"Neon, bigyan mo naman ng girlfriend 'tong si Nate." Pabirong sabi ni Ally kay Neon habang kumakain kaming apat nila Cedric sa isang restaurant sa BGC.
"Gusto mo ba bro?" Tanong ni Neon sa akin.
"Basta mabait and matalino, sweet din siguro." Natawa kong sabi.
Sa lahat kasi ng mga nirereto nila Ally wala akong nagugustuhan kadalasan mayabang, masungit, maarte at malandi yung iba.
"Ito si Reizel, close friend ko 'yan sa homies." Sabi ni Neon sabay pakita sa picture nung kaibigan niya.
"Can I see, Neon." Singit ni Ally na nasa tabi ko.
"Maganda siya, Cuz oh." Sabi ni Ally habang pinagmamasdan yung picture nung Reizel.
"Anong meron kay Reizel, Neon?" Tanong ko kay Neon.
"Yung binaggit mo kanina yun yung description niya." Nakangiting sabi ni Neon.
"Oh edi siya na nga yung hinahanap mo, Nate," Natatawang sabi ni Cedric.
"Pupunta naman kayo sa grand opening ng bar ni Lei diba? tamang tama pupunta din si Reizel kung interested kang ma-meet siya." Neon said.
"Pass.hindi ako makakasama diyan ah," Sabi ni Ally.
"Sige." Maikling sabi ko.
Notification🔔
@Neonzx:she went out bro.
@Neonzx: sundan mona haha lol
@Neonzx: sent a photo.Nag message sa akin si Neon na lumabas daw yug kaibigan niya na nirereto niya sa akin and nag send din siya ng picture nung itsura ngayong gabi ni Reizel, siguro para mahanap ko siya agad.
Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko siyang naglalakad papunta sa park.
'Cedric'
"Hello?" Sabi ko pagkasagot ko sa tawag ni Ced.
"San ka pumunta?" Tanong ni Cedric, Hindi kasi ako nagpaalam na lalabas ako para sundan si Reizel.
"Lumabas ako" Sagot.
"Laro tayo ML ah. Bakit ka nga pala nasa labas haha?"
"Yeah, just having a walk near the bar......Just call me later, Ced,bye." Sabi ko kay Cedric napansin ko kasi na malapit lapit na ako kay Reizel na nakaupo mag isa.
"Mag on na ako.. Bye," Sabi ni ced bago ibaba ang call.
"Miss?" Nahihiyang sabi ko sakanya.
"Yes?" Maikling sabi niya sabay tingin sa akin.
"May kasama ka ba?" Tanong ko sakanya.
"Uhm wala akong ka date eh," Sagot niya.
feeling naman 'to. Pero mukha namang mabait 'to.
"What I mean is vacant ba 'tong upuan na nasa tabi mo miss hahahha" Sabi ko habang pinipigilan ang sarili kong hindi matawa sa sinabi niya.
"Ah..Oo, sorry po." Bigla siyang nahiya sa sinabi niya.
"Okay ,thanks miss." Sabi ko bago umupo sa tabi niya.
Binuksan ko na yung phone ko para makapaglaro na kami ni Cedric kasama si Ally yung pinsan ko, habang nakaupo ako at kinikilala 'tong kaibigan ni Neon.
"What"s your name?" Tanong ko sakanya habang naglalaro ako.
Napansin ko kasing tinitignan niya ako. Gwapo ba ako? haha.
BINABASA MO ANG
Healing Art Of Love (SLS #1)
Teen FictionSOLASTA LEAL SERIES #1 Reizel Cruz, a student from DLSU architecture, is known for being supportive to her friends, intelligent, and most of all lovable girl. Until she met a med student, Nate Zamuel Garcia who studied in UP, who came from a family...