017

315 19 0
                                        

"Saan tayo kakain?" Tanong ko habang nakatayo kami sa bay walk.

"Hmm.. Ikaw bahala." Sabi niya sabay ngiti sa'kin.

"Sabi mo 'yan ah." Natatawa kong sabi.

"Don tayo kumain... Nag crave kasi ako sa pizza eh," Turo ko sa pizza restaurant na malapit sa amin.

"Pero, ako ang magbabayad." Pinigilan ko siya maglakad para paalalahanan siya na ako ang magbabayad tutal ako ang nag aya sa restaurant na 'to.

"Okay, para sa ikakatahimik mo Ma'am." Sabi niya sabay tawa bago magpatuloy sa paglalakad papunta don sa restaurant na tinuro ko.

Pagkapasok namin sa restaurant biglang napalingon si Nate sa'kin nang mag ring ang phone ko agad ko naman kinuha 'yon na nasa bag ko para sagutin, si Sandra pala ang tumatawag pangatlong tawag na niya pala.

'Sandra'

"Excuse me, sagutin ko lang." Pagpapaalam ko kay Nate.

"Table for two please," Narinig kong sabi ni Nate dun sa babaeng nag a-assist ng mga customer na dumadating.

Lumabas muna ako para kausapin si Sandra.

"Hello... Bakit ka tumatawag?" Tanong ko. Rinig ko ang tawa nila ni Dave pagkasagot ko ng tawag.

"Wala naman, trip ka lang naming tawagan ni Dave nasa labas kami ngayon tumatambay sa milktea shop, ka bored sa condo eh." Natatawang sabi ni Sandra.

"Tapos?" Inip kong sabi, pinagtritripan nanaman ako nila Sandra.

"So bakit ang tagal mo umuwi, Reizel? "Narinig kong pangaasar na tanong ni Dave.

"Oo nga nag date ba kayo ng ka meet up mo sa UP Dilliman haha," Dagdag ni Sandra.

"Nag-aya lang si Nate mag gala... Wag nga kayong ma-issue." Malapit na akong maasar sa dalawang 'to. Nako.

"Sige naniniwala na kami... Na para sayo talaga si Nate." Rinig kong sabi ni Sandra at Dave sabay tawa narinig ko din ang hampasan nila.

"Bahala nga kayo diyan... Babye." Sabi ko bago ko i-end ang tawag.

Pagkabalik ko sa loob ay agad kumaway si Nate para makita ko siya agad kung saan siya naka pwesto, agad naman akong lumapit at umupo sa harap niya.

"Nakapag order kana?" Tanong ko sakanya habang pinapatong ang gamit ko sa tabi ko.

"Yes, yung best seller nilang pizza yung in-order ko." Sagot niya bago kunin ang phone niya na nakapatong sa table.

"Okay." Maikling sagot ko.

Habang inaantay namin ang inorder ni Nate ay bigla kong naalala yung libro na binili ni Nate kanina kaya naisipan kong gawing topic 'yon habang naghihintay.

"Yung dalawang libro na binili mo babasahin mo yun?" Kanina ko pa dapat itatanong 'yon nung nasa bookstore kami kaso nag talo kami kung sino ang magbabayad.

"Pediatrics and General Surgery sa'kin 'yon, med student ako diba haha,"

"I mean bukod diyan"

"Ah yung baking and tips on how to be close to your prince charming ba?" Natatawa niyang sabi.

"Oo.."

"Para kay Ally yun, Reizel haha..Do you think nagbabasa ako kung paano mahanap prince charming ko, eh princess ang hanap ko." Napailing siya.

"Wow. buti tinawag nako sa first name ko." Pabulong kong sabi.

"Change topic." Sabi niya pagkadating nung order namin.

"Let's talk about yung course na kinuha natin."  Suggestion ko sakanya, habang umiinom ako ng juice.

"Fine, So magaling ka mag drawing?" Sabi niya habang kumukuha ng pizza.

