044

353 16 0
                                    

Naging busy ang mga sumunod na araw dahil ang ibang project ay pinapa follow up na, kaya nag hapit talaga kami nila Sandra sa pag plano ng mga project na tinaggap namin. Buti nalang at last day na namin ngayon sa trabaho dahil kasal na ni Neon sa susunod na araw kaya naka automatic leave kami nila Mark, Dave, Mariz at Sandra.

Bukas na kasi kami pupunta sa resort nila Mark dahil kinabukasan no'n ay ang kasal nila Neon at Anjela.

"Architect. Sarmiento." Tawag ko kay Sandra pagkapasok ko sa office niya.

Nadatnan ko si Sandra na nag lalabel ng ginagawa niyang floor plan, yun na kasi ang huli niyang project na kailangan maipasa ngayon.

"Architect. Cruz, tapos kana sa mga ginagawa mo?" Tanong niya sa akin.

"Oo, yung iba tinapos ko na kagabi kaya mabilis akong natapos." Sagot ko sabay lapit sa table niya.

"Mag tanghalian ka muna, Sandra." Sabi ko sabay abot sakanya ng paper bag na may lamang kanin at ulam na binili ko sa labas.

Hindi pa kasi lumalabas si Sandra simula nung pumasok siya kanina kaya naisipan kong bilhan siya ng pagkain, binilhan ko din sila Dave, Mark at Mariz.

"Thank you, ilapag mo nalang sa table." Sabi ni Sandra habang busy mag gawa ng floor plan.

Agad ko nilapag ang paper bag sa table na nasa gilid niya, hindi na rin ako nakapagpaalam pa sakanya dahil masyado talaga siyang busy kaya lumabas nalang ako.

Notification🔔

@NateGarcia20: Kain tayo sa labas kasama si Ally:))

@NateGarcia20sunduin kita.

Habang naglakakad ako ay biglang nag message si Nate sa akin.Sa account na niya mismo siya nagmemessage, hindi naman kasi kami nag unfollow sa isa't isa nung nag hiwalay kami ni Nate pero madalang kong i-like ang mga picture niya pero kabaliktaran naman sakanya, nag viview din siya ng mga story ko gano'n din ako sakanya.

Sa pagkakaalala ko ang huling bisita ko sa profile niya ay month ago pa , nandoon pa rin ang mga picture namin magkasama sa account niya.

@Reizel_cruz: Now na?

Okay lang naman sa akin dahil tapos na ako sa mga ginagawa ko. Pwede na nga rin akong umuwi eh.

@NateGarcia20: Yes, Architect Catelyn.
@NateGarcia20: Malapit na ako.

"Ang nag iisang tao na paborito ang second name ko." Natawa kong sabi bago pumasok sa office ko at mag ayos ng sarili ko habang wala pa si Nate. Nag retouch lang ako ng konti at nag spray ng pabango at kinuha ko na din ang bag ko.

Dinaan ko muna kay Sandra yung susi ng sasakyan ko dahil susunduin ako ni Nate, kaya siya nalang ang mag uwi nang sasakyan ko.

"Sandra, ikaw na ang mag uwi nung sasakyan ko ah," Bilin ko sabay abot sa susi ko.

"Saan ka pupunta?" Nagtataka niyang tanong at nakapamewang.

"Kakain kaming tatlo nila Allyana at Nate sa labas, eh si Nate daw susunduin ako." Inosenteng sagot ko.

Ramdam kong aasarin na ako ni Sandra dahil sa sinabi ko.

"Comeback na 'yan! ginawa pang third wheel si Atty. Sanchez," Natatawang sabi ni Sandra.

"Nako! kakain lang kami." Napailing ako at tinawanan siya.

' Doc.Garcia'

Biglang tumawag si Nate kaya nagmadali akong nagpaalam kay Sandra bago ko ito sagutin habang naglalakad ako papunta sa elevator.

Healing Art Of Love (SLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon