"Lola, ako na diyan." Pagpigil ko kay Lola sa pag gawa ng gawaing bahay.
Umuwi kasi ako kila Lola para makasama ko siya at maalagaan na din siya.
"Nako Apo, hindi naman nakakapagod ang pagwawalis." Sabi ni Lola sabay kuha ulit ng walis sa akin.
"Basta Lola 'wag mong pagurin 'yang sarili mo ah," Pagpapaalala ko kay Lola.
"Oo naman, Apo." Natatawang sabi ni Lola bago magwalis.
"Lola may na kwento na po ba sainyo si Dave tungkol sa akin?" Tanong ko kay Lola.
Baka inunahan na ako ni Dave tungkol kay Nate.
"Meron," Sagot ni Lola habang nagwawalis siya.
"Po?!" Gulat kong sabi.
Malilintikan talaga si Dave sa akin pag inunahan niya ako.
"Ano po 'yon?"
"Nag outing daw kayo kasama sila Neon. Bakit mo naman naitanong at bakit ganyan ang reaksyon mo, Reizel?" Natatawang sabi ni Lola sa akin.
Ay buti nalang hindi sinabi ni Dave yung tungkol kay Nate.
"Wala naman po," Sabi ko sabay ngiti kay Lola.
"Lola, may sasabihin po ako sainyo." Sabi ko kay Lola pagkaupo niya sa tabi ko.
"La, yung crush ko nililigawan ako...Pero Lola, hindi pa niya alam na crush ko din siya." Kabado kong sabi kay Lola.
"Hay nako, ganyan din ang Tita olive mo sa Tatay ni Dave noon. Nagaalinlangan kung sasagutin niya ba o hindi kasi hindi pa siya nakakapasok sa mga relasyon kaya ganon. Pero Apo ito lang ang masasabi ko sayo sundin mo lang ang nilalaman ng puso mo wala naman masamang pumasok sa relasyon tsaka nasa tamang edad ka na naman." Sabi ni Lola sabay hawak sa kamay ko.
"Kayo po nung ligawan kayo ni Lolo?"
"Alam mo noon sobrang higpit ng magulang ko sa Lolo mo kaya nahirapan talaga ang Lolo mo manligaw, alam mo ba hindi lang ako yung nilagawan no'n, maging ang buong angkan namin ay niligawan niya." Pag kwento ni Lola.
Grabe buong angkan niligawan ni Lolo para kay Lola, gagawin niya talaga ang lahat para sa taong mahal niya.
"Sino ba yung manliligaw mo?" Tanong ni Lola sa akin.
"Si Nate po. Bestfriend ni Neon at isang med student po siya sa UP."
"Matalino at masipag na bata siguro 'yon katulad mo, Apo, gusto ko siya makilala sa personal minsan ay isama mo siya dito."
"Alam ba yan nila Rey at Marian?" Sunod na tanong ni Lola.
"Ang alam lang po nila ay crush ko si Nate pero hindi ko pa po sinasabi sakanila na nililigawan na po ako ni Nate, baka mamaya po mag videocall kami at sabihin ko sakanila."
"Basta ipakilala mo sa akin si Nate ah," Nakangiting sabi ni Lola bago siya umakyat sa kwarto niya.
"Pagod ka? haha" Biro ko kay Dave.
Kakarating lang kasi niya galing sa basketball court kasama yung mga ka batchmate namin nung highschool.
"Sobra, naubusan pa ako ng malamig na tubig sa tindahan haha." Natatawang sabi ni Dave sabay bukas ng ref para kumuha ng maiinom.
"Tapos na kayo maglaro?" Tanong ko sakanya.
"Oo"
Notification🔔
@NateGarcia02: Nasaan ka?
Bakit niya tinatanong kung na saan ako?
@Reizel_cruz: Na kay lola ako, Nate.. Bakit?
BINABASA MO ANG
Healing Art Of Love (SLS #1)
Teen FictionSOLASTA LEAL SERIES #1 Reizel Cruz, a student from DLSU architecture, is known for being supportive to her friends, intelligent, and most of all lovable girl. Until she met a med student, Nate Zamuel Garcia who studied in UP, who came from a family...