kinuha sa kamay ko yung dala kong pagkain.

"Adobong baboy with boiled egg , atsara at rice."Sabi ko.

"Mukhang masarap 'yan,pero mas masarap siguro magkaasawa."Biro ni Cedric.

"Hinahanap ka daw pala sa childrens ward."Sabi sakanya ni Nate.

"Weh?Pinapaalis mo lang ako. Sige na nga iiwan ko na kayong dalawa."

"Dapat lang,"

"Babye, Architect.Garcia."Pagpapaalam ni Cedric sa akin.

"Hindi ka kakain, Catelyn?"Tanong ni Nate habang kumain siya.

Ako naman pinapanood ko lang siyang kumain.

"Busog pa ako,kumain kasi kami ni Sandra sa labas."

"Dapat sinabayan mo na lang akong kumain.Joke."Nagtatampo niyang sabi.

"Lagi naman kitang kasabay kumain."

"Uuwi ka na ba agad?"Tanong ni Nate pagkatapos niya kumain.

"Siguro, marami ka pang gagagwin diba,"

"Huh? Wala."Nakakunot noo na sabi ni Nate.

"Gusto mo sabay na tayo umuwi?"

"Pwede naman, dito nalang ako sa office mo." Sabi ko.

"Sama ka nalang sa akin mag rounds." Pag-aya ni Nate.

"Sigurado ka?"

"Oo. Hindi ka muna Architect ,secretary muna kita ngayon." Biro niya at kinindatan ako.

"Try mo mag white coat."Sabi ni Nate bago niya isuot sa akin yung coat na dala niya.

"Required ba 'to?"Natawa kong sabi pagkasuot niya sa akin nung white coat niya.

"Hindi, props lang."

Sinamahan ko si Nate mag rounds sa mga naka admit niyang pasyente. Ang iba niyang pasyente ay nasa critical na kalagayan o di kaya naman ay injured.

"Araw-araw ba kayo nag r-rounds?"Tanong ko kay Nate habang naglalakad kami.

"Hindi naman, depende pag maraming naka line-up na schedule for patients check-up."

Healing Art Of Love (SLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon