"Gusto mo tumambay muna sa condo ko?" Tanong ko kay Nate pagkababa ko sa building ng condo ko, pansin ko kasi na sobrang traffic pabalik kaya naisipan ko na dito muna siya magpalipas ng oras.
"Pwede naman." Nakangiti niyang sabi, agad ko naman itinuro ang bakanteng parking lot na nasa gilid ng building.
Pagkapark niya ay sinundan na niya ako papasok dala dala ang General surgery na librong binili niya kanina siguro magbabasa 'to habang nagpapalipas ng oras.
"Magaaral ka?" Tanong ko habang nasa elevator kami.
"Silip lang." Maikling sagot niya at tumango nalang ako.
Pagkapasok namin ni Nate sa loob ng condo laking gulat namin nang maabutan namin si Sandra na naka kandong kay Dave habang masayang nag usap.
"Reizel, I think na istorbo natin sila." Natatawang sabi ni Nate nang makita sila Sandra.
"Siguro nga." Dagdag ko habang pinipigilan ang tawa ko.
"Pota!" Gulat na sabi ni Dave, agad naman silang tumayo ni Sandra, nakakatawa mga itsura nila parang mga batang may nagawang kasalan.
"Kanina pa kayo diyan?" Kinakabahang tanong ni Sandra medyo lumayo siya ng konti kay Dave.
"Hindi naman namin na abutan yung moment niyong dalawa kanina." Pagbibiro ni Nate na nasa likod ko.
"Huli pero di kulong," Singit ko.
"Umupo nga muna tayo dito." Pagdugtong ko sabay lapit sa sofa kung nasa'n sila sinundan din ako ni Nate.
"Ayaw nila umupo." Bulong ni Nate sa'kin pagkaupo niya sa tabi ko.
"Hoy para kayong ewan, umupo nga kayo." Sabi ko sabay turo sa sofa na nasa gilid namin sumunod din naman sila kaagad.
"Kailan pa naging kayo?" Nag cross arm ako.
"The day before nung party ni Nica." Pangunguna ni Dave.
"Nag confess ako sakanya sa call." Nagaalangang sabi ni Sandra medyo namumula siya.
"Congrats Men." Masayang sabi ni Nate kay Dave, nginitian naman siya ni Dave medyo nahihiya pa din silang dalawa sa nangyari.
"Alagaan niyo isa't isa ah alam niyo namang pareho kayong importante sa'kin." Sabi ko sabay tayo para lapitan at yakapin silang dalawa.
Jusko sumali din si Nate sa group hug.
Masaya ako para sa kanilang dalawa lalo na sa pinsan ko kay Dave dahil matagal 'yan umaasa kay Sandra, worth it ang paghihintay niya, naalala ko pa umiiyak si Dave dahil iniwasan siya ni Sandra highschool, memories.
"Nahihiya kasi ako dahil nung una ni reject ko siya sa harap ng homies tas ngayon ito kami na." Sabi ni Sandra habang nilalaro ang kamay niya.
"Hindi naman, nalungkot pa nga sila nung nireject mo si Dave eh kasi ship kaya namin kayo." Mahinahon kong sabi kay Sandra, tanggap naman ng mga kaibigan namin kung anong ganap sa buhay namin kaya wala dapat siyang ipagalala.
"Salamat Zel... Pero bakit may inuwi kang med student dito? " Biglang nangasar si Sandra sabay turo kay Nate na nasa kabilang upuan naka tingin sakanya.
"Gaga ka!" Sabay hampas ko kay Sandra nang magbiro siya kay Nate agad naman tumawa si Nate dahil sa ginawa ko.
"Nagpapalipas oras lang traffic pauwi." Nakangiting sabi ni Nate bago buklatin ang libro na dala niya.
"Ah nagpalipas o nanliligaw ka talaga." Singit ni Dave bago tumabi kay Nate.
"Hoy Dave! nakakahiya kayong mag jowa." Nakangiti kong sabi pero nagpipigil lang ako pero malapit ko nang suntukin 'tong magjowa na 'to. Nakakahiya kay Nate, Jusko.
"Nate, iwan muna kita saglit dito ah magpapalit lang ako." Sabi ko kay Nate bago ko siya iwan kasama sila Sandra na nakangiti sa'kin mukhang may gagawing hindi ko magugustuhan.
"Sige." Mahinang sabi ni Nate nakatingin sa binabasa niya.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay mabilisan akong kumuha ng damit at dumiretso sa banyo para mag shower at skincare, baka kung anong sabihin nila Sandra at Dave kay Nate kaya binilisan ko ang kilos ko para makabalik na don.
"Mabait 'yong pinsan ko, Nate" Pabulong na sabi ni Dave na rinig na rinig ko, pati na rin ang mahinang tawanan nila habang naglalakad ako.
"True, NBSB kaya si Zel." Dagdag ni Sandra, napatigil silang tatlo sa pag-uusap nang makita ako.
"Hoy!" Inis kong sabi habang pinandidilatan ko si Dave at Sandra.
"Kanina... ka pa diyan?" Kinakabahang tanong ni Sandra at tumayo para lapitan ako.
"Oo." Sagot ko at binigyan ng pekeng ngiti habang kinurot ko ang braso niya.
"Ouch!" natatawang sabi ni sandra.
"Nate gusto mo sa kwarto ka muna mag stay may mga epal kase dito eh." Nakangiti kong sabi sabay tinignan ko ng masama sila Sandra at Dave na magkatabing nakangisi sa'kin.
"Sure."nakangiting sabi niya bago tumayo at sumunod sa'kin papunta sa kwarto ko.
"Ah.. doon ka muna umupo sa study table ko." Turo ko sakanya sa table ko na nasa gilid ng kama ko habang sinasara ko ang pinto.
"Sandali buksan ko lang yung aircon." Sabi ko sakanya pagkaupo niya sa table ko, baka kasi naiinitan siya.
Anak mayaman pa naman.
"Gawa mo?" Nilingon niya ako sabay turo sa plate ko na nakadikit sa wall.
"Yes, first plate ko nung 1st year." Medyo nahihiya kong sabi sabay lapit sakanya.
"I like it. Maganda ka din pumili ng color combination."
"Thank you."
"Pwede bang ikaw maging architect sa mga ipapatayo kong hospital branch?Catelyn."Mahinang sabi niya.
"Ako? Gusto mo ako maging architect mo in the future?" Gulat kong sabi habang nakahawak sa dibdib ko.
"Yeah, ikaw lang yung kilala kong architect na close ko" And raised his eyebrows.
"Ok." Nakangiti kong sagot bago umupo sa kama ko.
"May tanong lang ako... Ano pinagsasabi nila Dave sayo?" Tanong ko sakanya na busy magbasa.
"About sa personality mo." Sagot niya.
"Weh? personality ko?"
"Oo, you have a good personality Catelyn." Sabi niya at tinignan ako and gave me a sweet smile.
BINABASA MO ANG
Healing Art Of Love (SLS #1)
Teen FictionSOLASTA LEAL SERIES #1 Reizel Cruz, a student from DLSU architecture, is known for being supportive to her friends, intelligent, and most of all lovable girl. Until she met a med student, Nate Zamuel Garcia who studied in UP, who came from a family...