"Di naman lahat ng Architect magaling mag drawing, napagaaralan naman 'yon haha,"

"I know pero yung creativity and imagination hindi." Sabi niya habang ngumunguya ng pizza.

"Hmm, siguro"

"Bakit hindi gusto ni Jaiden ang med?" Tanong ko.

"Hindi niya type magbasa ng marami, alam mo ba pag nakikita niya yung makapal na libro na binabasa ko nahihilo daw siya, kaya no choice siya kung hindi sa BA katulad nila Neon or other courses." Pagkukuwento niya sa'kin, ang cute niya mag kwento in fairness parang kasama ko lang mga homies kaso nasa isang katawan.

"Pareho pala sila ni Nica haha" Bigla ko kasing naalala na next pala ay sa UP na din siya mag aaral at BA din ang course katulad nila Neon.

"Yup,kaya for sure mas lalong mafa-fall sa isa't isa 'yon kasi laging magkikita." Natatawa niyang sabi bago uminom ng juice.

"Can I ask you something?" He asked

"Ano 'yon?"

"May kapatid ka ba?"Seryoso niyang tanong.

"One and only child, pero dapat may kapatid ako ngayon kaso nakunan si Mommy." Medyo nakaramdam ako ng lungkot pag naalala ang tungkol sa nangyari kay Mommy.

"I'm sorry,Reizel." He gave me an apologetic smile.

"It's okay Nate, it's been a long time na din eh."

"Kaya pala close ka sa mga kaibigan mo lalo na kila Neon at Nica."

"Lagi din kasing pinapabantayan yung dalawang 'yon sa Lola ko." Sabay ngiti ko sakanya.

"Na kwento din ni Neon 'yan sa'min." Sabi habang tinitignan akong kumain ng pizza.

Nang matapos kaming kumain ni Nate ay agad agad din akong nagbayad baka unahan nanaman niya ako nakakahiya na, buti di na siya nakipagtalo sa'kin.

Na upo muna kami ni Nate sa harap ng bay walk para panoorin ang sunset bago umuwi.

"Ngayon lang ulit ako nakapunta dito." Sabi ko kay Nate habang pinapanood namin ang sunset.

"Ngayon ko lang naabutan yung sunset dito"

"Palagi ka dito?"

"Yeah, lalo na nung high school"

"Eh? cutting classes." Pagbibiro ko.

"Hell no, syempre after ng pasok ko, kasama ko sila Ced and my other friends." Natatawa niyang sabi.

"Malapit lang siguro school niyo dito 'no, International school?" Sabay tingin sa kanya.

"Medyo malayo nang konti and hindi International school"

"Rich kid ka kasi kaya naisip ko agad International school ka nag aral."

"Sa University of Santo Tomas lang ako." Simple niyang sabi.

"Gago?!" Gulat kong sabi isa kasi sa dream school ko ang UST kaso di ako nakapag take ng exam doon dahil sa nangyari kay Mommy pero okay lang at least kasama ko pa din sila Sandra sa DLSU.

"Gulat ka." Natawa niyang sabi nang makita ang reaksyon ko.

"Thomasian ka pala, pero ask ko lang bakit di ka sa UST nag college?"

"Gusto kasi ng parents ko sa same university kung saan sila nangaling ako mag aral and one more thing dream school ko yung UP, isa kasi sa pinaka challenging ang University na 'yon." Sagot niya habang naka cross arm.

"Family of doctors... Ang challenging nung entrance exam don 'no. " Sabi ko.

"Yup, ikaw bakit di ka nag UP?" Tanong niya sa'kin.

"Di ako nakapag take ng UPCAT at USTET eh, naapektuhan kasi ako sa nangyari kila Mommy... Sayang isa pa naman sa dream school ko ang UST."

"Sorry again.." Tinignan niya ako and gave me a smile sabay peace sign.

"Pero kahit di ako nakapag aral sa UST atleast natupad yung isa sa mga dream school ko and that's DLSU." Nakangiti kong sabi bago tumayo at yayain na siyang umuwi dahil padilim na din.






Healing Art Of Love (SLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon