045

413 17 3
                                    

"Kita nalang tayo sa resort, Reizel." Sabi ni Mark bago siya sumakay sa sasakyan niya.

"Sige, mag iingat kayo ni Mariz ah." Sabi ko bago itaas ang bintana ko.

"Wala na kayo nakalimutan?" Tanong ko kay Sandra na nasa backseat nakaupo.

"Wala na, Zel." Sagot ni Sandra. Kaya nag maneho na ako paalis halos magka sunod lang kami ni Mark umalis.

Hapon na kami umalis papunta sa Batangas ngayon. Gamit ko ang sasakyan ko papunta don kasama ko si Sandra at Dave na nakisabay nalang para hindi sayang yung gas kung mag sasarili kami, samantalang si Mariz at Mark naman ang magkasama.

"Buti hapon tayo umalis 'no, para diretso tulog na ng maaga pagdating natin sa resort." Sabi ni Dave.

"Oo, tama 'yon para hindi mag balak mag inom si Neon." Sabi ni Sandra.

Habang nasa biyahe kami si Sandra naka iglip at naiwang gising naman si Dave para samahan ako habang nagmamaneho, sabi ko naman sakanya ayos lang naman sa akin na matulog siya kaso sabi niya okay lang daw dahil baka bigla akong makaramdam ng antok dahil wala akong kausap habang d-drive ako.

Notification🔔

@NateGarcia20: Nasaan ka?

Biglang nag message si Nate sa akin, hindi ko agad iyon nasagot dahil nagmamaneho ako saka ko lang siya nareplayan nung nag stop over kami sa isang gas station para mag pa gas.

@Reizel_cruz: otw na sa Batangas
@Reizel_cruz: ikaw?

@NateGarcia20: kakatapos ko lang mag duty, uuwi muna ako sa bahay tapos pupunta na ako sa batangas.
@NateGarcia20: see you later or tomorrow, Catelyn.

"Malapit lapit na pala tayo e," Sabi ni Sandra habang nakatingin sa waze ko.

"Oo, pero inabutan tayo ng gabi." Sabi ko habang nag d-drive.

"Bagsak na agad haha," Natawang sabi ni Sandra, si Dave naman ang tulog sakanila ni Sandra.

Nag-kwentuhan lang kami ni Sandra at nagpatugtog. Pagkarating namin sa resort ay saktong kakababa lang nila Mariz kaya inantay na nila kami habang nakatayo sila sa main entrance.

"Hatid na namin kayo sa kwarto niyo." Sabi ni Mark.

"Kayong apat nila Lianna magkakasama, tapos kami ni Dave kasama namin si Lei na nasa kwarto na haha," Dagdag ni Mark habang naglalakad.

Nauna na pala si Lei kahapon pa, dahil sa sobrang excited sa kasal ni Neon, si Lianna naman papunta na daw, si Aleckza naman susubukan humabol mayroon daw kasi siyang lipad papuntang Australia at bukas pa ng madaling araw ang balik nila dito sa pinas.

"Katabi mo si Lianna, Mariz." Sabi ni Sandra pagkapasok namin sa kwarto, mayroon kasi  dalawang king size bed doon.

"Sige." Sabi ni Mariz, bago ibagsak ang katawan sa malambot na kama.

"Kumain na kayo?" Tanong ni Mariz sa amin ni Sandra na nag aayos ng gamit, konti lang ang dala namin dahil sa susunod na araw ay uuwi na rin kami.

"Oo, kumain kami sa bulaluhan." Sagot ko.

"Kami drive thru." Sabi ni Mariz, bago tumayo para kumuha ng pamalit na damit.

Hindi na namin nahintay si Lianna na dumating dahil bagsak na bagsak na kami nila Sandra kaya maaga kaming natulog kahit bukas pa ng tanghali ang kasal nila Neon, buti nalang  nagpaiwan ng susi si Mark sa front desk nila.

"Goodmorning, Zel haha," Natatawang sabi ni Lei na nakaupo sa gilid ko.

Kakagising ko lang kasi sila Mariz, Lianna at Sandra mga bagong ligo na ako nalang ang hindi pa nakakaligo, medyo excited ata sila kahit 11 am pa lang ,kahit na mamayang 3 pm pa yung kasal nila Neon.

Healing Art Of Love (SLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon